Expressions

1264 Words
"HINTAY, Fier,” nakangiting sigaw ni Gaia kay Fier at sumunod dito. Nagpatuloy pa rin ito sa paglalakad kaya napaingos si Gaia. Ramdam ni Gaia ang titig ng bawat nadadaanan niyang estudyante. Hanggang sa nakasunod na siya sa cafeteria at namataan niya agad sila Zeira na kumaway sa kaniya. Kasama nito sila Caiz at Fier, nasa bandang gitna ang pwesto nila.   Habang papunta si Gaia sa pwesto nila Zeira, rinig na rinig niya ang bulungan ng mga nadadaanan niya. “Naku, andiyan na naman ang linta,” rinig niya pang sambit ng kung sino. “I know right, she’s just a trash. Kapag ‘yan talaga hindi na dumidikit kay Zeira, I will teach that trash a lesson.”   Hindi na lamang pinansin ni Gaia ang mga pasaring ng mga ito. Gusto niyang umiwas sa g**o at hindi niya gustong pagmulan ng g**o. Hanggang sa makalapit na siya sa pwesto nila Zeira, agad siyang pinaupo nito sa tabi ni Fier. "What took you so long Gaia? May umaway ba sayo?" Agad na tanong ni Zeira sa kaniya. "No, may nakalimutan lang ako sa classroom. Bakit hindi pa kayo nag-order?" Pag-iiba ni Gaia sa usapan.   "Hinintay ka namin, kaya tara— hoy! Bitawan mo nga ako!" Hindi na nakapalag si Zeira nang hilain siya ni Caiz para makapag-order. Naiiling na sumunod na lang si Gaia sa kanila. Medyo bumuti na ang ankle niya, hindi na siya paika-ikang maglakad. Nakauna sila Zeira sa pila, may nakauna sa kaniya bago ang mga ‘to. Nilingon pa siya ng babaeng nasa harapan niya at agad tumaas ang kilay nito nang makita siya. Pero biglang umamo ang mukha nito ng makita si Fier sa likuran ni Gaia.   "F-fier mauna kana,” mahinhin pang’ sambit nang babae sa harapan ni Gaia. Napalingon si Gaia dahil hindi niya namalayan na si Fier pala ang nasa likuran niya.   "No, it's okay,” sagot naman ni Fier sa babae na abot tenga ang ngiti, pero nang mapatingin kay Gaia ay napairap. Hindi na lamang iyon pinansin ni Gaia at napatingin na lang sa pwesto nila Zeira na hindi makapag-order ng maayos dahil sa pagbabangayan.   "Caiz, move!" Sigaw ni Fier mula sa likuran ni Gaia. Kaya napatingin sila Zeira sa gawi nila at nangunot ang noo ni Gaia nang mapansin ang kakaibang pagkakatingin ng mga ito sa kanila— si Caiz na may nakakalokong ngisi. Agad nag-order ang dalawa at dumaan sa gilid naman na di pa rin mawala ang ngisi sa mga labi. Kaya nagtaka si Gaia at biglang nagkasundo ang dalawa.   "Don't mind them,” sambit naman ni Fier sa kaniya. Nilingon ito ni Gaia at bahagya pa siyang nakatingala dahil hanggang sa ibabaw lang siya ng dibdib nito. Tinapunan rin siya nito ng tingin bago magsalita, "it’s your turn." Kaya bumalik ang paningin ni Gaia sa harapan. Masama pa ang tingin ng server sa kaniya kaya napangiti siya ng hilaw.   Namimiss na ni Gaia na kumain ng adobo kung kaya’t ‘yun ang napili niyang orderin. “Isa nga pong’ a—” bahagyang napaatras si Gaia nang may bigla na lang sumingit sa harapan niya. Kung hindi lang nahawakan ni Fier ang bewang niya ay baka natumba na siya.   "Seriously Zhyke?" may bahid na inis ang boses ni Fier kay Zhyke na siyang sumingit sa linya. Ngunit nagbingi-bingihan lang ito at nagpatuloy sa pag-order.   "Pabayaan mo na Fier, mukhang gutom na gutom na eh,” sambit nalang ni Gaia kay Fier nang muli sana nitong sisitahin si Zhyke. Napalingon naman si Zhyke sa kaniya at as usual, masama na naman ang tingin nito sa kaniya. Bumaba pa ang tingin nito sa bewang ni Gaia na hawak hawak pa rin ni Fier. Doon lang napansin ni Gaia ang kamay ni Fier sa kaniyang bewang kaya agad niya iyong inalis. Zhyke hissed under his breath tsaka nginisihan si Fier. "Never knew that you have a low class type ,Fier. A total useless trash,” panunuya ni Zhyke kay Fier. Hindi masyadong makuha ni Gaia ang pinupunto nito pero alam niyang siya ang pinapatamaan nito. Tiningnan ba naman siya ng banggitin nito ang salitang ‘trash’.   "Pwede ba Zhyke? Pakainin mo muna ako bago mo ako pag-initan?" Mahinahong paki-usap ni Gaia rito dahil umiinit na ang ulo niya at malapit nang maputol ang pisi niya. At mukhang hindi nagustuhan ni Zhyke na sinagot siya nito dahil nawala ang mapanuyang ngisi nito at umigting ang mga panga.   "Zhyke,” madiing tawag ni Fier dito dahil alam nitong hindi nito nagustuhan ang pagsagot ni Gaia. Sinusubukan ni Fier na mapahinahon si Zhyke ngunit hindi niya nagawa. Marahas na kinuha ni Zhyke ang mga inorder nitong pagkain. At ang sumunod na pangyayari ay hindi inaasahan ni Gaia— ibinuhos lang naman ni Zhyke ang isang basong orange juice sa ulo ni Gaia.   "s**t, Zhyke! Could you please stop?” sigaw ni Zeira na agad nakalapit dahil sa ginawa ni Zhyke. Ginamit nito ang kaniyang panyo para punasan ang ulo ni Gaia. "Zhyke! You asshole!” sigaw ni Fier na parang nataranta hindi dahil sa ginawa ni Zhyke kundi sa kaisipang baka hindi na makapagtimpi si Gaia, na siyang nakapikit lang at malalim na humihinga.   "Oh ano Gaia? Sinabi ko na sayong hindi ka nababagay dito. You're just a trash here. Don't mess with me, a pawn like you doesn't have a right to even talk back to me. I am up above while you're just on my feet. So know your place," madiing sambit ni Zhyke bago ito umalis habang si Gaia naman ay nakayuko lang at patuloy pa ring’ humihinga ng malalim— pilit pinapakalma ang sarili. Gaia gritted her teeth, she’s feeling it again. She’s about to explode, someone must stop her. And Fier did.   "Gaia! Deep breath!" Parang apoy na naupos ang kumakalat ng galit sa kaloob-looban ni Gaia sa ginawang paghaplos ni Fier sa likuran nito. Fier successfully calmed Gaia down. Hinarap ni Gaia si Fier para sana magpasalamat pero napahinto siya nang makita ang takot sa mukha ni Fier— ‘What is he frightened for?’ Gaia thought.   "A-are you okay?" tanong ni Fier kay Gaia. Habang patuloy pa rin sa pagpupunas si Zeira sa buhok niya. “Y-yes, I’m fine, Fier,” sagot ni Gaia rito.   "Get back to your businesses!" Sigaw naman ni Caiz sa mga estudyanteng nakiusyoso na agad nagsipulasan sa sigaw ni Caiz. Hinarap ni Zeira si Gaia at bakas ang pag-aalala sa mukha nito. "I-im sorry, Gaia. I'm-" agad pinigilan ni Gaia si Zeira sa paghingi ng paumanhin. "Ano ka ba, okay lang Zeira, tsaka hindi mo kasalanan ang nangyari kaya huwag kang mag-sorry."   "Pero-” naputol ang dapat sasabihin ni Zeira nang biglang dumating ang isang estudyanteng may superspeed ability, hinahanap nito si Fier.   "What is it?” Agad na tanong ni Fier sa lalaki. “Hinahanap ka ni headmaster,” agad napatingin si Fier kay Gaia nang banggitin iyon ng lalaki at napansin iyon ni Gaia. “Okay,” tugon ni Fier at walang sali-salitang umalis sa harapan nila Gaia. Habang hinila naman ni Zeira si Gaia papuntang dorm para makapagbihis ito.   "Halika na Gaia, Fier needs to report to his father,” nangunot ang noo ni Gaia sa narinig at napansin iyon ni Zeira. "Oh? You didn't know? Fier's father is our headmaster Eztor,” napahinto si Gaia sa paglalakad nang maalala ang naging reaksiyon ni Fier kanina. It all make sense for Gaia now.   ‘Alam ba niya?’ Gaia said on her thoughts.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD