The System

776 Words
ISANG god tier ang nasa harapan ni Gaia. Nanlilisik ang mga mata nitong umiilaw ng kulay ginto habang nakatitig sa kaniya. Nangatog ang tuhod niya dahil sa paraan ng pagkatitig nito sa kaniya.   "At sino ka para utusan ako?" Mahinahon ngunit may diing tanong ng lalaking bagong dating. Bahagyang umurong ang dila ni Gaia pero pursigido siyang ipagtanggol si ito. Zeira saved her earlier kaya iniisip ni Gaia na dapat niya rin itong ipagtanggol. "B-bitawan mo na si Zeira... Wala siyang k-kasalanan,” mautal utal man ay puno ng tapang ang boses ni Gaia.   Nandilim ang mukha ng lalaki dahil sa paglaban ni Gaia. Ngunit unti-unti naman nitong ibinaba si Zeira na muntik nang mawalan ng balanse kung hindi lang ito nahawakan ni Gaia. "A-ayos ka lang ba Zeira?" tanong ni Gaia rito nang mapansing para itong nanghihina. Tinanguan siya ni Zeira at tinapunan naman niya ng tingin ang lalaking nagngangalang Zhyke na siyang matalas pa rin ang tingin sa kaniya.   "Z-zhyke 'wag mo nang idamay itong si Gaia. I know you will punish me, hindi siya kasali sa gulo." Nangunot ang noo ni Gaia sa narinig, hindi nagustuhan. “P-pero Zeira? Wala ka namang—” tinapunan ng tingin Zeira si Gaia na nagpahinto sa kaniya. "Gaia please... Hindi mo kakayanin ang parusa,” sambit ni Zeira sa kaniya. May bahid ng pag-aalala ang boses nito, and Gaia suddenly feels warm after how many months of feeling dead inside. Ngunit agad din namang napapikit si Gaia nang maaalala na naman iyon.   "Tagging along with an ordinary is very unpleasant to see Zeira. Know your place in this society, you're supposed on the top with us. Stop tagging along with the pawns,” Zhyke exclaimed. Hindi man masyadong naintindihan ni Gaia ang ginamit nitong termino, nakaramdam pa rin siya ng inis sa lalaki. Napaisip siya tuloy kung sino ang lalaking nasa harapan nila.   "Proceed to the punishment room later Zeira,” sambit ni Zhyke bago sila nito tinalikuran. Nakatingin pa rin si Gaia sa likuran nito nang marinig niyang napabuntong hininga si Zeira ay napatingin siya dito.   "Pasensiya kana Gaia at nadamay ka pa sa g**o,” iginiya siya ni Zeira patungong cafeteria. Maraming napapatingin sa kanila habang binabagtas nila ang hallway.   "Ano ka ba! Okay lang ako Zeira, wala namang nangyaring masama sa akin. Dapat nga akong magpasalamat sayo, maraming salamat Zeira,” bukal sa loob na pasasalamat ni Gaia na siyang matagal na nitong hindi nagawa. Nginitian naman siya ni Zeira tsaka inakbayan. "I'm not wrong on choosing you as my friend, Gaia." Bahagyang napatigil si Gaia sa narinig. ‘Friend?’ sambit nito sa kaniyang isipan.   "What's wrong?" Agad iwinaksi ni Gaia ang mga pangyayari sa nakaraan at nginitian na lamang si Zeira bago niya ito hinila papuntang cafeteria na nasa harapan na nila. Siya pa ang pumili ng pwesto, doon sila malapit sa glass wall na kung saan ay makikita ang garden ng Academy. Agad na silang naupo, nang maalala ni Gaia ang narinig niyang termino mula sa lalaki kanina na bago sa pandinig niya.   "Ah Zeira, ano palang ibig sabihin 'nung Zhyke sa sinabi nitong pawn?" tanong ni Gaia dito matapos nilang mag-order nang pagkain.   "Ah bago ka nga lang pala dito. May sistema dito sa Academy na nagbabase sa lakas ng ability ng bawat estudyante. Sa bawat taon ay may napipiling limang estudyante para pamunuan ang kalakaran sa mga estudyante. Tinatawag na Royalties ang limang iyon, may pangalan na nakataas sa bawat isa sa lima. Iyong lalaki kanina ay si Zhyke Myr Loris, siya ang King. Iyong naghatid sayo kahapon 'yung babaeng may abong buhok ay ang Queen, she's Rania Lintor. Pagkatapos may Bishop, Knight and finally a Rook which is me. At ang ibig sabihin ni Zhyke sa pawns kanina ay ang mga nasa ibaba o taga sunod sa Royalties." Namangha naman si Gaia sa narinig ngunit naroon ang pagdisgusto sa ginamit na label sa mga pawns. At iyon din ang dahilan kung bakit kilala si Zeira sa Academy, kabilang siya sa Royalties.   "So uhm may iba pa bang God tier bukod sa King?" Sunod na tanong ni Gaia. She just wondered if that man is really powerful.   "God tiers are just like 5 over 100 dito sa bansa natin. And nope, si Zhyke lang ang nasa God tier sa Academy na 'to and probably sa buong Academy ng bansa. Kaya talagang kinakatakutan at sinusunod si Zhyke dito, kaya kung maaari ay huwag mong galitin si Zhyke, Gaia. Zhyke's a beast,” gustong mapangisi ni Gaia sa narinig ngunit pinipigilan niya iyon. Naisip niya— ‘He’s a beast? So what am I?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD