A God Tier

1441 Words
GAIA woke up early in the morning, it’s just 5:30 AM and her class will start at exactly 7. Sinadya niya talagang gumising nang maaga para may oras pa siyang ayusin ang kaniyang mga gamit.   Habang ina-ayos niya ang kaniyang mga gamit ay hinanap niya ang kwintas na kailangan niyang masuot. Inayos niya muna ang kaniyang mga damit bago hinalughog ang kaniyang maleta. At nakahinga naman siya ng maluwag ng makita niya ang parihabang itim na kahon na siyang lalagyan ng kwintas. Agad niya iyong binuksan at kinuha ang kwintas sa loob tsaka sinuot. Isang simpleng bilog na itim ang pendant ‘nun, hindi naman para sa palamuti ang kwintas niyang iyon. Para iyon sa ibang bagay. Ngayon ay mapapanatag na siyang lumabas. Pagkatapos niyang maayos ang kaniyang mga gamit ay napagpasiyahan na niyang maligo.   Ilang minuto lang ay tapos na si Gaia maligo at nakabihis na siya tsaka lumabas ng kwarto. Nakita niya si Zeira sa sala na nanunuod ng balita sa TV. Nilapitan niya ito ngunit hindi siya nito napansin dahil tutok ito sa TV.   "Isang taong may abilidad na naman ang napatay ng vigilanteng grupo na nagngangalang HUNTER. Nakikilala ang grupo dahil sa iniiwang sulat sa papel o ano mang pwedeng lagyan gamit ang dugo ng biktima ng kanilang pangalan."   Nabaling na rin ang atensiyon ni Gaia sa balita. Ipinakita sa TV ang sinasabing palatandaan gamit ang dugo ng biktima na siyang ipinapansulat sa pangalan ng kanilang grupo malapit sa pinangyarihan ng krimen. Hindi na bago ang balitang iyon sa kanila. Tinatarget ng HUNTER ay iyong may mga abilidad na mga tao na tumutulong sa mga tao, iyon ang alam ni Gaia. Usually, the people behind these heroic acts are those in Supreme Tiers.   "Kailan ba sila titigil?!" nagulat si Gaia sa biglaang imik ni Zeira. Masagang tumutulo ang mga luha sa mga mata nito, habang nasa telebisiyon pa rin nakatuon ang mga mata nito. Bahagya namang nakaramdam ng kung anong awa si Gaia rito, nilapitan niya ito tsaka naupo sa tabi nito.   "Zeira," tawag ni Gaia rito. Pinunasan ni Zeira ang kaniyang mga luha tsaka niya tiningnan si Gaia at nginitian— ngiting may halong lungkot.   "Pasensya kana Gaia at nadramahan pa kita eh kay aga aga pa,” pinipilit nitong pasiglahin ang kaniyang boses habang kinakausap si Gaia. "Okay lang Zeira, b-bakit ka umiiyak?" Hindi alam ni Gaia kung may karapatan ba siyang magtanong, napakagat si Gaia sa kaniyang labi nang mapagtanto iyon.   Ngumiti ng walang ka-sigla sigla kay Gaia. Kaya mas lalo namang nagsisi si Gaia na naitanong niya iyon at muli pa itong umiyak tsaka yumakap sa kaniya. Biglang nakaramdam ng pagka-asiwa si Gaia ngunit ipinasawalang bahala na lamang niya iyon para damayan si Zeira.   "Pinatay ang kuya ko ng grupong iyon. Gusto lang ni kuya na makatulong sa mga nahihirapan at nangangailangan ng tulong. Pero walang awa pa rin siyang pinatay,” sambit ni Zeira sa gitna ng pag-iyak. At agad namang naintindihan ni Gaia kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon nito sa nakitang balita. Nakaramdam naman ng kung anong galit si Gaia kaya sinusubukan niya ring pakalmahin ang kaniyang sarili.   "M-maging matatag ka nalang para sa kuya mo Zeira. S-sigurado akong ayaw ka niyang nagkakaganito dahil sa kaniya,” payo ni Gaia rito habang hinahaplos ang likod nito habang nakayakap pa rin ito sa kaniya. Tahimik lang silang ganun ang posisyon at umalis naman si Zeira sa pagkakayakap kay Gaia pagkaraan ng ilang minuto.  Sumisinghot pa rin ito pero wala nang luhang lumalabas sa mga mata nito. Binalingan nito si Gaia at nginitian, ngiting puno ng pasasalamat na siyang tinaggap naman ni Gaia.   "Maraming salamat Gaia, kahit papaano ay nabunutan ako ng tinik kasi may nasabihan ako ng saloobin ko,” nakangiting ani ni Zeira kay Gaia. "W-wala 'yun Zeira. Mabuti pa't kumilos na tayo at kakain pa tayo,” ang naging tugon ni Gaia, hindi niya kasi alam kung paano makipag-usap ng ganitong kasinsinan. Tinawanan lang siya ni Zeira at tsaka tinanguan. Hinintay niya si Zeira na magbihis para makapunta na sila nang cafeteria.   Matapos makapagbihis ni Zeira ay tinahak na nila Gaia ang hallway patungong cafeteria. At kanina pa hindi mapakali si Gaia dahil sa atensiyon na nakukuha nila sa kadahilanang kasama niya si Zeira na siyang sikat sa Academy.   Napapansin ni Zeira na mukhang hindi sanay si Gaia sa atensiyon kaya sinasabihan niya itong huwag na pansinin ang mga ito. Kaya pilit din namang’ isinasawalang bahala ang mga tingin at bulungan ng mga estudyante na nadadaanan o nakakasalubong nila. Nakakasiguro si Gaia na kung wala si Zeira sa tabi niya ay baka kanina pa siya nasabak sa g**o, kagaya nang nangyari sa kaniya sa unang araw niya sa Akademya.   Malapit na sila Gaia sa cafeteria nang biglang huminto si Zeira na siyang ikinahinto rin ni Gaia. Napatingin si Gaia rito at nakita niyang napakuyom ng kamao si Zeira. At doon lamang narinig ni Gaia ang usapan ng isang grupo na siyang dahilan kung bakit napahinto si Zeira.   "Ay may basurang kasama si Zeira! What a good combination! Basura at palaboy!" Napatingin si Gaia sa grupo ng mga babae sa unahan nila, nakatalikod ang babaeng nagsalita kaya hindi sila nito nakita. Hindi alam ni Gaia ang kaniyang gagawin, napaatras pa si Gaia nang mapansin ang paghakbang ni Zeira sa direksiyon ng babae na patuloy pa rin sa pagsasalita ng kung ano-anu tungkol kay Zeira at sa akin. Ang dalawang kasama ng babae na nakaharap sa amin ay parang nawalan na ng dugo habang nakatingin kay Zeira na siyang nagpantig ang tenga sa narinig.   Napatingin ako sa babaeng nakatalikod sa amin na may kausap na dalawang babae sa harapan niya. Nakagat ko ang aking labi tsaka tiningnan si Zeira at napaatras ako sa takot ng makitang nakatuon na ang paningin nito doon sa babae na patuloy pa din sa pagsasalita ng kung ano-anu. Pero ang kaharap nitong dalawang babae ay parang nawalan na ng dugo at naging maputla habang nakatingin kay Zeira.   "A-ah L-lily..." Nauutal na sambit na isa sa mga kasama nang babaeng nakatalikod sa kanila Zeira. "Ano? Tama naman ako diba? Patay na ang kuya niya at isa na siyang palaboy ngayon kasi wala na siyang kapit. Such a pi—" hindi na natapos ng babaeng nagngangalang Lily ang kaniyang sasabihin nang bigla na lamang siyang nahihirapang makahinga. Napatingin si Gaia kay Zeira at nakita niyang umiilaw na ang mga mata nito, tanda na ginagamit na nito ang kaniyang abilidad.   "Z-zeira..." tawag ni Gaia rito ngunit parang wala lang itong narinig at patuloy na lumalapit sa babaeng nakatingin na sa amin na bakas na ang takot sa mukha.   "Wala kayong karapatan para pag-usapan ang kuya ko! Magtutuos tayo ngayon!" Napaupo na ang babaeng nagngangalang Lily sa sahig, habang nakahawak ito sa kaniyang dibdib at humihingal na para bang naghahabol ng hininga.   "P-patawad Z-Zeira! P-pakawalan mo—” napahawak na ito sa kaniyang ulo at napadaing. Gaia wondered, ano bang abilidad ang meron si Zeira?   “Tumawag kayo sa sino man sa royalties! Bilisan niyo!” narinig ni Gaia ang sigawan ng mga estudyanteng nakapalibot sa kanila. Walang nangahas na tulungan ang babaeng malapit na malagutan ng hininga. Humakbang si Gaia papalapit kay Zeira nang mapansing unti-unti nang nawawalan ng kulay ang mukha ng babae. Baka ano na ang mangyari dito kung walang makakapigil kay Zeira.   "Z-zeira!" Malakas na tawag ni Gaia rito para makuha ang atensiyon nito, pero puno nang poot at galit ang puso ni Zeira. Na kung sino man ang lalapit dito ay mananagot din, ngunit hindi papayag si Gaia na makagawa ito ng bagay na pagsisisihan nito. Hahawakan na sana ni Gaia ang braso nito nang may sumigaw na lalaki.   "Zeira!" Dumagundong ang boses nito sa hallway, puno ng lakas at otoridad ang boses nito na siyang nakakuha ng atensiyon ni Zeira. Nawala ang ilaw sa mga mata ni Zeira, at ang babaeng kinastigo nito ay nawalan ng malay na agad dinaluhan ng ilang estudyante.   "Zhyke..." mahinang sambit ni Zeira habang nakatingin sa lalaking sumigaw kanina. Bakas ang galit sa mukha nito at grabe ang pag-igting ng panga nito. Inalalayan ni Gaia si Zeira nang muntik na itong mawalan ng balanse. Ngunit nagulat na lamang si Gaia nang unti-unting umangat si Zeira. Sa pagkataranta ay nasigawan ni Gaia ang lalaki sa harapan nila, “ibaba mo siya!”. Huli na nang mapansin niya ang ilaw na lumalabas sa mga mata nito.   Nabaling ang umiilaw nitong mga mata kay Gaia at sa mga oras na ‘yun ay gusto nalang bawiin ni Gaia ang sinabi niya. Dahil nasa harapan lang naman niya ang isang makapangyarihang tao. Isang God Tier.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD