KASALUKUYANG nanunuod ng TV si Gaia at Zeira sa sala ng silid nila. It’s six pm at kakatapos lang nilang maghapunan.
"Isang taong may abilidad na naman ang napuntirya ng grupong HUNTER. Hindi pa rin malaman ng mga awtoridad ang dahilan sa pagpaslang ng grupong ito sa mga taong may abilidad,” napako ang tingin ni Gaia kay Zeira nang laman na naman ng balita ang di nakikilalang grupo. Kita ang galit at poot sa mga mga nito Zeira. "Sisiguraduhin kong’ magbabayad ang kung sino man ang nasa likod ng grupong iyan,” may diing sambit ni Zeira na nakatutok pa rin sa TV na ngayon ay commercial na ang andoon. Agad hinawakan ni Gaia ang balikat nito, nagbabasakaling mapapawi ‘nun ang nararamdamang lungkot at galit ni Zeira.
"Naiintindihan kita Zeira. Pero huwag ka sanang magpadalos-dalos sa mga magiging desisyon mo,” payo ni Gaia rito. Napahinga naman ng malalim si Zeira at tiningnan si Gaia. "Salamat Gaia at nandiyan ka. Baka mabaliw na akong tuluyan kung wala akong nakakausap tungkol dito,” may sinseridad na pasasalamat ni Zeira rito.
It’s been a month since Gaia came in the Academy. At sa loob ng isang buwan ay tuluyan na siyang napalapit kay Zeira, at pati na rin sa dalawang lalaki na si Caiz at Fier. At may dalawang tao pa ang hindi nakakausap ng maayos ni Gaia sa grupo nila— si Zhyke at Rania. That gray haired girl na naghatid sa kaniya kay Headmaster Eztor sa unang araw niya sa Academy. Hindi naman siya ginugulo nito, tahimik lang ito kapag kasama sila.
"Dapat ako nga ang nagpapasalamat sayo eh. Ginagawa mo ang lahat para maprotektahan ako,” nakangiting ani ni Gaia. Zeira is always by her side, well not literally always. Pero kapag kailangan nito si Zeira ay lagi itong nasa tabi niya. Kaya nga agad silang nagkalapit. And that’s a risk for Gaia. The last time she let people into her life, ay merong’ nangyaring hindi maganda. Ngunit naniniwala si Gaia na hindi na ulit mangyayari ang nangyari dati. She’d been played before, and she’s not dumb to be played twice. It’s her game now.
Mabilis lumipas ang gabi at maagang nagising sila Gaia dahil may activity sila ngayong araw. Outside activity, literally outside the Academy. They need to interview a lot of people to know their opinion about the world— especially towards the ordinary and unordinary matter. At pagkatapos nilang makapag-interview ay kailangan nilang gumawa ng essay tungkol sa mga sagot ng mga ininterview nila.
At ngayon nga ay itinipon sila Gaia malapit sa gate ng Academy. Bente kwatro sila lahat sa klase, and Miss Sage decided to divide them by pair. Agad pang’ nagtatalon si Zeira na katabi ni Gaia. Ngunit agad binara ni Miss Sage ang kasiyahan ng mga estudyante niya. "Ako ang mamimili kung sino ang makakasama niyo,” sambit ni Miss Sage sa kanila.
Napahalakhak si Caiz sa narinig na siyang ikina-inis ni Zeira. Napatawa na rin si Gaia sa ginagawa nila, para kasing aso’t pusa ang dalawa.
"Parang mga bata,” Fier said. Nasa tabi ito ni Gaia kaya agad niya itong inirapan. "Kahit kailan kontrabida ka talaga Fier,” umiling-iling lang si Fier na ikinatawa ni Gaia. Always the silent, Fier. Napangisi naman si Gaia nang may maalala siya. The time when she thought that Fier knew something about her. And she’s right, napaamin niya si Fier. Ngunit imbes na lumayo ang kalooban ni Gaia kay Fier naging kaibigan niya pa ito. He knew something that Gaia oath to forget.
"Mister Loris and Miss Moraitis,” Miss Sage already started to pair them. Gaia and Zhyke unfortunately got paired up, at itong si Gaia ay nakatulala lang sa hangin. Hindi nito narinig si Miss Sage, nakuha lang ang atensiyon niya nang tawagin siya ni Zeira. Napa ‘ha’ pa siya rito
"Gaia!"
Napatingin ako kay Zeira at napa 'ha' pa siya rito. Inginuso nito si Miss Sage na nakataas na ang kilay sa kaniya. “Miss Moraitis, your partner is Mister Loris,” may pinalidad na sambit nito. Napanganga naman si Gaia nang mapagtanto ang narinig. Napapikit na lamang siya at napakagat sa kaniyang labi. Zhyke Myr Loris, the man who hates her to the core will be her partner.
"Gaia..." Nag-aalalang tawag ni Zeira sa kaniya. She knows how Gaia loathed Zhyke. Alam nito kung paano pinapatay ni Gaia si Zhyke sa isipan nito na walang ibang ginawa kun’di ang bwesitin at papangitin ang araw niya. Zhyke can’t live without ruining her day and constantly making her feel useless.
"Miss Sage, can't we change partners?" Tanong ni Fier sa teacher nila. "It’s a no, Mister Kraig. Now go with your partners para makapaghanda na kayo.”
Narinig ni Gaia ang pagbuntong hininga ni Fier sa tabi niya. Hinawakan nito ang kaniyang balikat at hinarap siya nito sa kaniya, worries is visible on his face. "I'm sorry Gaia, wala akong magagawa,” tumawa lang si Gaia para pagaanin ang loob nito. "It's okay Fier. Makakaya ko 'to, nasasanay na ako sa lalaking 'yun." Nakangiting ani ni Gaia pero seryoso pa rin ang mukha ni Fier habang nakatingin ito sa kaniya. "Fier... kung iniisip mong may magagawa akong hindi tama. Huwag kang mag-alala, I can hold myself back,” Gaia reassured Fier. Alam naman niyang iyon ang ikinababahala nito. "Hindi 'yun ang ina-alala ko Gaia. I'm-" hindi na natuloy ni Fier ang sasabihin niya nang may humila na kay Gaia palabas ng gate.
"Zhyke!" Sigaw pa ni Fier mula sa likuran nika Gaia, pero parang walang narinig si Zhyke at patuloy lang nitong hinihila si Gaia.
"Hoy Zhyke, pwede bang’ bitawan mo ang kamay ko?” Napahinto naman sa paghila si Zhyke at parang napapasong binitawan ang kamay ni Gaia. Nangunot naman ang noo ni Gaia nang makita nitong ginulo ni Zhyke ang kaniyang buhok, waring’ naiinis sa sarili.
"Ano? Tatayo nalang ba tayo dito?" Tanong ni Gaia rito at agad siyang sinamaan ng tingin ni Zhyke. Ano pa bang’ bago? Lagi na lamang masama ang tingin ni Zhyke rito. Ngunit, hanggang doon na lang ang ginagawa nito. Hindi na siya nito sinaktan ng pisikalan, and Gaia wonders what made Zhyke stopped.
"You and your mouth Gaia. I am still the King, kaya wala kang-” agad dinugtungan ni Gaia ang sasabihin nito. “-karapatan para pagsabihan ako blah blah blah.” Zhyke just let out a heavy sigh, calming down his self. "Pasalamat ka't nasa labas tayo. Lagot ka sa’kin kapag nakabalik na tayo sa Academy.” Gaia just rolled her eyes at him. “Yeah, as if I’m scared,” she had enough of Zhyke’s bullshits.
Nasasanay na si Gaia sa ugali ni Zhyke. He can’t hurt her physically, at ang laging sinasabi nito ay masasayang lang daw ang lakas niya sa walang kwentang kagaya niya.
Ilang sandali lang ay nasa labas na sila ng Academy para makapag-interview. May maliit na tracker na inilagay ang Academy sa damit nila para daw walang mangyaring masama o may magbalak tumakas. Makukuryente ang sino mang’ magpipilit na tanggalin ang tracker sa damit nila.
Habang sila Gaia naman ay nakapag-interview na nang tatlong tao. Nasa loob sila ng isang coffee shop. It was Zhyke’s idea, ayaw kasi nitong mainitan na siyang ikinainis ni Gaia. Mas maarte pa raw sa kaniya.
Kakatapos lang nilang i-interview ang isang lalaki. Napasandal si Gaia sa kaniyang upuan dahil sa pangangalay. Nang biglang may naglapag ng ice coffee sa harap niya. "Ice coffee,” it was Zhyke. Napatingin si Gaia sa cup at napangiwi nang makita ang maling pagkaka-spell ng pangalan niya— Gheya raw. Pinalagpas nalang ‘yun ni Gaia at agad kinuha ang ice coffee tsaka uminom ng bahagya.
Tiningnan ni Gaia si Zhyke pagkatapos niyang uminom, agad naman siyang sinita ni Zhyke. "What?" malamig na ingos nito sa kaniya. "Are you sick?" Tanong ni Gaia rito dahil first time nitong manlibre sa kaniya. Napaiwas naman ito ng tingin sa kaniya dahil sa itinanong niya. “Don't overthink pawn! Inilibre kita kasi-" naputol ang sasabihin ni Zhyke nang bigla na lamang may dumating na mga lalaki sa harapan nila.
"Oh what we have here?" A blond haired guy came in the view. May kasama pa itong tatlong lalaki na nasa likuran nito. "If it's not the great Zhyke eh? So who's this pretty lady with you, Zhyke?" May kung ano sa boses nito na ikinainis ni Gaia kaya matalim niya itong tiningnan na siyang ikinangisi ng huli.
"Whoa so feisty I like that!" Sayang saya pa nitong sambit at nakipag-apiran pa sa mga kasama nito. Akmang sasagutin na sana ito ni Gaia nang hinila siya ni Zhyke papunta sa likuran nito na kanina pa pala nakatayo.
"What do you want Luxus?" Madiing tanong ni Zhyke sa lalaki. "I want a rematch Zhyke. I will make sure that you'll be burried six feet under. Para mas thrilling, if I win akin na ang girlfriend mo. If you win, tinatanggap ko nang ikaw ang pinakamalakas sa bansang ito at ‘di na kita guguluhin pa,” pa cool na tugon ng lalaki. Nabigla si Gaia nang biglang kwinelyohan ni Zhyke iyong lalaki. Zhyke is pissed.
"Hindi ko kailangan ng pagkilala mo, Luxus. Because in the eyes of many people, ako ang pinakamalakas sa bansang ito. At sinasabi ko sayo Luxus, kapag makikita kitang lumalapit kay Gaia. Ikaw ang ililibing ko sa impyerno!" Agad nangunot ang noo ni Gaia sa narinig. Nagtaka siya kung bakit nasali ang pangalan niya. Hindi pa nga siya makahupa sa pagkagulat ay hinila na siya ni Zhyke palabas ng coffee shop.