IT was two days since Zeira's suspension. At pagkaalis palang nito ay may nangyari na kaagad kay Gaia. She was attacked by Lily.
And two days had passed, masayang nag-uusap ang grupo nila Lily habang papunta sila sa mini garden for their activity. Pinauna ni Lily ang kaniyang mga kasama dahil kailangan niya munang pumunta ng CR para mag-ayos ng sarili.
"Girls, mauna na kayo. I just have to make sure na maganda ako sa harap ni Zhyke,” humagikhik pang sambit nito sabay kindat sa mga kaibigan nito. Naghiyawan naman ang mga ito bago iniwan si Lily.
Since nasa Academy ground na sila ay mas pinili ni Lily na mag-CR na malapit lang. It was at the back of the mini garden. While Lily is on her way, napangisi si Lily ng makakita siya ng trash can. It reminds her of the 'trash' she punished two days ago. She felt so full of herself. Sobra ang inis nito kay Gaia dahil isang hamak na ordinaryo lang ang naging kaibigan ng tatlo sa royalties.
"Serves her right,” nakangising sambit ni Lily sa kaniyang sarili nang maalala ang sinapit nito sa kaniya. For her, she just teached her a lesson.
"Really?" Nakakunot noong napalingon si Lily ng may sumagot sa kaniya. Lily chuckles at the weird s**t in front of her. A girl who have a black half mask that covered her mouth and nose, with a thick eye glasses and lastly with a hoody black jacket on it's head. That’s why, Lily can't tell who is it.
"What is it, weirdo?" Natatawang tanong ni Lily sa kung sinong weirdo na nasa harapan niya. Tanging mata lang ang nakikita ni Lily sa babaeng nasa harapan niya. She can tell that it's a girl, base on what it's wearing and it’s physical shape.
Hindi umimik ang babae sa harapan niya at nanatili lang na nakatitig sa kaniya. Tinaasan niya ito ng kilay. She’s being impatient kung ano ang gusto ng babae sa kaniya.
"Look, kung nakikipag-gaguhan ka sa akin, mamaya pagbibigyan kita. But now, I need to look beautiful for my King. Okay, weirdo?" Tiningnan pa nito ng huling pasada ang babae bago inismiran at tinalikuran. Pero napahinto siya ng hindi niya mailakad ang kaniyang mga papa. Nanlalaki ang kaniyang mga mata nang makitang may vines na unti-unting pumupulupot sa paa niya.
'A vine control?’ Lily mentally said, confused. Walang kakilala si Lily na estudyanteng kaparehas ng ability niya. Kaya hindi niya mapagsino ang babaeng nasa likuran niya. She's sure na ito ang may gawa 'nun.
"What the hell? Look miss, ayokong magsayang ng oras! Bibigyan pa kita ng pagkakataong umalis bago pa kita gawing cocoon sa mga vines ko,” inis na palatak ni Lily. Malakas ang kumpyansa nito sa sarili kasi nasa Supreme Tier ang ability niya.
"Your vines that I also have too,” paunang salita ng babaeng nasa likuran niya. Napaisip si Lily kung saan niya narinig ang boses na iyon. Pero mas lalo siyang napaisip sa sinabi nito. "What are you talking about?”
Hindi makaporma si Lily dahil hindi niya nakikita kung saang banda ang babae nakatayo. Pero nabuhayan ng loob si Lily ng maramdaman niyang nasa likuran niya ang babae. Ngunit napaigik nalang si Lily ng bumuluga sa kaniya ang babae sa harapan at sinakal siya.
Hindi siya makakilos kasi may vines na ding nakakapit sa dalawang kamay niya. At ang kaninang inis at galit ay tila parang apoy na naupos. Tila nalagutan siya ng hininga ng makita ang ilaw na lumalabas sa mga mata nito.
'Isang God Tier!' Palatak ni Lily sa kaniyang isipan. Hindi niya alam na may isa pa palang nasa God Tier maliban kay Zhyke, pero ang tanong. Sino ito?
Nakatitig lang si Lily sa mata ng babae na nagliliwanag ng kulay ginto. Hindi masyadong mahigpit ang pagkakasakal sa kaniya, wari'y tinatansya pa siya ng babaeng nasa harapan niya.
"S-sino ka? I-isa kang God... God..." Pautal-utal na tanong ni Lily. Hindi niya makita kung anong naging reaksiyon ng babae. Nakahinga siya ng maluwag ng binitiwan ng babae ang pagkakasakal sa kaniya. Ngunit agad nabura ang ngiti niya ng maramdaman nito ang unti-unting pagtaas ng vines patungo sa leeg niya.
"P-pakawalan mo na a-ako! W-wala akong gina- g-ginawang kasalanan sayo!" Tinitigan lang siya ng babae habang unti-unting humigpit ang vines sa kaniyang dalawang kamay, mga paa at leeg niya. Napaluha na siya dahil sa kawalan ng hangin. Katapusan na ata niya.
"Huwag mong ipagsabi kahit kanino ang tungkol sa akin. Kung gusto mo pang mabuhay..." malamig na sambit ng misteryosong babae. Unti-unti namang lumuwag ang mga vines sa bawat parte ng katawan ni Lily. Hanggang sa mawala na nga ang mga ito. Napasalampak si Lily sa bermuda grass at naghabol ng hininga.
"P-pa-pangako,” mabilis na sagot ni Lily. Nakayuko pa rin siya habang humihingal. "At sa susunod, huwag mo na akong kakalabanin pa."
Walang nagawa si Lily kundi ang tingnan lang ang babae habang unti-unting naglakad paalis. Hanggang sa mawalan siya ng malay dahil sa halo-halong emosiyon na naramdaman at sakit ng kamay at leeg niya. Karma hits her, real fast.
Ilang minuto matapos ang nangyari ay papunta na si Gaia sa mini garden para sa activity nga nila. Nadaanan niya ang mga kaibigan ni Lily na kasalukuyan itong binuhabuhat. Gaia just smirked on what she just saw. Dahil kay Lily ay nasa infirmary lang siya sa loob ng isang araw. She was in a bad state, buti nalang ay advance ang mga potion ng Academy for faster recovery. Dinalaw siya nila Caiz kinabukasan. At hindi siya tinigilang tanungin ng mga ito kung sino ang may gawa sa kaniya ‘nun.
"Karma hits her,” napalingon si Gaia at nasa likuran na niya sila Caiz, kasama si Fier, Zhyke at Rania. Ngayon lang ito nakita ni Gaia na sumabay sa kanila. Usually ay palagi lang itong mag-isa at parating walang ekspresiyon ang mukha.
"Buti nga sa babaeng 'yun. Hindi kana namin kailangang iganti sa babaeng 'yun Gaia,” Caiz commended. Umakbay pa ito kay Gaia at maloko siyang nginitian. Sinimangutan ito na Gaia dahil masyadong clingy itong si Caiz.
"Let's go, Caiz. Nagsasayang ka lang oras,” madiing singit naman ni Zhyke. Hinila nito si Caiz mula sa pagkakaakbay kay Gaia at nauna nang maglakad. Sumunod naman si Rania sa kanila at naiwan si Gaia kasama ni Fier.
Tinaasan ito ng kilay ni Gaia nang mapansin ang seryosong paninitig nito sa kaniya. "Huwag kang magpapadala sa-" agad pinutol ni Gaia ang dapat sasabihin ni Fier. "Alam ko ang ginagawa ko Fier. Huwag mo akong diktahan,” madiing sambit ni Gaia. At iniwan si Fier na nakatingin sa kaniyang likuran, seryoso pa ring nakatanaw sa kaniya.