HILA-hila pa rin ni Zhyke si Gaia hanggang sa makalabas na sila ng coffee shop. “Anong nangyari ‘dun Zhyke? Sino ang mga ‘yun?” tanong ni Gaia rito. “They’re nothing and don’t you dare overthink of what I did. Miss Sage, leave you to me kaya responsibilidad kita,” maanghang na tugon ni Zhyke kay Gaia. "I know that, jerk. Protecting me is the last thing you'll do,” singhal naman ni Gaia rito. Nainis naman si Zhyke sa isinagot ni Gaia na dapat ay magpasalamat ito sa kaniya. "Fvcking talk to me properly Gaia,” madiing sambit ni Zhyke kay Gaia. Pabalik na sila ng Academy at hindi pa rin siya binibitawan ni Zhyke. Kaya agad niyang iwinakli ang kaniyang kamay nang papasok na sila ng gate.
Papasok pa lamang sila Gaia ay may naririnig na silang sigawan malapit sa gate. At natunogan iyon ni Gaia, it’s Zeira. Kaya agad siyang tumakbo at naabotan niyang nagpupumiglas si Zeira sa mga nakahawak sa kaniya.
"Bitawan niyo 'ko, ano ba! Let me kill that asshole!" May dalawang lalaking nakahawak sa dalawang kamay ni Zeira at nasa harapan nito si Miss Sage. Agad nagsalubong ang kilay ni Gaia nang makita ang kaunting galos sa pisngi ni Zeira. Patuloy pa rin sa pagpupumiglas si Zeira kaya agad nang lumapit si Gaia dito. "Bitawan niyo 'ko! Huwag niyo akong pwersahing gamitin ang ability ko,” banta ni Zeira sa dalawang lalaking nakahawak sa kaniya na napaatras dahil sa sinabi niya.
"You will not do that Zeira,” mahinahong sambit ni Miss Sage sa kaniya. Tiningnan lang nito ng masama si Miss Sage. Habang si Gaia naman ay nakalapit na rito. "Zeira..." Tawag ni Gaia rito. Agad napunta ang paningin ni Zeira sa kaniya at nakita niya ang pagkawala ng madilim nitong eskpresiyon. Tinanguan ni Gaia ang dalawang lalaki para pakawalan na ito, at agad tumakbo si Zeira papunta sa kaniya tsaka sya niyakap.
"Gaia… k-kailangan kong makita ang pumatay sa kuya ko!" Yumugyog ang balikat ni Zeira at naramdaman nalang ni Gaia ang pagkabasa ng balikat niya. Kaya agad niyang hinaplos ang likod nito at hinarap si Miss Sage. "Miss, ako na po’ng bahala sa kaniya,” tinanguan naman siya nito. "She needs to come to headmaster's office. She broke a rule, kaya kailangan siyang parusahan,” seryosong sambit ni Miss Sage bago ito umalis sa harapan nila. Siya, si Zeira at Zhyke na lang ang nasa labas.
"Mind explaining what happened Zeira?" Seryosong tanong ni Zhyke. Zeira is part of the royalties and as the King, Zhyke wants to know what happened. Pero binara lang siya ni Gaia. "Pwede ba Zhyke? Let her breath first,” angil naman ni Gaia sa kaniya. Akmang magsasalita na ito nang may sumigaw sa kanilang likuran— sila Caiz at Fier.
"Gaia! Zhyke!" Sigaw ni Caiz na kasama si Fier. Both of them have this serious expression. "Where's Zeira?" Agad na tanong ni Caiz at iniharap naman ni Gaia ang kaniyang katawan para makita nito si Zeira na nakayakap sa kaniya na hindi pa rin matigil sa pag-iyak.
"I heard what happened,” sambit naman ni Fier habang nakatingin kay Zeira na bumuwag na sa pagkakayakap kay Gaia. "You attacked a civillian, Zeira,” segunda ni Fier habang nakahalukipkip ito. “Totoo ba ‘yun Zeira?” malumanay namang tanong ni Gaia rito. Imbes na sumagot ay muli itong napaiyak kaya agad itong pinatahan ni Gaia.
"Tahan na Zeira. Sabihin mo sa amin kung bakit mo ginawa 'yun. Alam ko’ng hindi mo intensiyong gawin 'yun,” sambit ni Gaia rito. "Sa-sabi 'nung lalaking nakausap k-ko, kilala niya raw ang p-pumatay sa kuya ko,” sagot naman ni Zeira sa gitna ng pagsinok. "Did you even think na baka hindi totoo ang sinasabi 'nung taong 'yun?" Sabat naman ni Zhyke sa usapan.
"And what explains the gossips I heard na inatake mo raw ang isang tao?" Muling tanong ni Caiz at doon na sumeryoso ang mukha ni Zeira. "That guy planned to put something on my mango shake. Nag-CR kaming dalawa ng partner ko tapos pagbalik namin ay nakita ko 'yung lalaki na may nilalagay sa cup ko. Kaya agad ko siyang kinompronta, nagmatigas ito at nanghostage ng isa pang tao kaya wala akong nagawa kundi gamitan siya ng ability ko. Pero bago pa siya makaalis ay may isinigaw ito, kilala niya raw ang pumatay sa kuya ko. Kaya gusto kong sundan ang lalaking 'yun pero napigilan ako,” mahabang sagot ni Zeira. Nakayuko ito habang nakakuyom ang mga kamao. Gusto niya talagang mapag-higanti ang kuya niya.
"Huwag kang magpapaniwala sa kung sinu-sino Zeira. Who knows that it could be a trap,” payo naman ni Caiz kay Zeira na ikina-inis nito. "Hindi mo alam ang nararamdaman ko, Caiz. Kaya wala kang karapatan para pagsabihan ako. Kaya 'wag kang makialam!" Sigaw ni Zeira bago ito tumakbo papunta sa entrance ng Academy. Akmang susundan na sana ito ni Gaia ng pigilan siya ni Fier. "Hayaan muna natin siya. She needs to cool off."
Lumipas ang oras at nasa loob na ng silid sila Gaia at Zeira. "I'm sorry Gaia,” paumanhin ni Zeira sa ginawa nitong pagtakbo kanina. "Ano ka ba? Magiging maayos lang ako." Nginitian ito ni Gaia kaya napalabi si Zeira. "Mamimiss kita Gaia, isang linggo akong mawawala. Huwag kang gumalang mag-isa okay? Sumabay ka kela Fier, ibinilin na kita sa kanila."
Headmaster Kraig, suspended Zeira for a week. A rule is a rule raw, bawal umatake ng isang sibilyan. Isn’t it ironic? Si Gaia inaatake sa Academy, yet hindi naman napaparusahan ang mga nanggulo sa kaniya. Gaia blamed Zhyke’s hierarchy system.
"Oo na, tsaka madali lang ang isang linggo. Mamimiss din kita,” nakangiting sambit ni Gaia na agad niyakap ni Zeira. "Tara, ihatid na kita sa labas,” aya ni Gaia rito dahil mag-a-alasais na ng gabi.
"Huwag na, Gaia. Kaya-" agad siyang pinutol ni Gaia. "Zeira please... gusto kitang ihatid,” napalabi na lang si Zeira at humawak sa braso ni Gaia.
Lumabas na sila ng kanilang silid. May i-ilan pang estudyante sa labas at may isang grupong nakatambay sa may entrance ng dorm kung saan may couch.
"Goodbye Zeira. Kami na ang bahala kay Gaia,” nakangising sambit ng isang babae na nasa couch nang padaan na sila Gaia. Hindi pinansin nila Gaia ang babae at nagpatuloy lang silang maglakad palabas. Hanggang sa nasa harap na sila ng gate ng Academy. May nakaparada nang kotse sa labas, ang maghahatid kay Zeira.
"Oh paano? Mauuna na ako Gaia, mag-iingat ka. Sobrang mamimiss kita!" Muling niyakap ni Zeira si Gaia nang napakahigpit. "Mag-iingat ka rin Zeira. Huwag kang lalabas ng bahay na ikaw lang mag-isa,” paalala ni Gaia rito. At baka balikan siya nung lalaking nagtangkang lagyan ng kung ano ang inumin niya.
Nagpaalaman muna ang dalawa ng ilang minuto bago umalis si Zeira. At hanggang sa naiwan nang mag-isa si Gaia.
"Bumalik kana sa dorm niyo bata,” sambit ng isang guard kay Gaia. Tinanguan lang niya ito at naglakad na pabalik ng dorm. Tahimik lang na naglalakad si Gaia nang bigla siyang harangin ng kung sino.
"And now, the trash is finally alone,” nakagat ni Gaia ang kaniyang labi. She knew that this will happen. Nakilala ni Gaia ang babaeng nasa haraoan niya. Ito ‘yung babaeng muntik nang mapahamak sa kamay ni Zeira. Hindi pa talaga ito natuto at muli na namang mang-gugulo.
"Anong kailangan niyo,” matapang na sambit ni Gaia. Nagtawanan naman ang tatlong babae sa sinabi ni Gaia at tiningnan siya nito na para bang isa siyang malaking biro.
"Oh nagtatapang-tapangan ang walang kwenta. Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo,” nabigla si Gaia nang may pumulupot na vines sa dalawa niyang paa, dahilan na hindi siya makagalaw. At naalala ni Gaia iyong nangyari sa classroom, posibleng ito rin ang may kagagawan ‘nun
Nagtaas-baba ang dibdib ni Gaia para piliting mapahinahon ang sarili. Nakapikit lamang siya habang nararamdaman na niya ang unti-unting pag-akyat ng vines hanggang sa leeg niya. Wala siyang ginawa hanggang sa magdilim na ang paningin niya at tanging tawa lang ng mga babae ang naririnig niya. Gaia let them do what they want. She already planned something that will make them suffer, like she did. It’s pay back time.