A WEEK has passed. Ibig sabihin ay makakabalik na si Zeira bukas sa Academy. Magmula nang may mangyari kay Gaia ay palagi nang nakabuntot si Caiz at Fier kay Gaia. Kagaya ngayon, gustong mapag-isa ni Gaia dahil araw nang sabado— walang pasok. Pero heto siya ngayon, ginugulo ni Caiz na hila hila si Fier at mukhang napilitan lang. "Damn, you don't need to drag me Caiz!" Inis na palatak ni Fier pagkabukas ni Gaia sa pintuan. Tinaasan ng kilay ni Gaia ang dalawa, inaalam kung anong kailangan ng mga ito sa kaniya. "Sama ka sa’min Gaia,” tiningnan lang ni Gaia si Caiz ng ilang segundo at akmang isasara na ang pintuan nang harangin ito ni Caiz at walang pasabing pumasok sa loob tsaka naupo sa sofa. Napamewang si Gaia habang masamang nakatingin kay Caiz na ini-on pa ang TV. Nilingon na