Wala ako sa sarili ko. Paano naman kasi, panay ang pag-iisip ko sa mga kakaiba kong nararamdaman ngayon. Iniisip ko kung, paano kaya kung sundin ko ang sinabi nila Jared at Mark sa akin? Paano kung layuan ko nga si Blue? may magbabago kaya? Mawawala ba itong nararamdaman ko? Iyon ang hindi ko alam... pero malalaman ko ang sagot kung susubukan ko. Pero bakit ang hirap gawin? Parang ayoko? Parang... masakit? Ngunit hindi ko rin gusto itong nararamdaman ko. Parang tama pero para ding mali. Hay ang gulo! Simula nang makita at makasama ko siya, pakiramdam ko gumulo na ang lahat sa akin at hindi ko na alam kung paano pa ito aayusin. “Hoy! Nakikinig ka ba?” Ano ba ang dapat kong gawin para bumalik ako sa dati? Kailangan kong maging normal ulit. Pero paano kung sa kabila ng kagustuhan kong