EPISODE 13 (2)

1624 Words

Malalakas na katok ang pumutol sa mahimbing kong tulog. Nainis ako dahil pakiramdam ko ay ang aga-aga pa para bumangon. Sunod-sunod ang pagkatok. Nagtalukbong ako ng kumot at hindi pinansin kung sino mang poncio-pilato ang kumakatok mula sa labas ng pinto. Pero hindi pa rin tumigil ang katok sa pintuan. Mas lumalakas pa kaya mas lalong nakakainis. Naiinis akong inalis ang kumot sa katawan ko saka mabilis na bumangon at naupo. Kinusot-kusot ang mata at pinunasan ang labi ko dahil baka may tulo-laway saka naginat-inat ng katawan. Dahan-dahang umalis ako sa kama at papungas-pungas akong naglakad papunta sa pintuan na patuloy pa ring kinakatok. Pucha! Sino ba kasi ang aga-agang nagpunta? Sa pagbukas ko ng pinto, si Blue ang nakita ko na nakakunot ang noo at nakapamulsa pa ang dalawang kam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD