Mag-isa akong nagpunta sa library. Nakaupo ako sa bandang dulo kung saan walang masyadong tao dahil gusto ko ng tahimik na lugar habang nagbabasa ng libro. Hindi ko kasama sila Jared at Mark dahil may laro ang basketball team ngayon at bilang sila ay panatiko ng laro, nanunuod sila ngayon doon sa basketball gym. Sinara ko ang libro na hawak ko. Nakatapos na naman ako ng isang libro ng hindi pa natatapos ang breaktime. Nilapag ko ang libro sa mesa saka nag inat-inat ng katawan at pinatunog ang mga buto ko sa kamay. Matapos kong mag-inat at magpatunog ng mga buto ko sa kamay ay naisipan kong isoli ang libro na kinuha ko kanina at kumuha naman ng bago. Tumayo ako saka nagpunta sa mga shelves para maghanap ng bagong libro na babasahin. Isinoli ko muna ang hawak ko sa pinaglalagyan nito. Isa