“Oy!” ‘Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko pagdating sa kanya?’ “Oy!’ ‘Hindi ito pwede. Umakto ka nga ng normal Luis at huwag kung ano-ano ang iniisip mo.’ “Oy Luis!” ‘Sh*t! Kapag nagpatuloy ito baka mabaliw na ako.’ “Oy Luis!!!” Bumalik ako sa sarili ko nang maramdaman kong may kumalabit sa akin. Mabilis na tumingin ako kay Jared na katabi ko lang. Napatingin din ako kay Mark na nakatingin sa akin at nagtataka ang mukha. Kunot ang noo ni Jared habang nakatingin sa akin. “Kanina pa kita tinatawag pero mukhang wala ka sa sarili mo,” wika ni Jared na salubong ang makapal na kilay. “Uh... ganun ba?” ang nasabi ko lang. Nasa loob kami ng classroom. Wala pa ang professor na hinihintay naming dumating. “Ano bang nangyayari sayo?” nagtatakang tanong ni Jared.