EPISODE 11 (1)

1124 Words

Matuling lumipas ang mga araw Nandito ako ngayon sa loob ng practice room kasama si Blue. Nakaupo kami ng magkatabi sa mahabang upuan. Hawak ko at nakapatong sa aking hita ang gitara habang tinutugtog ko ito habang nanunuod at nakikinig naman sa akin si Blue. Tumingin ako kay Blue. Nakatingin siya ng diretso sa akin. “Ano? Ayos na ba ang pagtugtog ko?” tanong ko sa kanya. Marahang tumango-tango si Blue. “Pwede na,” saad niya. “Mukhang nagpapractice kang mabuti kahit wala ako,” dagdag pa niya. Napangiti ako. Tumigil muna ako sa pagtugtog. “Sa totoo lang, nagustuhan ko na rin ang tumugtog,” wika ko. Okay rin naman siya, nakakagaan nang pakiramdam. “Iyon nga lang masakit pa rin sa daliri,” reklamo ko pa. “Ganun ba?” pagtatanong ni Blue. Tumango-tango naman ako. “Patingin nga,” sabi pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD