Pumunta ka dito sa bahay ko. ‘Yan ang natanggap kong text mula kay Blue. Kumunot ang noo at nagsalubong ang kilay ko. “Ano naman kayang kailangan nito?” tanong ko sa sarili ko. Napailing-iling ako ng mariin. Bahala siya. Hindi ako pupunta. Pagkasabi ko nun sa isipan ko ay may natanggap akong text muli galing sa kanya. Binasa ko. Kapag hindi ka pumunta, patay ka sa akin (with punch emoji). “Sh*t!” napamura na lamang ako. Ano ito? Sapilitan? Marahas na napabuntong-hininga na lamang ako. Mukhang wala na akong magagawa para tumanggi pa. Mabilis na tumayo ako mula sa pagkakaupo sa paanan ng kama ko. Nilapag ko ang cellphone ko sa kama at doon ko siya iniwan. Pinuntahan ko ang nakasabit kong twalya sa sandalan ng upuan saka kinuha at isinabit sa balikat pagkatapos ay naglakad ako papunta