Nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa malawak na kalangitan. Nandito kami ni Blue sa park. Magkatabing nakaupo sa isang bench. Presko ang ihip ng hangin. Mula sa pwesto namin ay kita ko ang papalubog na araw na aking pinagmamasdan kanina pa habang humihigop ng chocolate drink mula sa straw ng boteng hawak ko. Tumatakbo pa rin sa isipan ko hanggang ngayon ang pagkikita namin ni Monique. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na makikita ko siyang muli. Alam ko naman na maliit lang ang mundo at pwedeng mangyari ang ganu’ng bagay pero hindi ko akalain na ngayon ang araw na iyon. Tumigil ako sa paghigop at malakas na nagbuga nang hininga. Sana man lang tinagalan pa ng tadhana ang muli naming pagtatagpo para kahit papaano ay nakapaghanda ako. Bahagya na lamang napaatras ang mukha ko at medyo nag