Hindi sumagot si Blue. Nakatingin lamang siya sa akin ng diretso pero umiwas din pagkatapos ng ilang minuto. “Anong paborito mong kanta?” tanong niya. Wow! Ang galing mag-change topic, a. “Kahit ano,” sagot ko na lamang. “Bilisan mo na para makauwi na ako,” sabi ko pa. Ewan ko ba, pwede naman akong umuwi kahit hindi na pakinggan ang kanta niya pero nasa kanya kasi ang gitara. Sayang naman ang punta ko kung hindi ko iyon madadala. Tumango-tango na lamang siya. Pamaya-maya ay nagsimula na niyang tipahin ang strings ng gitara. Nakatingin naman ako sa kanya. Humahanga sa kanya... ay este sa pagtugtog niya. Hindi nagtagal ay narinig kong muli ang boses niya... ang boses niyang nagpatulala sa akin noon nu’ng unang beses ko siyang marinig kumanta. I’ve been alone searching for love ‘Til yo