Sa likod kami ng eskwelahan nakarating kung saan maraming mga puno at halaman kaya presko ang hangin. Magkaharap kaming nakatayo ni Blue. Nakapamulsa pa ang mga kamay niya habang diretso ang tingin sa akin. Cool na cool lang siya at hindi ko nakikita sa kanya ang pag-aalala sa kumakalat na balita tungkol sa amin. Marahas na napabuntong-hininga ako bago magsalita. Tinapatan ko ang tingin niya sa akin. “Alam na ng lahat.” Tumaas ang kilay ni Blue. “Ano ngayon?” tanong niya. Kumunot ang noo ko. “Anong ano ngayon?” nagtatakang tanong ko. “Baka nakakalimutan mo damay ka dito,” sabi ko pa. Napangisi si Blue. “Gusto mo ba gumawa ako ng paraan para mabura ang issue?” Hindi ako nakapagsalita sa naging tanong ni Blue. “Gusto mong tulungan kita para maging malinaw sa kanila na wala talaga