Naiwan kaming dalawa ni Blue. Nakatayo pa rin siya sa harapan ko.
“May natutunan ka ba sa mga itinuro ni Megan?” kasing-lamig ng yelo na pagtatanong niya.
Napatingin ako kay Blue. Tumango-tango ako.
Hindi nagsalita si Blue. Umiwas ito nang tingin sa akin saka naupo sa tabi ko.
“May extra akong gitara,” sabi ni Blue saka tumingin sa akin.
“Talaga?” tanong ko.
“Pero nasa bahay,” sabi niya.
“Edi dalhin mo dito,” wika ko.
Kumunot ang noo ni Blue.
“Inuutusan mo ba ako?” maangas niyang tanong.
“Sabi mo nasa bahay mo, ‘di ba? Hindi naman makakapaglakad mag-isa ang gitara papunta dito kaya kinakailangan na dalhin mo,” sambit ko. Tama naman ako, ‘di ba?
Napangisi si Blue. Hindi ko ikakaila, umaangas ang dating niya kapag ngumingisi.
“Kunin mo sa bahay,” wika niya na ikinalaki ng mga mata ko.
“Ha?” gulat na tanong ko. “Ako pa kukuha?” tanong ko pa ulit. Tinuro ko pa ang sarili ko.
“Ikaw ang gagamit, ‘di ba?” tanong nito. “Ang swerte mo naman kung ako pa ang magdadala sayo,” sabi pa niya.
‘Ako? Pupunta sa bahay niya?’ tanong sa isip ko. Sh*t!
“Pero okay lang kung ayaw mo. Magtiis ka diyan sa lumang gitara,” wika ni Blue. “O di kaya ay bumili ka na lang ng bago,” dagdag pa niyang payo.
Napaismid ako. Pamaya-maya ay napabuntong-hininga din ako.
“Oo na. Kukunin ko na lang,” labas sa ilong na sabi ko. Ayoko na munang bumili kasi baka mamaya umatras din ako dito. Masasayang lang dahil hindi ko na magagamit. Malay natin, maisipan kong umatras, ‘di ba?
Tumango-tango si Blue pagkatapos ay tumayo siya mula sa pagkakaupo saka naglakad. Nakasunod ang tingin ko sa kanya hanggang sa kunin niya ang isang gitara na nakasandal sa pader. Muli siyang bumalik dala ang kinuha niyang gitara.
“Ito na muna ang gamitin mo,” ani ni Blue. Inabot niya sa akin ang gitara.
Binitawan ko naman ‘yung luma at dahan-dahang inilapag iyon sa sahig saka kinuha ang ibinibigay niya.
“Ito naman pala meron na. Hindi ko na kailangan-”
“Ako ang gumagamit niyan. ‘Yung nasa bahay ang reserba ko kaya pwede mong mahiram,” mabilis na wika niya.
Napasimangot na lang ako.
“Sige at gawin mo nga ‘yung mga tinuro sayo ni Megan,” utos ni Blue.
Tumango-tango na lang ako saka umiwas nang tingin sa kanya.
Pinatong ko sa hita ko ang gitara.
“Naka-tono na ‘to?” tanong ko nang hindi tumintingin sa kanya.
“Tumugtog ka na,” utos lamang ni Blue.
Masasabi kong tama nga ang mga napanuod ko sa video niya na ganito ang ugali nito. Suplado at cold pero ang dami pa ring fans. Hay! Uso yata ‘yun, e, prince charming pa rin ang dating kapag suplado. Hay! Ewan ko ba sa mga babae kung bakit mas gusto nila ‘yung mga lalaking suplado at cold.
Inapply ko ang tinuro sa akin ni Megan. Medyo hindi masakit sa daliri ang strings kaya nadidiin ko ang mga ito. Nag-umpisa na akong tumugtog.
“Mali.”
Napatigil ako at tumingin sa kanya.
“Diinan mo pa para maganda ‘yung labas ng tunog.”
Napatango-tango na lamang ako sa sinabi niya. Umiwas nang tingin sa kanya at nag-pokus sa pagtugtog.
“Mali.”
Patuloy pa rin ako sa pagtugtog.
“Mali.”
Bahala siya diyan.
“Mali.”
Pucha! Puro na lang mali! Kainis!
Tumingin ako ng diretso kay Blue.
“Bakit puro ka mali?” naiinis na tanong ko.
“Mali naman kasi talaga. Ang sakit sa tenga,” naiiritang wika niya. Halata ang inis sa mukha. Mabilis na napailing-iling pa ito saka matulin na inagaw mula sa akin ang gitara at pinatong sa hita niya.
Hindi siya nagsalita muli. Nakatingin lamang ako sa kanya. Nag-umpisa siyang tumugtog.
Hindi ko ikakaila na nagagalingan ako sa kanya. Nu’ng unang beses na mapansin ko siya sa karaoke bar, aminado akong nakuha niya ang atensyon ko dahil bukod sa tingin siya nang tingin, magaling din siyang tumugtog.
Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa mukha niya.
‘Sh*t! Bakit ang gwapo niya?’ wala sa sariling wika ko sa aking isipan.
“Ano?”
Bumalik ako sa sarili ko. Nakatingin na siya sa akin ng diretso.
“Ha?” tanong ko. Shet! Kung ano-ano kasing naiisip kong kalokohan.
Nahuli niya akong nakatitig sa kanya.
Ngumisi si Blue saka napailing-iling nang marahan.
Mabilis akong umiwas nang tingin sa kanya. Pucha! Nakakahiya. Baka kung ano pa ang isipin niya tungkol sa akin.
Kung bakit ba naman kasi napatitig pa ako sa mukha niya. Bwisit naman, o!
“Magpokus ka sa ginagawa ko. Saka wala sa mukha ko ang chords,” narinig kong sabi ni Blue. Bakas sa tono niya ang pagiging pilosopo. Shet talaga!
Kasabay kong naglalakad si Blue palabas ng school. Gusto ko na sanang umuwi pero dahil kukunin ko pa ang gitara ni Blue mula sa bahay niya kaya kailangan kong sumama sa kanya.
Tumingin ako kay Blue. Nakatingin lamang ito sa dinaraanan namin. Nakapamulsa ang mga kamay at parang modelo lang na naglalakad kaya naman napapansin ko ang pagsulyap sa kanya ng mga estudyanteng nalalagpasan namin at kinikilig.
Sumimangot tuloy ako. Bakit sa akin hindi naman sila ganyan? Gwapo rin naman ako, a. Tsk!
“Oo nga pala, malayo ba ang bahay mo?” pagtatanong ko kay Blue. Kanina pa kasi kami tahimik at baka mapanis na lang ang laway naming dalawa kundi kami mag-uusap.
Tumingin sa akin si Blue sandali. Kaagad ding bumalik sa daan ang tingin nito.
“Malapit lang,” sagot niya ng hindi na niya ako tinapunan nang tingin. “Bakit?” tanong niya pa.
Bahagya akong umiling.
“Wala lang. Masama bang magtanong?” balik tanong ko.
Hindi siya sumagot.
Napabuntong-hininga na lamang ako saka umiwas nang tingin sa kanya.
“Isaiaaahhh!!!” Lintik! Narinig ko na naman ang matinis na boses na iyon mula kay Gut at tinatawag ako.
Huminto ako sa paglalakad at ganoon din si Blue. Nilingon ko si Gut na mabilis na tumatakbong lumapit sa amin at ngiting-ngiti pa. Nanayo na naman ang balahibo ko sa batok dahil sa kanya.
“Ang tagal rin nating hindi nagkita, sweetheart,” may halong landi ang boses na sabi ni Gut nang makalapit sa akin. “Hinahanap kita pero hindi kita mahagilap. Saan ka ba nagpupunta?” tanong pa nito saka ngumuso. “Akala ko tuloy, na-abduct ka na ng alien. Pupunta na sana ako sa outer space para hanapin ka,” wika pa niya.
Napakamot na lang ako sa batok. Kung ano-anong sinasabi niya. Tumingin din ako kay Blue.
“Blue?” nagtatakang tanong ni Gut na ikinatingin ko sa kanya ulit. Nakatingin siya kay Blue.
Umiwas naman nang tingin sa kanya si Blue. Parang walang pakiealam na binanggit ang pangalan niya.
“Kilala mo siya?” tanong ko kay Gut.
Tumingin sa akin si Gut. Tumango-tango ito.
“Sikat na sikat kaya siya sa mga girls at gays,” sagot niya na may halo pang kilig.
Tumango-tango ako.
“Pero teka, bakit kayo magkasama? Magkakilala pala kayo?” pagtatanong ni Gut.
“Ahhhh-”
“Oo,” mabilis na sumagot si Blue. Napatingin ako sa kanya na nakatingin na kay Gut.
Napangiti si Gut.
“Wow naman! Hindi ko alam ‘yun, a!” natutuwang sabi nito.
“Sige Gut aalis na kami. May kailangan pa kasi kaming puntahan,” pagpapaalam ko nang tumingin muli ako kay Gut.
“Pwede akong sumama?” tanong nito. Nagpapa-cute pa ang potek!
“Hindi pwede,” mabilis na pagtanggi ko.
Mas lalo itong ngumuso.
“Sige at aalis na kami-”
“Sama mo na ako please,” wika kaagad ni Gut. Pinagdaop ang dalawang palad na parang nagdarasal. Nagmamakaawa talaga siya na isama ko siya.
Magsasalita na sana ulit ako pero...
“Hindi ka pwedeng sumama,” napatingin ako kay Blue dahil sumabat siya.
“At bakit hindi ako pwedeng sumama?” nalipat ang tingin ko kay Gut. Nakataas ang kanang kilay nito.
“Sa bahay ko siya pupunta,” chill na sagot ni Blue na ikinalaki ng mga mata ni Gut.
“What???!!!” gulat na gulat na sigaw ni Gut. “Bakit siya pupunta sa bahay mo?” tanong pa nito. Halatang gulat na gulat talaga siya sa sinabi ni Blue.
Hindi ko na narinig na sumagot si Blue kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin lamang siya kay Gut.
Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawa lalo na at nagsusukatan na sila nang tingin. Tsk! Kanina lang kinikilig si Gut kay Blue pero iba na ngayon.
Tiningnana ko ni Gut. Tinaasan niya ako ng kilay.
“Totoo ba iyon, Isaiah? Pupunta ka sa bahay niya?” pagtatanong ni Gut.
Tumingin ako kay Gut. Nag-aalangang napangiti ako.
“Bakit? Anong gagawin mo dun?” tanong pa ni Gut.
“Uh... eh...” bigla akong nawalan nang maisasagot.
Naghihintay naman ng sagot ko si Gut. Diretso siyang nakatingin sa akin.
“Uh...” ang sabi ko lang.
Hanggang sa bigla akong makaisip ng plano. Ewan ko pero bigla na lang ‘tong sumagi sa utak ko at hindi na inisip kung ano ang magiging kahahantungan nito pagkatapos.
Napabuntong-hininga ako ng sobrang lalim Nilakasan ko ang aking loob. It’s now or never. Tumingin ako kay Blue na nakatingin pa rin kay Gut. Kinagat ko nang madiin ang ibabang labi ko saka dahan-dahang lumapit kay Blue. Puno ng kaba ang dibdib ko pero kung hindi ko pa ito gagawin, baka wala na akong pagkakataon para magawa ito.
Pagkatapos...
Hinawakan ko ang kanang kamay ni Blue na halatang nagulat sa ginawa ko kaya mabilis siyang napatingin sa akin. Bahagyang nanlalaki ang mga mata niya.
‘Tulungan mo ako please,’ ito ang sinasabi nang tingin ko sa kanya. Sana maintindihan niya.
Hindi naman nagsalita si Blue, diretso lang siyang nakatingin sa akin.
Dahan-dahan kong tiningnan si Gut. Nanlalaki ang kanyang mga mata at nakatakip ang kanang palad sa kanyang bibig dahil hindi siya makapaniwala. Halatang gulat na gulat na nakikita niyang hawak ko ang kamay ni Blue.
Napangiti na lamang ako ng tipid. Sana gumana ang ginagawa kong pagpapanggap na ito para tigilan na rin niya ako.
Tinanggal ni Gut ang kamay niya sa bibig. Nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.
“A-Anong ibig sabihin niyan?” nauutal na tanong ni Gut. Halata sa boses ang lungkot at sakit.
Hindi ko naman maiwasang mahabag kay Gut pero kung ito lang ang paraan para tigilan na niya ako.
“I’m sorry,” madrama na sabi ko. Kailangan kong umarte para convincing. Mahirap pa naman mapaniwala si Gut.
Mabilis na napailing-iling si Gut.
“Hindi ‘yan totoo! Hindi pwede! Hindi!!!” nalilito at hindi makapaniwalang sigaw ni Gut at tuluyan na itong umiyak.
“G-Gut-”
Kaagad na tumalikod si Gut at mabilis na tumakbo palayo. Nakatingin lamang ako sa kanya. Nakakaramdam ako ng awa pero mas mabuti na rin ito.
“Bitawan mo na ang kamay ko.”
Tumingin ako kaagad kay Blue, next ay sa kamay naming magkahawak. Mabilis ko iyong binitawan.
“Sorry-”
“Mukhang ginamit mo pa ako para mambasted,” dismayadong wika ni Blue na kaagad kong ikinatingin muli sa mukha niya. Diretso siyang nakatingin sa akin.
Napakamot ako ng marahan sa batok ko.
“Pasensya ka na.”
Narinig ko ang pagpalatak ni Blue.
“Bakit ako?” pagtatanong ni Blue.
Bahagyang kumunot ang noo ko.
“Ha?” nagtataka kong tanong.
Napangisi si Blue. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil mas lumapit siya sa akin lalo na ang mukha niya sa mukha ko. Lalo tuloy akong kinabahan. Napalunok ng laway. Bahagya akong umatras.
Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. Naglikot tuloy at pumikit-pikit ang mga mata ko dahil hindi ko makayanan ang tingin niya.
“Bakit ako ang ginamit mo para ipakita sa kanya na taken ka na?” pagtatanong muli ni Blue.
Muli akong napatingin kay Blue.
“Uh... eh...” bakit wala akong maisip na palusot?
Napangisi si Blue.
“Type mo ba ako?” nakakalokong tanong niya na lalong ikinalaki ng mga mata ko.
Bahagya ko siyang tinulak sa kanyang kanang braso para malayo siya sa akin. Umayos naman ako sa pagkakatayo.
“Sh*t! Type ka diyan!” malakas na sigaw ko. Mabilis na umiwas ako nang tingin. “Wala lang akong choice,” sabi ko pa. “I-Ikaw kasi ang nandyan at saktong nakita ni Gut na kasama ko kaya ‘yun,” pagdadahilan ko pa.
Hindi ko na narinig magsalita si Blue kaya tiningnan ko siya. Diretso ang tingin niya sa akin habang nakasilay ang ngisi sa labi.
Mariing napailing-iling tuloy ako.
“Tara na nga! Gagabihin pa ako sa pag-uwi nito,” sabi ko saka mabilis na tinalikuran ko na siya at nauna nang maglakad.
Naramdaman ko namang sumunod sa akin.
Oo nga pala... hindi ko alam ang bahay niya kaya umatras ako nang lakad at sinabayan siya.
Napatingin ako sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya.
“Hindi ko alam ang bahay mo,” nag-aalangang sabi ko. Baka pati sa pagsabay ko ulit nang paglalakad sa kanya kung ano na namang isipin niya.
Umiwas lang siya nang tingin sa akin pero hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya.
Napailing-iling na lamang ako ng marahan. Bwisit ‘to!
Pero sana tigilan na ako ni Gut kasi wala talaga siyang aasahan sa akin.
Hay! Sana may puntahang mabuti ang kabaliwan kong ito.