EPISODE 5 (1)

1314 Words
“Class dismiss!” Nagmamadali akong iniligpit ang mga gamit ko at inilagay sa bagpack pagkatapos ay kaagad ko na itong isinukbit sa magkabilang balikat ko. Tumingin ako kay Jared at Mark na ang babagal kumilos. “Mauna na ako sa inyo,” mabilis na pagpapaalam ko na kaagad nilang ikinatingin sa akin. Parehas pang bumakas ang pagtataka sa kanilang mga mukha. “Saan ka pupunta?” tanong ni Jared. “May practice ako,” sagot ko. Napangisi naman si Mark. “Talagang seseryosohin mo ang pagsali sa banda?” nakakalokong tanong nito. “Sige na aalis at na ako,” mabilis na sabi ko. Hindi ko sinagot ang tanong ni Mark. “Okay, kitakits na lang mamaya,” wika naman ni Jared. Tumango-tango ako saka nagmadali na akong umalis. Habang naglalakad sa hallway ay patingin-tingin ako sa wrist watch ko. “Sh*t! Male-late pa yata ako,” natatarantang sambit ko. Ayokong ma-late dahil baka kung anong sabihin niya. Ayoko pa naman nang pinagsasabihan dahil lang sa isang maliit na bagay. Mas nagmadali ako sa paglalakad para kaagad na makarating doon. Kulang na nga lang ay maging roller blades ang mga paa ko sa tulin kong maglakad. --- Na-late ako ng ilang minuto pero akala ko nandito na siya sa classroom kung saan ang practice venue pero wala pa pala siya. Tsk! Mas late pa pala sa akin iyon. Inilapag ko sa gilid ang bagpack ko saka tinungo ang isang mahabang upuan. Naupo ako doon saka tiningnan ang mga kasamahan ni Blue na matiyagang tinuturuan na ang mga nakapasa din sa audition. Hindi ko maiwasang mainggit. Halata kasing may alam na ang mga ito sa pagtugtog ng gitara at halatang hindi nahihirapan sa kanila ang mga nagtuturo sa kanila. Si Rocky nga, nakadekwatro pang nakaupo habang nakatingin lamang kay Dale na kanya namang tinuturuan. Halatang nadadalian siyang turuan si Dale. Umiwas na lamang ako nang tingin sa kanila. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng suot kong pants saka pumunta sa You Video. Naghanap ako ng video tutorial nang nag-gigitara at ng may magustuhan na ako ay iyon ang pinanood ko. Ilang minuto pa lang akong nanunuod ay napatingin ako sa sahig kung saan nakakita ako ng pares ng sapatos na suot ng isang babae. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at tumingala saka nakita ko ang isang cute at mestisang babae na nakangiti at may dalang gitara. “Ikaw ba si Luis?” pagtatanong niya. Ang liit ng boses niya. Napangiti ako saka tumango. Umiwas muna ako nang tingin sa kanya at pinatay ang cellphone ko saka tinago muli sa bulsa saka ko siya tiningnan ulit. “Ako nga pala si Megan, ang secretary ng bandang Mighty.” Kumunot ang noo ko. “Mighty?” nagtatakang tanong ko. “Yup! Iyon ang gagamiting pangalan ng banda sa darating na battle of the bands,” sagot ni Megan. Napatango-tango na lamang ako. Umiwas nang tingin sa akin si Megan saka tumingin-tingin sa paligid. May hinahanap. “Wala pa pala si Blue,” mahinang wika nito saka napabuntong-hininga at muling tumingin sa akin. “Pasensya ka na. Minsan lang naman iyon ma-late lalo na kapag may quiz sa klase.” Pinilit kong ngumiti. “Okay lang,” sagot ko. As if naman na may magagawa ako, ‘di ba? Napangiti nang matamis si Megan. Ang ganda niya ngumiti. “Anyway, may dala ka bang gitara?” Nag-aalangang napangiti ako. “Wala nga, e. Ang totoo hindi talaga ako naggigitara.” Tumango-tango ito. “Okay lang ‘yan. Magaling magturo si Blue kaya I’m sure matuto ka sa kanya,” saad ni Megan saka ngumiti. “Ito at gamitin mo muna,” sabi pa nito saka inabot sa akin ang dala nitong gitara. Napatingin ako doon pagkatapos ay tinanggap na ang gitara na ibinibigay ni Megan. Bukod sa maganda, mabait din siya. “Salamat.” “Kung gusto mo turuan na muna kita habang wala si Blue,” pag-prisinta ni Megan. “Marunong kang maggitara?” tanong ko. Napangiti si Megan. “Marunong pero hindi masyadong magaling,” pa-humble na sagot niya. “Sige at tuturuan na kita kahit basic chords lang,” dagdag pa niya. Napatango-tango na lamang ako. Bigla akong na-excite. Bahagya akong umusog nang upo saka naupo si Megan sa tabi ko. “Ipatong mo sa hita mo ‘yung katawan ng gitara,” mahinahong utos niya sa akin na sinunod ko naman. “Pagkatapos ganito,” ani ni Megan saka inilagay niya ang kanan kong kamay sa pinakakatawan pagkatapos ang isa naman ay hawak ang handle. Napangiti si Megan. “May alam ka na bang basic chords?” tanong niya sa akin. “Napanuod ko sa tutorial,” sagot ko habang nakatingin sa may gitara. “Okay, so bigyan mo muna ako ng C, A, G, E and D,” sabi ni Megan. Napatango-tango ako. Umiwas ako nang tingin kay Megan saka tiningnan ang kamay kong nakahawak sa handle ng gitara. ‘Sh*t!’ napamura ako sa isipan ko. Nakalimutan ko kaagad. Tumingin muli ako kay Megan. Nakatingin siya sa akin at halatang naghihintay. Nag-aalangang napangiti ako at mukhang na-gets niya ang ibig kong sabihin dahil napangiti din siya. “Okay ganito,” wika ni Megan saka hinawakan niya ang kamay ko saka ipinuwesto ng tama pagkatapos ay ang mga daliri ko naman. “Ito ang C tapos A pagkatapos G tapos dito ang E at D,” matiyaga niyang lahad habang inilalagay niya isa-isa ang mga daliri ko sa ibabaw ng strings. “‘Yan ang mga basic guitar chords,” sabi ni Megan. Napatango-tango ako. “So subukan mong tugtugin nang sabay,” utos ni Megan. “Okay,” sabi ko na may kasamang pagtango saka umiwas nang tingin sa kanya at nag-pokus ako sa paggigitara. Sinunod ko ang sinabi ni Megan. “Diinan mo pa ng kaunti ang mga daliri mo sa strings,” ani ni Megan. Tumingin ako kay Megan. “Bakit ang tigas nu’ng strings?” tanong ko. Nasasaktan kasi ang daliri ko lalo na kapag dinidiinan ang pindot at tipa. “Nasasaktan ba ang mga daliri mo?” tanong ni Megan. Tumango-tango ako. Napangiti nang tipid si Megan. “Medyo luma na kasi ang gitara pero okay pa naman ‘yan. Pagtiisan mo na lang muna.” Napatango-tango na lamang ako. At iyon nga ang nangyari, pinatugtog niya sa akin ang mga basic chords kahit na medyo masakit sa daliri ang mga strings. Tumigil lang kami ng sa wakas ay dumating na si Blue. Seryoso pa ang mukha na nakatayo sa harapan naming dalawa ni Megan. “Mabuti at dumating ka na sa wakas Blue,” natutuwang sabi ni Megan saka ngumiti. “Bakit may problema ba?” malamig na tanong ni Blue. Napatingin sa akin si Megan. Muli rin niyang ibinalik ang tingin kay Blue. “Wala naman,” wika ni Megan. “Anyway, may extra ka pa naman sigurong gitara, ‘di ba? Pwede mo bang ipahiram na muna kay Luis?” pagtatanong ni Megan. Napatingin sa akin si Blue. Ayan na naman ‘yung tingin niyang parang nanghahalukay ng kaloob-looban. Sh*t! Bakit pakiramdam ko, gusto kong magpahalukay? Sh*t ulit! Ano bang mga kalokohan ang sinasabi ko? Hay! Huwag na nga lang pansinin ang mga kabaliwang ito. “Hindi na kasi okay ‘yung strings nitong gitara na ginagamit namin para sa practice niya kaya sumasakit ang mga daliri niya,” paliwanag pa ni Megan. Umiwas naman ako nang tingin. Tumingin ako sa iba pang mga tao na nandito. “Sige na Megan at ako ng bahala sa kanya,” mahinang wika ni Blue. “Okay. May gagawin pa pala ako kaya maiwan ko na muna kayo,” pagpapaalam ni Megan na ikinatingin ko muli sa kanya. Tumayo na ito saka tinapik ako ng dalawang beses sa balikat. “Galingan mo,” sabi nito saka kumindat pa. Napangiti na lamang ako saka tumango-tango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD