EPISODE 4 (2)

1540 Words
Mag-isa akong nakaupo sa bench na nasa gilid ng quadrangle. Lately ay medyo lumalayo na muna ako sa mga ugok kong kaibigan para makaiwas na rin sa pambubully nila sa akin. Alam niyo naman na madalas nila akong asarin, ‘di ba? Hawak ko ang cellphone at nanunuod ng video tutorial. Napapakamot pa ako ng ulo dahil kahit pala basic chords lang sa paggigitara itong pinag-aaralan ko ay nahihirapan na ako. Pinapanuod ko pa lang ito, what more pa kung sa actual na? Hays! Ano ba kasing naisipan ko at sumali pa ako sa bandang iyon? Ipinagpatuloy ko na lamang ang panunuod ko. Minsan ay minumuwestra ko rin ang mga daliri ko at ginagaya sa napapanuod ko. Medyo may naiintindihan naman ako pero aminado pa rin talaga na nahihirapan akong sundin ang steps. Naramdaman ko na lamang na may naupo sa kabilang side ng inuupuan ko. Napatingin ako doon at sila Jared at Mark pala. Ang galing rin talaga maghanap ng mga ito. “Nandito ka lang pala,” wika ni Jared saka ngumisi. Hindi ako sumagot. Iniwas ko ang tingin sa kanila at ipinagpatuloy ang panunuod. “Bakit ka bigla-biglang nawawala? Siguro may ginagawa kang kababalaghan, ‘no?” narinig kong tanong ni Mark. “Huwag niyo akong umpisahan,” banta ko nang hindi tumitingin sa kanila. “Ito pikon kaagad,” natatawang sabi ni Jared. Napailing-iling na lamang ako ng mabagal. Pinokus ko ang sarili sa panunuod. “Ano ba ‘yang pinapanuod mo?” nagtatakang tanong ni Jared. “Baka p*rn,” sabat ni Mark saka tumawa. Natawa din si Jared. Mga bwisit ‘to at ginawa pa akong manyak! Naramdaman kong umusog palapit si Jared. “Nag-aaral kang mag-gitara?” Hindi ako sumagot sa tanong ni Jared, patuloy pa rin ako sa panunuod. “Bakit?” nagtatakang tanong pa ni Jared. “Oo nga. Hindi mo naman hilig ang music, ‘di ba?” tanong naman ni Mark na nasa likod ko na pala. Naramdaman ko siyang nandoon, e. “Gusto ko lang matuto,” maikling sagot ko. “Weh?” hindi naniniwalang tanong ni Mark. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Jared na para akong lupa at siya ang pala na hinahalukay ako para may malaman siyang sagot. “O baka naman, huwag mong sabihin na... nag-audition ka?” pagtatanong pa ni Jared. Napatigil ako sa sinabi ni Jared. “Audition?” sabat na tanong ni Mark. “Oo. Usap-usapan kaya ‘yung nangyaring audition sa faculty of Liberal Arts,” sabi ni Jared. “Ang dami nga na nag-audition dun dahil kay Blue. Nasapawan ‘yung audition ng ibang faculty.” “Baka naman hindi siya dun nag-audition, baka sa ibang faculty o di kaya sa atin,” sabi ni Mark. “Hindi open sa iba ‘yung ibang audition, tanging sa faculty of Liberal Arts lang,” wika ni Jared. “Kung sa faculty naman natin, malamang alam na kaagad natin iyon,” dugtong pa niya. Mahinang napabuntong-hininga ako. Tiningnan ko ang dalawa kong ugok na kaibigan. “Tama kayo, nag-audition nga ako sa faculty of Liberal Arts,” pag-amin ko na ikinalaki ng mga mata nila. “Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Jared. “Hindi mo man lang sinabi sa amin,” sabi naman ni Mark. Umiwas ako nang tingin sa kanila. “Wala namang masama kung maka-experience ako ng bago, ‘di ba? Isa pa mahilig din naman akong makinig ng music kahit hindi ako masyadong hilig nito.” “P-Pero... anong nakain mo at nag-audition ka?” hindi makapaniwalang tanong ni Jared sa akin. Kumibit-balikat lang ako. “Tsk! Wala man lang kaming kaalam-alam sa mga ginawa mo,” dismayadong saad ni Jared. “Oo nga. Masyadong malihim ang kaibigan natin,” pagsang-ayon naman ni Mark kay Jared. Napangisi ako. “Oo nga pala, may gitara ba kayo?” tanong ko saka tiningnan ko silang dalawa. “Wala!” sagot kaagad ni Jared. “Ako din wala,” sagot din ni Mark. “Pwede niyo akong ibili?” tanong ko. “Ikaw nga ang maraming pera diyan,” sabi ni Jared saka ngumisi. “Oo nga, kami pa aasahan mo,” sabat ni Mark. Napailing-iling ako ng apat na beses. Umiwas nang tingin sa kanila. ‘Mga walang kwentang kaibigan,’ sabi ko sa isipan pero biro lang iyon. “Mag-download ka na lang ng guitar app,” suhestyon ni Jared. Napatingin ako sa kanya. “Guitar app?” nagtatakang tanong ko. “Oo, available iyon sa Laro at Apply app store. Pili ka na lang dun,” sagot ni Jared. Lumukot ang mukha ko. “Ayaw niyo lang talaga akong ibili ng gitara,” sabi ko saka napailing-iling. Natawa sila Mark at Jared. “Ikaw kaya ang gagamit kaya dapat gumastos ka,” natatawang sabi ni Mark. Napailing-iling na lamang muli ako. --- Nandito ako ngayon sa loob ng classroom kung saan naganap ang audition kahapon. Nakaupo kaming lima. Oo, lima lang kaming napili kahit na ang daming nag-audition. Tatlong lalaki kasama ako at dalawang babae ang napili nila na ngayon ay nasa harapan namin at nakatayo habang nakatingin sa amin. Ngumiti si Kulot. “Okay, bago ko simulan ang mga sasabihin ko ay magpapakilala muna kaming lima,” pag-uumpisa nito. Isa-isa pa kaming tiningnan ulit. “Ako si Rocky, ang bokalista,” pagpapakilala nito sa sarili. Natawa ako sa isip ko. Batong-bato ang pangalan, a. “Ysmael. The Drummer!” pagpapakilala naman nu’ng isa na nasa likod ni Rocky. Ang lalim ng boses. Sa kanilang lima, siya iyong pinakamatangkad at maangas ang dating. Bumagay din sa kanya ang semi-kalbo. “Hi! Ako nga pala si Gerald, drummer din,” pagpapakilala naman nu’ng isa na itsura pa lang ay chickboy na. Matangkad, cute at masasabing may itsura din kaya habulin. “Yow! Ako si Patrick, ang basist!” pagpapakilala naman nu’ng nasa tabi ni Blue. Maamo ang mukha at sa kanilang lima, ito ang pinakapandak pero cute. Napatingin na ako kay Blue dahil siya na ang magpapakilala. Tumingin din siya sa akin na parang alam niyang titingin ako sa kanya. Pucha! Mabilis akong umiwas nang tingin sa kanya. Hindi naman sinasadya ay napatingin ako sa dalawang babaeng kasali din at halatang kinikilig habang nakatingin kay Blue. Napailing-iling na lamang ako ng mabagal. “I’m Blue.” Muli akong napatingin kay Blue. Nakatingin pa rin siya sa akin. Pucha naman ‘to, o. Bakit ka ba nakatingin? “Okay!” malakas na wika ni Rocky saka biglang pumalakpak ng dalawang beses. Tumingin ako sa kanya. “Nakapagpakilala na kaming lahat kaya dumiretso na tayo sa mga sasabihin ko,” sabi pa nito. Napatango-tango ako sa sinabi ni Rocky. Tiningnan kami ni Rocky isa-isa. “Sa inyong lima, tanging si Luis lang ang walang experience pagdating sa kahit anong musical instrument. Mabuti na lang at gwapo siya,” nakakalokong sabi nito. Narinig kong may tumawa nang mahina sa sinabi ni Rocky. Sh*t! Nakakahiya naman, o. Hindi ko tuloy napigilang mapayuko. “Alam ko naman na ang bawat bagay sa mundo ay natututunan. Hindi ko naman siya kukunin at makakasama natin ngayon dito dahil sa wala lang. Alam kong makakaya niyang tumugtog at nagtitiwala ako sa kanya,” sabi pa nito. Napatingin ako kay Rocky. Pagkatapos akong ipahiya, bubuhatin din niya ako pataas. Sh*t ‘to, o! Hindi sinasadya ay napatingin ako kay Blue. Nakatingin ito sa akin at may ngisi na nakasilay sa labi. Sinamaan ko nga nang tingin. Para kasing nang-aasar pa. “Kaya naman Blue,” ani ni Rocky at tiningnan nito si Blue. Tumingin rin si Blue kay Rocky. Napangisi si Rocky. “Ikaw ng bahala kay Luis.” Sh*t! Si Blue ang magiging trainor ko? Napatingin ako kay Blue. Nakatingin ulit siya sa akin at parang nagyayabang pa. “Since si Blue ang pinakamagaling sa amin pagdating sa gitara kaya siya ang magtuturo sayo Luis,” wika muli ni Rocky. “Para kaagad kang matuto,” dugtong pa niya. May magagawa pa ba ako? Tipid na lamang akong ngumiti. “Kayong apat naman Dale, Dylan, Trisha at Loren, isa sa amin ang magtuturo sa inyo,” sabi ni Rocky. Napatingin ako sa kanila. Sila Trisha at Loren, parang nanghihinayang na hindi si Blue ang magtuturo sa kanila dahil laglag ang mga balikat nila. Inggit din yata sila sa akin kasi tiningnan nila ako at ngumuso pa. Napabuntong-hininga na lamang ako. “For fifteen days, sasailalim kayo sa training at after nun, magkakaroon kayo ng individual performance kung saan doon na kami pipili ng magiging karapat-dapat na mapasali sa banda at lumaban kasama namin sa battle of the bands na magaganap next month,” sabi pa ni Rocky. “Kaya sana galingan niyo. Sa mga may experience na, mas pagbutihan niyo dahil hindi porket may alam na kayo ay hindi na dapat magseryoso at para naman sayo Luis, seryosohin mo rin at i-absorb sa utak ang mga ituturo ni Blue sayo. Galingan mo,” sabi pa nito saka ngumiti. Napatango-tango na lamang ako. Muli akong napatingin kay Blue. Kausap niya si Patrick. Hay! Parang binigyan naman ako ni Rocky ng bato na papasanin ko. Ang bigat! Napabuntong-hininga na lamang ako ng malalim. Ewan ko pero parang gusto ko nang umatras sa tingin ko ay gulo na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD