EPISODE 4 (1)

1679 Words
Nakatayo ako sa harapan ng faculty of Liberal Arts. Nakatingin ako sa malaking building nito. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Ewan ko ba kung bakit ako napunta dito. Basta ang alam ko lang ay may nagtutulak sa akin na pumunta rito para sa pakay ko, iyon ay ang mag-audition para mapasali sa banda niya. Naisuklay ko ang kanang kamay ko sa aking buhok. Muli akong napabuntong-hininga. “Wala na ‘tong atrasan,” wika ko. Nandito na lang rin ako edi ituloy ko na. Hinakbang ko ang aking mga paa papunta sa gusali. Sa pagtuntong ko doon, nagpatuloy pa ako sa paglalakad para hanapin kung saan ang kinaroroonan ng audition. “Sh*t!” mahinang mura ko. Nakarating na ako sa pakay ko at ang daming nakapila mula sa entrance ng malaking room kung saan ginaganap ang open audition. May mga lalaki pero karamihan ay mga babae at binabae ang nakapila. Ayoko pa naman ng mahabang pila at matagal na pag-iintay. Aminado akong hindi ganu’n kapasensyoso. Gayunpaman, hindi nanaig ang pagkaayaw ko. Namalayan ko na lang na humahakbang na muli ang mga paa ko papunta sa pila at nakikisali sa mga nagau-audition. Saktong pinutol na rin nila ang pila at wala nang hinayaang mag-audition pa. Patingin-tingin ako sa wrist watch na suot ko. Maya’t maya ang tingin ko sa oras. Titingin din ako sa mga nakapila. Halos hindi ko kilala ang karamihan. Ang iba ay halatang excited at sa tingin ko, siya ang dahilan kung bakit. Napailing-iling na lamang ako. Napapatingin din ako sa pintuan ng room kung saan lumalabas mula doon ang tapos nang sumalang sa audition. May malungkot dahil siguro hindi nakapasa at may masaya naman at patalon-talon pa, parang napakalaking achievement sa kanya ang makapasa sa audition. Kunsabagay, naghirap siyang pumila kaya dapat lang na maging masaya kapag pumasa. Ilang oras pa ang lumipas at pakonti na kami ng pakonti sa pila. Ewan ko pero kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Iniisip ko kung makakapasa ba ako? Okay lang naman sa akin kung hindi dahil hindi naman ako likas na musikero at dakilang tagapakinig lang pero may bahagi sa aking umaasang sana makapasa ako. Hay! Nasisiraan na talaga ako ng bait kasi in the first place, hindi ko alam kung bakit ako nandito pero nagpapatuloy pa din ako. Hanggang sa siyam na lang kaming nakapila. Mas lalong lumalapit, mas lalo akong kinakabahan. Sh*t talaga! Ano ba itong pinasok mo, Luis? May time pang umatras. Pero hindi ako umatras. Hay! Nababaliw na talaga ako. Hanggang sa ako na ang sasalang. Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang ihakbang ang mga paa ko palapit sa mesa at nagpalista ng pangalan. Matapos akong bigyan ng nametag ay ikinabit ko iyon sa uniporme ko at pumasok na ako sa loob. Malawak ang kwarto or should I say, classroom. Nakatabi sa gilid ang mga upuan. Sa bandang harapan kung saan nakasabit sa pader ang white board, nandoon ang mga miyembro ng banda kabilang si Blue na nakatingin sa akin kaya umiwas ako nang tingin sa kanya. Nanginginig ang tuhod ko. Sana hindi nila mahalata. Hay! Ano ba kasing nangyayari sa akin? Bakit ako napunta sa sitwasyong ito? Tumayo ako sa harapan nila. Lumunok ako ng tatlong beses. Muli ko silang tiningnan at lahat sila ay nakatingin sa akin. Mga lima sila kabilang na doon si Blue na seryoso lang ang mukha habang nakatingin sa akin. “Ikaw si Luis?” tanong nu’ng nasa gitna na kulot ang buhok. Marahang tumango-tango ako. ‘Yun kaya ang pangalang nakalagay sa nametag ko kaya malamang ‘yun ang pangalan ko. “May dala kang gitara?” tanong pa nito. Kulot ang mahabang buhok na nakapusod ng magulo pero hindi naman siya mukhang dugyutin kasi maputi at makinis ang balat niya. Para siyang ‘yung mga nakikita ko sa foreign films pero asyano ang datingan. Napailing-iling ako ng tatlong beses. Wala naman kasi talaga akong dala, kita niyo naman, ‘di ba? Tsk! Napatango-tango si Kulot. Iyon muna ang tawag ko sa kanya kasi hindi ko pa siya kilala. “Pero marunong ka naman sigurong tumugtog?” pagtatanong muli niya. Hay! Ang dami niyang tanong. Napangiwi na lamang ako. Napailing-iling ulit ako. Nahalata ko ang pagkadismaya sa mukha ni Kulot. Hindi sinasadya ay napatingin ako kay Blue na nakaupo sa tabi ni Kulot at nakahalukipkip pa ang mga braso. Hindi pa rin nagbabago ang itsura ng mukha niya. “Anong alam mong tugtugin?” tanong muli ni Kulot. Napatingin ako sa kanya. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Nakatingin silang lahat sa akin at naghihintay ng aking sasabihin. Nakakahiya naman ‘to! “Ang totoo... wala,” pag-amin ko. Kaysa naman magsinungaling ako. Napapalo sa noo si Kulot. Napa-hay naman ang mga kasama niya maliban kay Blue na nagsalubong lang ang kilay at seryoso pa ring nakatingin sa akin. “Wala ka palang alam tugtugin pero nag-audition ka.” Halata ang pagkasarcastic sa sinabi ni Kulot. “Kahit man lang ba basic chords, hindi mo alam?” tanong pa nito. Mabagal na napatango-tango na lamang ako. Napapakamot naman sa ulo ang mga kasamahan niya maliban kay Blue na nakita kong napangisi. Mukhang nang-aasar ‘tong ugok na ito, a. “So bakit ka nag-audition?” tanong ni Kulot. “Para lang magpa-cute?” tanong pa niya na tinawanan ng mga kasamahan niya. Sh*t! Nakakahiya na talaga! “Mukha nga, Boss,” sabat naman nu’ng isa. “Cute naman siya,” sabi naman nu’ng isa pa. Nag-aalangang napangiti na lamang ako. “Ahhhh...” ano bang isasagot ko? Sh*t! Napatingin ako kay Blue, nahalata ko ang pagkagulat niya nang tingnan ko siya. Kahit ako rin hindi ko alam kung bakit bigla ko siyang tiningnan. Maya-maya ay bumuga ako ng hangin mula sa aking katawan para palakasin ang loob ko... at nagulat din ako sa aking biglang isinagot. “Siya ang dahilan!” lakas-loob na sabi ko sabay turo kay Blue. Halata ang pagkagulat niya. Napatingin siya sa mga kabanda niya na nakatingin rin sa kanya. “Magkakilala ba kayo?” tanong ni Kulot kay Blue. Mariing napailing-iling si Blue. Muli itong tumingin sa akin. Naningkit ang mga mata nito, parang sinasabi nito na ano bang mga pinagsasasabi mo. ‘Yan rin naman ang tanong ko sa sarili ko, ano ba itong mga pinagsasabi ko? Sh*t! Nakakabaliw! Muling tumingin sa akin si Kulot. “Bakit siya ang dahilan?” nagtatakang pagtatanong ni Kulot. Muli akong tumingin kay Blue na nakatingin pa rin sa akin, ibinalik ko rin kaagad ang tingin kay Kulot. Napakamot ako sa batok. Napangiti nang tipid. “Isa ako sa mga taong humahanga sa kanya,” sinabi kong dahilan kahit hindi naman ‘yun totoo. Sh*t talaga Luis! Baliw ka na talaga! “Owwww!” sabi lamang ni Kulot saka muling tiningnan si Blue. Napangisi ito. “Gu-gusto kong matuto mula sa kanya kaya kung pagbibigyan niyo akong makapasok dito at mag-practice, makakaasa kayong gagalingan ko.” Sh*t! Tumigil ka na nga Luis. Kung ano-ano na ang pinagsasabi mong kabaliwan! Napatango-tango nang marahan si Kulot, tipid rin itong ngumiti saka tiningnan si Blue na nakatingin rin sa akin. Hooo! “Okay sa tingin ko naman madali kang matuto,” ani ni Kulot. “May nakikita akong potential kahit na sabi mo hindi ka marunong tumugtog. Isa pa may itsura ka, isa sa dapat na maging asset ng isang banda para makahakot ng fans,” sabi niya pa. Kunsabagay, halos lahat sila may itsura, nangingibabaw lang si Blue. “Alam naman nating lahat na hindi lang boses ang puhunan ng isang banda kundi pati na rin ang itsura ng miyembro nito. Hindi man magandang pakinggan para sa iba pero ‘yun ang katotohanan na kailangang tanggapin,” litanya pa niya. Napangiti ako ng maliit. Kunsabagay, may point si Kulot. Swerte na lang din na sumikat ang isang banda dahil sa maganda nitong boses at kanta kahit hindi ganoon kagwapo ang mga miyembro nito. “Salamat po.” “Sigurado ka bang tatanggapin mo siya?” pagtatanong ni Blue. Tiningnan ni Kulot si Blue. “Bakit? Ayaw mo ba?” balik-tanong ni Kulot. Hindi sumagot si Blue, tumingin lang muli ito sa akin saka bahagyang umiling-iling. “Huwag kang mag-alala kasi dadaan naman siya sa matinding ensayo katulad ng mga naunang pumasok. Kung sino sa kanila ang okay edi ‘yun ang magiging gitarista natin,” sabi ni Kulot. “Yeah,” ang nasabi na lamang ni Blue. “Oo nga pala, marunong kang kumanta?” pagtatanong ni Kulot na muling tumingin sa akin. Napangiti ako nang nag-aalangan. “Uhm.. pangbanyo lang ang boses ko,” nahihiyang sagot ko. Nakita kong natawa si Blue. Bugok ‘to, a! Napangisi si Kulot. “Alam mo ba na ang karamihan sa mga magagaling nating singer ay sa banyo nagsimulang kumanta?” tanong nito. Tipid lamang akong ngumiti. “Sampolan mo kami,” biglang utos ni Kulot na ikinalaki ng mga mata ko. “Ha?” gulat na tanong ko. Nakakagulat. Pakakantahin talaga ako? “Kumanta ka para marinig namin. Malay mo ilagay ka namin as vocalist partner ni Blue,” ani ni Kulot saka tipid na ngumiti. “Pero gitarista ang hinahanap niyo, ‘di ba?” “Oo pero pwede rin kaming maghanap ng vocalist,” sagot ni Kulot sa tanong ko. Nagdalawang-isip ako. Ako? Vocalist partner ni Blue? “Pero sige kung ayaw mo, okay lang. Sa practice ka na lang susubukan.” Nagkibit-balikat si Kulot. Napatango-tango na lamang ako. Medyo nakahinga na din ako ng maluwag. “Salamat po,” sabi ko saka isa-isa ko silang tiningnan. Huli si Blue na napabuntong-hininga pa. “Sige pwede ka nang umalis. Bukas balik ka dito ng one ng hapon,” huling sabi ni Kulot. Mabagal akong tumango-tango. “Okay.” “Next!!!” sigaw ni Kulot. Tinatawag niya ang susunod sa akin. Naglakad na ako palabas. Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ay napatingin pa ako kay Blue na kausap si Kulot. Napabuntong-hininga ako ng malalim. “Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito,” bulong ko. Hindi ko alam kung bakit pero ang sigurado, may kinalaman siya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD