EPISODE 3 (1)

1322 Words
“Saan niyo ba ako dadalhin?” nagtataka kong tanong kay Jared na nauunang maglakad dito sa hallway. Nilingon niya ako saka ngumiti. “Basta bilisan mo na lang maglakad.” Napakamot naman ako sa ulo. Bigla naman akong inakbayan ni Mark na kasabay ko sa paglalakad. Napatingin ako sa kanya. “Huwag ka ng maraming tanong Bro dahil sigurado naman na magugustuhan mo ang sorpresa namin para sayo,” nangingiting saad ni Mark at kumindat pa. Napailing-iling na lamang ng mabagal ako saka umiwas nang tingin sa kanya. Puro talaga kalokohan itong dalawang ugok na ito. Hanggang sa makababa na kami at makarating sa harapan ng faculty building. Nakita kong lumapit si Jared sa isang babaeng nakatayo malapit sa poste. Iginiya naman ako ni Mark palapit sa dalawa kaya napasama na lang ako. Napatingin sa amin ni Mark si Jared at ang babae nang huminto kami sa paglalakad malapit sa kanila. Napangiti ang babae nang makita ako. Nag-aalangang napangiti na lamang din ako at tiningnan si Jared at si Mark. “Bro, siya ang kaibigan ko na si Mary. Napakiusapan ko na at pumayag siyang maging fake girlfriend mo,” ani ni Jared na ikinalaki ng todo ng mga mata ko. “Ano?!” gulat na gulat kong tanong. Napatango-tango nang mabagal si Jared saka ngumiti. Tiningnan ko si Mark na nakangiti rin at inalis ang pagkakaakbay sa akin. Napatingin ako sa babae na matamis na nakangiti. Hindi ko naman ikakaila na maganda siya. Hanggang balikat ang buhok na color brown na bumagay sa maliit niyang mukha dahil na rin sa style ng gupit nito. Chinita, may kaliitan ang ilong at manipis ang mamula-mulang labi na nangingintab dahil siguro sa nilagay na lipgloss. Makinis ang maputi niyang balat. Halatang mabait dahil sa maamo niyang mukha. Maganda rin ang hubog ng uniporme niya sa kanyang katawan. Halatang malusog ang hinaharap. May kaliitan ang height na hindi ko ikakailang nagpa-cute lalo sa kanya. Makinis ang maputing balat mula ulo hanggang paa. Ang kinis ng hita dahil hanggang itaas lang naman ng tuhod ang suot nitong palda. “Hi, Luis,” natutuwang pagbati sa akin ni Mary. Kumunot ang noo ko. “Kilala mo ako?” may pagtatakang tanong ko at tinuro ko pa ang aking sarili. Tumango-tango si Mary ng tatlong beses. “Ipinakilala ka na sa akin ni Jared,” sagot ni Mary. Napatingin ako kay Jared. Puro talaga kalokohan ang ugok na ito. Muli akong napatingin kay Mary. Nag-aalangang napangiti ako. “So kailan tayo mag-uumpisang magpanggap?” pagtatanong ni Mary na ikinagulat ko naman. Grabe! Ang dali naman nitong pakiusapan. Payag kaagad? “Uh... eh... sigurado ka ba sa gagawin mo?” tanong ko. Baka kasi nabibigla lang siya o baka tinakot lang ni Jared kaya para itong tuta na sumusunod lang sa amo. “Huwag kang mag-alala Bro kasi siguradong-sigurado siya,” mabilis na sabat ni Jared. Tiningnan nito si Mary. “‘Di ba?” tanong pa nito kay Mary. Napangiti si Mary saka marahang tumango-tango. “Pumayag ka na para tigilan ka na ni Gut-” “Hi, Isssaaiaaahhh!!!” Speaking of the devil, nandito na naman po siya. Ang tinis talaga ng boses na namamayani sa buong campus. Hay! Pare-parehas kaming napatingin kay Gut na nagmamadaling lumapit sa amin. Nang makalapit ay kaagad siyang kumapit sa braso ko. “Na-miss kita cutie pie!” malanding wika ni Gut at ngumuso pa. “Ang cute-cute mo talaga,” nanggigigil na sabi pa nito at mahinang kinurot ang kanang pisngi ko na ikinangiwi ko na lang. “Ako? Na-miss mo ba?” tanong pa nito. “Ehem!” si Jared na ikinatingin namin sa kanya. Gusto ko sanang sumagot ng hindi, e. “O bakit?” mataray na tanong ni Gut. Nakataas pa ang kanang kilay. Kapag sa mga kaibigan ko, masungit siya. Napangisi naman si Jared. Tiningnan nito si Mary at muli ring binalik ang tingin kay Gut. “Tigilan mo na si Luis,” seryosong utos ni Jared kay Gut. “Oo nga,” sabat naman ni Mark na masama ang tingin kay Gut. Mas lalong tumaas ang kilay ni Gut. Umismid pa siya. “At bakit ko naman gagawin iyon?” mataray na tanong ni Gut. Naramdaman kong mas humigpit ang pagyakap niya sa braso ko. Hay naku! Mas lalong napangisi si Jared. “Simple lang... kasi po hindi na tama ang ginagawa mo.” Kumunot ang noo ni Gut. “What do you mean?” maarteng tanong niya kay Jared. Ngumuso si Jared, tinuturo ng nguso niya si Mary. Napatingin naman si Gut kay Mary. “Nasa harapan mo ang girlffriend niya,” nangingiting saad ni Jared na ikinalaki ng mga mata ni Gut. “What????!!!” halos mabingi ako sa matinis na boses ni Gut kaya napatakip ang kamay ko sa isang tenga ko. Kahit sila din ay mukhang nabingi. Nanlalaki ang mga mata ni Gut na nakatingin kay Mary na ningitian siya. “Can you stop flirting with my boyfriend, please?” pakiusap ni Mary. Wow naman! Ang galing umakting. Dahan-dahan akong nilingon ni Gut. Mangiyak-ngiyak ang mga mata niya. “Is it true? Girlfriend mo ang babaeng ‘yan?” hindi makapaniwalang tanong ni Gut. “Uh... eh...” bakit wala akong masabi? “Oo nga! Girlfriend siya ni Luis kaya tigilan mo na siya kundi baka kalbuhin ka nito sige ka,” pananakot ni Mark saka tiningnan si Mary at kinindatan. Napangiti naman si Mary. Tipid na lamang akong napangiti saka tumango-tango. Wala namang masama kung makisakay ako, ‘di ba? Halata ang lungkot sa mukha ni Gut. Medyo naawa naman ako pero kasi kailangan na niya akong tigilan. Ilang beses ko nang sinabi na wala siyang pag-asa sa akin pero sige pa rin siya ng sige. Ang kulit lang niya talaga na minsan nakakairita na. Dahan-dahang binitawan ni Gut ang braso ko. Bahagya rin itong lumayo. “Hindi ko akalain...” malungkot na wika ni Gut. Umiwas ito nang tingin sa aming lahat at humalukipkip. “... na pumapatol ka pala sa may boyfriend,” dugtong pa niya na ikinalaki ng mga mata naming lahat. “Ha?!” pasigaw na tanong ko. Isa-isa kong tiningnan sila Jared, Mary at Mark na nagkibit-balikat naman. Tiningnan ako ni Gut. “‘Yun ba ang gusto mo? Nakikihati ka sa iba?” malungkot na tanong pa nito. “Gusto mong maging kabet?” hindi makapaniwalang tanong pa niya. Wala akong maapuhap na sasabihin. Pucha naman o! Tiningnan ni Gut si Mary. “Classmate ko sa isang subject ang boyfriend mo at nakikita ko rin kayong madalas na magkasama sa cafeteria. Gusto mo isumbong kita?” pananakot ni Gut at nanlalaki pa ang mga mata na nakatingin ng diretso kay Mary. Nanlalaki ang mga mata chinitang mata ni Mary. Halata ang takot sa mukha nito. “Huwag! Napakiusapan lang akong magpanggap,” natatarantang sabi ni Mary. Tiningnan niya kaming tatlo nila Jared at Mark. “Sige aalis na ako. Sorry at hindi ko na kayo matutulungan. Bahala na kayo diyan!” mabilis na sabi pa nito at parang runner na tumakbo palayo. “Uy Mary!” sigaw ni Jared. Palpak ang plano niya. Kita ko ang panlulumo sa mukha ng dalawang damuho. Napakamot na lang ako sa aking batok. “Grabe ba ang hindi mo pagkagusto sa akin kaya naisipan mo pang kumuha ng pekeng girlfriend para lumayo ako sayo?” Napatingin ako kay Gut. Ang lungkot pa rin ng mukha niya. “Hindi naman sa ganu’n. Kaya lang... sinabi ko naman sayo, ‘di ba-” “Pero kahit ginawa mo iyon hindi pa rin ako susuko. I will make sure na magiging akin ka!” sabi kaagad ni Gut at ngumiti nang pagkalaki-laki. Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Kumamot ulit ako sa ulo. Bipolar ba siya? Ang bilis mag-shift ng emotion. Tumingin ako kay Jared at Mark. Napailing-iling na lamang ang dalawa habang nakatingin sa amin ni Gut. Hay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD