EPISODE 2 (2)

1680 Words
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Nakahiga lamang ako sa aking kama at nakatitig sa kisameng kulay sky blue habang tumatakbo sa aking isipan ang mga nangyari kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyari ang mga bagay na iyon. Maraming tanong sa aking utak na gusto kong mabigyan ng kasagutan ngunit hindi ko naman alam kung paano. Kung paano niya ako tingnan, parang kilala na niya ako noon pa. Posible kayang kilala na niya ako? Pero kanina ko lang siya nakita at sa tingin ko rin naman ay ganoon din siya. Nagbuga ako ng hangin sa katawan. Isa pa sa iniisip ko ay ano bang nangyayari sa akin? Kung bakit ba ako naapektuhan sa tingin niya? Kung bakit ba ako naapektuhan sa pag-awit niya? Wala lang naman sa akin dapat iyon. Tumagilid ako nang higa. Napatingin ako sa alarm clock ko na nakapatong sa side table. Maga-alas-dose na. Nanlumo ako. Dapat kanina pa ako tulog pero dahil sa lalaking iyon, tsk! Muli akong tumihaya nang higa. Ipinikit ko ang mga mata ko saka pinilit matulog. Medyo naluluha pa ang mga mata ko dahil sa ginagawa ko. Pamaya-maya ay muli akong dumilat at pumikit muli. Pinilit kong matulog. ‘Dalawin na sana ako ng antok,’ hiling ko sa isip. Hindi ko nabilang kung ilang minuto na akong nakapikit. Naramdaman ko na lamang na ginugupo na ako ng antok. Pamaya-maya, sa wakas ay nakatulog na ako. Zzzzzzzzzz --- “Kumusta ka na diyan anak?” Napangiti ako. Katawagan ko si Mama habang nakatayo ako sa harapan ng malaki kong salamin at inaayos ang bangs kong wavy. Sa bandang gitna ang hati ng buhok kong kulay itim at lagpas lang ng ilang dangkal sa tenga ang haba. “Okay lang ako Ma,” sagot ko. “Inaayos ko nga ang maganda kong buhok,” sabi ko pa. Narinig ko ang pagtawa ni Mama. “Anyway, kumakain ka ba sa tamang oras? Ang pag-aaral mo, okay pa ba?” tanong niya. “Huwag kayong masyadong mag-alala sa akin Ma.” “Malayo ka sa amin anak kaya hindi namin mapigilan ng Papa mo na maramdaman iyon,” malambing na saad niya mula sa kabilang linya. “Alam mo naman na only boy ka namin kaya hayaan mo na kami na mag-alala sayo,” sabi pa niya. Napangiti ako lalo. Umalis ako sa harapan ng salamin ng matapos ako sa ginagawa at naglakad papunta sa kama at doon naupo. Nilipat ko sa kaliwang tenga at kamay ang cellphone. “Kayo ni Papa? Kumusta naman kayo diyan?” pagtatanong ko naman kay Mama. “Okay naman,” sagot ni Mama. “Pwede ko ba siyang makausap?” Hindi ko ikakaila na close naman ako sa kanila. Siyempre nag-iisa nila akong anak kaya naman nasa kanila ang atensyon ko simula pagkabata. “Sorry anak pero nasa board meeting siya ngayon. Hayaan mo kapag natapos na iyon ay kaagad ko siyang sasabihan na tawagan ka.” Marahang tumango-tango ako. “Okay, Ma.” “Mag-ingat ka parati diyan at kung may kailangan ka kaagad mo kaming tawagan.” Napatango-tango muli ako sa sinabi ni Mama. “Okay, Ma.” “I love you,” malambing na wika ni Mama. Napangiti ako. “I love you too din, Ma.” Sandali pa kaming nag-usap ni Mama bago niya ibaba ang tawag. Tumayo ako mula sa kama at inilagay sa bulsa ng suot kong itim na slack pants ang cellphone ko. Muli akong naglakad at pumunta sa harapan ng salamin saka sinipat ang suot kong uniporme. “Hay! May eyebags ako,” naiinis na reklamo ko. Napansin ko kasing nangingitim ang ilalim ng mga mata ko. Tsk! Dahil ito sa kagabi. Bwisit! Napailing-iling na lamang ako ng mariin saka hindi na pinansin ang mala-panda kong mga mata. Umalis ako sa harapan ng salamin saka pinuntahan ang bagpack kong nakapatong sa may upuan saka sinukbit iyon sa magkabila kong balikat. Nilibot ko nang tingin ang buong kwarto ko. Namamayani ang kulay puti at sky blue na mga pader. Maayos ang mga gamit ko lalo na ang kama. Nakaligpit lahat ang kalat. Napangiti ako. May naidudulot talagang mabuti ang pagiging OC. Naglakad na ako papunta sa pintuan saka binuksan iyon at lumabas. Sinigurado kong sarado ang pintuan para walang makapasok na ibang tao. Bago ako pumunta sa hagdan pababa ay tumingala muna ako. Sa ikatlong palapag kasi, doon ang kwarto nila Jared at Mark na nangungupahan din sa dorm na ito. Nagkibit-balikat ako. “Bahala na sila,” wika ko saka ngumisi. Pupuntahan ko sana ang dalawa para sabay na kaming pumasok pero dahil tinamad na akong umakyat, ako na lang ang papasok mag-isa. Hahahaha! Umalis na ako sa dorm ng hindi sila kasama. Marunong naman silang pumunta sa school. --- Naabutan kong pinupuno pa ang jeep kaya naman kaagad akong sumakay. Ilang pasahero na lang ang hinihintay bago umalis. Mabuti na lang at naabutan ko ito kundi pipila pa ako at maghihintay nang matagal. Ang init-init pa naman. Sa bandang gitna ako nakaupo. Hindi ko na inaksaya ang panahon kong tingnan ang mga katabi ko. Tinanggal ko sa pagkakasukbit sa balikat ng bagpack ko at pinatong sa hita ko. Kinuha ko ang wallet sa loob ng bagpack ko saka kumuha ng pamasahe. “Bayad po,” pasigaw na wika ko saka inabot sa katabi ko sa kanan ang pamasahe ko. Sa lahat ng nakatabi ko kapag sumasakay ako sa jeep, ito ‘yung masasabi kong napakabango. Lalaking-lalaki ang amoy at ang lamig sa ilong ng gamit niyang pabango na humahalimuyak yata sa buong jeep. Hindi ako siguro pero ako kasi, amoy na amoy ko siya dahil katabi ko nga lang siya. Tumingin sa akin iyong inaabutan ko ng bayad. Nanlaki bigla ang mga mata ko dahil sa gulat. Hindi ko naman kasi inaasahan na makikita ko ulit siya. ‘Sh*t!’ mariing napamura ako sa isip ko. Nakatingin lamang sa kanya ang mga nanlalaki kong mata. Kumunot naman ang kanyang noo at nagsalubong ang makapal na kilay niya. ‘Bakit siya nandito?’ tanong ko pa sa isipan ko. Hindi naman kasi ako makapaniwalang makikita ko siyang ulit. Totoo ang kasabihang maliit lamang ang mundo. Siya... siya ‘yung lalaking gitarista kagabi sa karaoke bar. Alam kong nagmumukha na akong tanga. ‘Yung puso ko nga, mukhang tuluyang lalabas na sa rib cage ko dahil sa sobrang bilis nang pagtibok at hindi ko maintindihan kung bakit. Bumaba ang tingin ko sa kanya only to find out na parehas pala kami ng unipormeng suot. ‘Ibig sabihin... sa school ko rin siya nag-aaral?’ pagtatanong ko sa isip ko. Kung doon nga, dapat nagkatagpo na kami kahit minsan pero hindi eh, never. O baka naman sa ibang faculty siya kaya ganu’n. Masyado naman kasing malaki ang eskwelahan para magkita ang lahat ng estudyante. May high school department pa nga. Bumalik na lamang ako sa sarili ko nang maramdaman kong inagaw niya sa akin ang pamasahe ko at inabot na niya sa katabi niya para makarating na sa driver. Sandaling nagdikit ang daliri namin at sa totoo lang, sandali rin akong may naramdamang kakaiba. Para akong nakuryente ng slight, basta, ganoon ang naramdaman ko. Muli akong napatingin sa mukha niya. Nakaiwas ang tingin sa akin kaya malaya kong nagagawa ito. Maliwanag kaya kitang-kita ko siya. Hindi ko maikakaila na may itsura nga siya. Makinis ang maputi nitong balat. Sa gilid ang hati ng buhok nitong medyo wavy lang hindi kagaya ng akin na minsan ay hindi pa sumusunod kapag sinusuklay ko at kailangan pa ng sandamukal na wax. Parang wala siyang pakiealam sa itsura niya kasi ang messy ng ayos ng buhok niya na parang hindi man lang nagsuklay pagkaalis ng bahay. Tama lang ang hugis at laki ng kanyang mukha. Mahaba ang kanyang mga pilik-mata na bumagay sa mga mapupungay niyang mata. May katangusan ang ilong at ang labi, hindi pink at hindi rin naman pula, parang pale ang kulay pero bumagay naman sa kanya. May pagkasuplado ang dating niya sa akin. ‘Sh*t!’ sabi ko sa isip ko at kaagad akong umiwas nang tingin sa kanya. Bakit ko siya tinititigan? Pucha talaga! Ano bang nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako? Mabilis na umiling-iling na lamang ako. “‘Yung mga bababa ng eskwelahan diyan!” sigaw ng driver mula sa harapan saka huminto ang jeep sa harapan ng eskwelahan. Pucha! Hindi ko man lang namalayan na napuno na pala ang jeep at umandar saka nakarating na dito. Napailing-iling na lamang ako ulit saka tatayo na sana ako sa inuupuan ko pero mabilis na tumayo at naglakad pababa ng jeep itong katabi ko kaya napaupo ulit ako. Nakasunod ang tingin ko sa kanya. Shet siya! Inunahan pa ako. Tumayo na lang ulit ako at naglakad pababa ng jeep. --- ‘Kung dito siya nag-aaral, saan kaya siyang faculty?’ tanong ko sa isipan ko. ‘O baka naman high school siya,’ sabi ko pa sa isipan ko. ‘Teka... ano bang pakiealam ko kung dito siya nag-aaral at kung saang faculty siya? Bwisit naman oh!’ sabi ko pa sa isipan. ‘Bakit ko ba siya iniisip?’ naguguluhang tanong ko pa sa utak ko. Hay! Nababaliw na nga yata talaga ako. Parang mga tanga at nagtatalo ang magkabilang side ng utak ko. May sasabihin pa sana ako sa utak ko pero may biglang kumalabit sa akin. Napatingin ako sa katabi kong si Jared na nakatingin sa akin ng nagtataka. “Anong nangyayari sayo?” bulong na tanong ni Jared. Kita sa kanya na nagtataka siya. Napailing-iling ako ng mabagal. “Wala,” bulong ko rin. “Magpokus ka sa klase. Baka mamaya mahuli ka ni Prof na tulala diyan sige ka,” bulong ni Jared. Oo nga pala nakalimutan kong nasa klase ako. Hays! ‘Yung bwisit kasi na iyon. Sh*t! Tumango-tango na lang ako at umiwas nang tingin kay Jared. Pinokus ko ang tenga ko sa pakikinig sa sinasabi ni Prof kahit na ang utak ko, lumilipad pa rin at iniisip ang lalaking iyon. Ewan ko ba, hindi siya maalis kahit pilitin kong alisin. Parang siyang linta sa utak ko. Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD