"Love me like you do, lo-lo-love me like you do. Love me like you do, lo-lo-love me like you do. Love me like you do, lo-lo-love me like you do." Tang-ina! Kanina pa ako nabibingi sa pagkanta ni Jayson. Ayos lang sana kahit paulit-ulit yung lyrics eh. Ang nakakabanas, parang pinipitpit na yero yung tono ng boses niya. Ansakit sa tenga. "s**t! Basag na ata ang eardrums ko!" Pabulong na pagrereklamo ni Jurace. "Sabihin mo yan sa kanya, wag sa akin." Sagot ko sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. "Ikaw na lang, dude." Mabilis siyang tumalilis. Tss. "Love me like you do, lo-lo-love me like you do. Love me like you do, lo-lo-love me like you do. Love me like you do, lo-lo-love me like you do! What are you waiting for? Oh wo--oh!" Bumanat na naman si Jayson. Nagulat pa ako dahil isinigaw