Chapter 16: Jarius

1674 Words

"Ano ba?! Kanina ka pa naniniksik ah?!" Asar na asar kong itinulak si Jayson palayo. "Shh! Wag kang maingay! Mamaya mapansin pa tayo nung dalawa!" Impit naman niyang bulyaw sa akin. "Gago ka ba?! Kung wala ka dito, hindi ako mag-iingay dito ngayon! Bakit ka ba kasi sunud nang sunod?!" Asar ngunit impit ko ring bulyaw sa kanya. "At ikaw, bakit kailangang ikaw din ang sumunod-sunod dyan sa kapatid mo? Bakit hindi ka na lang nag-utos?" Hirit niya. "Kinukwestyon mo ako?!" Gigil na gigil na talaga ako sa kanya. "Kung ayaw mong kwestyunin kita, wag mo rin akong kwestyunin! Pwede?!" Mukhang asar na rin siya. "Aba't putang---" akmang sasakalin ko na siya nang biglang... "Si Jessie nakatingin! Tago dali!" Itinulak niya ako sa isang tagong bahagi sa labas ng pet shop. Muntik pa akong madapa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD