Chapter 15: Jessie

1486 Words

Naiiyak na talaga ako habang pinapakinggan ang pagkanta ni Zeke. Napakalamyos ng kanyang tinig. Napakalamig sa tenga. Nakakagaan ng damdamin. Bagay na bagay sa kanya yung kanta. Bagay na bagay sa aming dalawa. Sino ang mag-aakalang ang paborito kong kanta ang maglalarawan sa sitwasyon naming dalawa? Gusto ko siya at alam kong gusto niya rin ako. Ngunit dahil sa mga pangyayaring hindi namin ginusto at napigilang mangyari, mukhang malabo na ang maging kami. Tuwing napapatingin ako sa mga mata ng 'kuya' niya na pinapanuod ang pag-awit ni Zeke, may nababasa akong damdaming hindi maipagkakaila. Pagmamahal. Pagmamahal na pilit niyang itinatago. Hindi ko na kailangan ng kumpirmasyon kay Jayson kung sino ang boyfriend ni Zeke. Ngunit mamaya, tatanungin ko pa rin si Zeke kung paano at bakit nangya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD