"NO!!!" Bumalikwas siya ng bangon sa sofa na kinahihigaan. Hingal na hingal. Kumakalabog ang dibdib. At ano ito? Bakit basa ang kanyang mga pisngi ng luha? Ang panaginip. Si Jayson! Napapikit siya ng mariin. Bakit ganun ang napanaginipan niya? Out of guilt ba yun o isang pangitain? Bumangon ang takot sa buong pagkatao niya. Bakit niya nararamdaman ito para sa taong kinamumuhian niya? Alam niyang ang takot na nararamdaman niya ay hindi para sa nangyaring kamatayan niya sa kanyang bangungot kundi dahil sa pagpapakamatay ni Jayson doon. Why is his heart stirring in pain when Jayson committed suicide in his dream? At ang isa pang nakapagtataka ay kung bakit sa panaginip niya ay mahal na mahal niya na daw ito. Is it his subconcious mind giving a sign that he doesn't hate Jayson anymore? Th