Inirapan ko siya tsaka pinilit na tumayo kahit walang tulong niya. Nakaka badtrip talaga siya, ang lakas niyang mang asar. Nang mapansin niya na tatayo ako ng magisa ay agad niya akong inalalayan at hinawakan ang braso ko pero mabilis ko yung binawi sa kanya. "Wag mo na kong tulungan. Nakakahiya naman sayo. "Inis na sabi ko sa kanya. -_- Kahit pa unti-unti ang lakad ko ay kinaya ko pa rin. "Saan ka pupunta? "Tanong niya mula sa likod ko at base sa lakas ng boses niya ay alam kong hindi niya ako sinusundan. "Malayo sayo."sigaw ko pabalik sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad, hindi ko na siya nilingon pa. Oh well... Alam ko naman talaga na hindi niya ako papasanin dahil sino ba ako diba? Empleyado lang naman niya ako. Pero kung nasa tamang pag-iisip talaga siya, diba normal l