Chapter 18

1245 Words
“Magkasintahan ba tayo? Madalas mo akong inuuwi rito tapos kapag balak kong umuwi, hindi mo ako pinapayagan, ha?” puna ko nang makapasok kami sa kaniyang condo. Alam kong may nangyari sa amin pero hindi naman dapat na ganito ang mangyari madalas. Hindi na ako natutuwa. Siya nga lang yata ang may gusto nito kung tutuusin habang ako ay magmakaawa na na pauwiin ako. May time na napapadalas kasi ang pagpunta ko rito lalo na noong katatapos lang may mangyari sa amin. Ayaw niya akong paalisin pero nagpupumilit ako. Mabuti nga at naging maluwag na siya sa akin pero ngayon bumabalik na naman. “You’re mine, remember?” bagot na sambit niya na nagpairap na lamang sa akin. Ganito ang madalas niyang sabihin. Bakit pa ako magtataka? Kagaya rin ng sabi niya, hindi na rin ako nagsusuot ng uniform ko. Nakakapanibago pero mabuti na lamang at pinayagan akong magsuot ng civilian. Simpleng puting shirt at itim na pants nga lang ang madalas kong gamitin. Noong una ay nagtataka pa ang kaibigan ko pero kalaunan ay nasanay na. Hindi rin naman kasi ako sinisita ng guard o kahit ang professors namin. Mukhang may idea na sila kung bakit hindi ako nagsusuot ng uniform. Ang dami kasing arte ni Castiel. Kung kailan na graduating na ako saka naman makikialam ’tong lalaking ’to sa buhay ko. Akala naman niya ay boyfriend ko siya para umasta siyang ganito. Nakakapikon! “Change your clothes,” utos niya sa akin habang nagtatanggal na naman siya ng damit niya. Mukhang magluluto siya ng meryenda namin ngayon. Madalas na meryenda namin ay pasta at siya mismo ang gumagawa no’n. Kapag masipag siya, from the scratch niya ginagawa ang pasta noodles pero kung minsan ay iyong mga nabibili na lamang. Humugot naman ako nang malalim na hininga at napailing na lamang sa lalaking ’to. Ewan ko ba kung bakit nagagawa niyang maging bossy kahit saan. Ako naman sunod nang sunod dahil puro siya punishment. Wala akong balak magkaroon ng punishment ulit. Kaya as much as possible talaga, sinasanay ko ang sarili ko na sundin kahit ayaw ko talaga. Dati sobrang nahirapan na ako sa ginagawa niya. Ayaw kong maramdaman ko muli ang ganoong emosyon. Halos mabaliw ako. Hindi ko nga alam kung saan ako kukuha ng lakas ko dahil sa ginagawa niya noon. Pagpasok ko sa kaniyang kuwarto, naamoy ko na kaagad ang pabango na madalas niyang gamitin. Nagkalat iyon sa kaniyang kuwarto at ultimo sa kama niya, dumikit ang amoy na iyon. Napairap na lang ulit ako at kaagad na isinara ang pinto nang sa gayon ay makapunta na ako sa kaniyang walk-in closet. Kailangan ko na ring magpalit dahil baka mamaya ay bumuga na naman ng apoy ang dragon na ’to. Sakto namang pagpasok ko sa kaniyang walk-in closet, ang tanging bumungad lang doon ay ang kaniyang mga damit. Hindi rin siya bumibili ng mga damit ko. Ang rason niya ay mas maganda raw na damit na lang niya ang gamitin ko. Ang problema ko lang, hindi ako nakakapagsuot kahit underwear man lang o bra. Paano? Malalaki naman ang brief niya. Hindi kakasya sa akin. Mabuti nga at hindi nag-aaya kahit na may morning pills na akong iniinom. Iniwan ko na rin ang bag ko roon sa kaniyang kuwarto. Saktong paglabas ko naman ay naamoy ko na ang kaniyang niluluto. Seafoods pala. Seafood boil. “Nagsaing ka na?” tangkang tanong ko sa kaniya nang makarating ako sa kitchen area. Napalingon naman siya sa aking gawi bago ipagpatuloy ang paggigisa ng bawang at sibuyas para sa sauce niya. Butter ang madalas niyang gamitin sa paggisa. Medyo nakakaumay nga kaya kung minsan ay gumagawa siya nang sarili kong sauce, iyong may halong gochujang paste? Ganoon. Siya na mismo ang nagtitimpla dahil alam naman na niya kung anong lasa talaga ang gusto ko. Ang niluluto kasi niya ngayon, hindi na basta meryenda lang. Parang meal na. Kaya tinanong ko talaga kung nakapagsaing na siya. As usual, naka-topless na naman ’tong lalaking ’to habang nagluluto. Hindi na rin siya nagsuot ng apron dahil bukod sa sagabal daw, hindi rin naman daw siya sanay. Saglit lang din naman niyang lulutuin ang sauce. Mabilis lang din niyang pinakuluan ang mga seafood. Kapag kasi bumibili siya ng seafood, nalinisan na niya iyon bago ilagay isang container na may mga pangpalasa na. Ultimo ang pagluluto niya ng steak, marinated na rin iyon sa isang plastic na naka-seal kaniyang fridge at magluluto na lang ang kaniyang gagawin kung sakali man na iyon nga ang matipuhan niyang kainin. “Yes,” sagot niya na ikinataas naman ng kilay ko. Right! Bakit ko ba nakalimutan? Minsan may nagpupuntang chef dito sa kaniyang condo para magsaing o hindi kaya ay mag-prepare ng mga pagkain kung busy siyang sumunod sa akin. Bantay nang bantay tapos hindi niya magawang makapag-prepare ng pagkain dahil nga madalas siyang nakabuntot. Akala naman niya ay mawawala ako sa kaniyang paningin. “Kailan mo ba ako balak pauwiin?” tanong ko sa kaniya. Halos maging live in na kami dahil sa kalokohan niya. Kulang na lang ay manirahan ako rito 24/7. Binilhan pa nga niya ako ng mga libro na related sa subject ko. Kaya nakakapagbasa ako minsan at advanced ako sa mga lesson namin. Hindi naman siya nagiging makulit kapag alam niyang busy ako sa pagsusunog ng kilay dahil kahit siya, busy rin sa pagbabasa ng mga document. Saka lang siya nakakapagtrabaho kapag nandito na ako sa condo niya. Kapag wala naman ako, siyempre sasama iyan kung nasaan ako. Feeling bodyguard, eh. Kagaya ngayon, feeling naman niya alalay siya. Kung makapagbalat kasi ng seafood at ibigay sa akin ang laman ay parang hindi ko kayang gawin iyon. “Kaya ko naman,” pigil ko sa kaniya. Hindi ko masipsip iyong ulo ng shrimp dahil siya ang nagbabalat. Gustong-gusto ko pa naman ang ulo dahil nandoon iyong pula. “Hindi naman na kailangan.” “Let me,” saad niya at naglagay na naman ng katawan ng shrimp sa aking plato. Mas lalo naman akong naasar dahil kahit pa sabihin na maayos naman ang pagkakabalat niya, hindi ako nakakapag-enjoy! “Castiel, hindi ako makapag-enjoy kumain,” reklamo ko lalo na nang naglagay na naman siya ng laman ng tahong sa aking plato. “Ako na kasi ang magbalat siya shrimp.” Hindi na nga siya nakakakain nang maayos dahil puro siya pag-aasikaso sa akin tapos sasabihin niyang hayaan ko siya? Loko-loko talaga kahit kailan. Kapag alam naman niyang kaya kong magbalat ng mga ganito, sana hinahayaan na lang ako. Naiintindihan ko naman na nag-e-effort lang siya at ibinibigay niya iyong queen treatment daw pero hindi naman na kailangan. Para namang ginawa ko siyang alila nito. “Shut up or I’ll kiss you?” napipikon na tanong niya sa akin. Minsan na nga lang siya magsalita, iba pa ang tabas ng dila niya. Napairap na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko na rin siya pinansin pa hanggang sa matapos kaming kumain at busy na naman ako sa pagbabasa ng libro. Ultimo naman siya, busy rin sa kaniyang mga document na binabasa. Minsan nga ay nagtitipa siya sa kaniyang laptop keyboard pero minsan din naman ay may katawagan siya. Madalas nga lang ay secretary niya. Tinatanong niya kasi kung bakit may mga document na hindi siya aware. Kaya napapagalitan niya ito nang wala sa oras. “Cancel all my meetings tomorrow,” huling sambit niya bago patayin ang tawag. Hinilot naman niya ang kaniyang sintido at napailing na lamang.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD