Smith Point of view “Daddy!” Pabukas ko palang ng pintuan ay ang matinis na boses ng apat na taong gulang kong anak na si Micha ang sumalubong sa akin. Kasalukuyan siyang tumatakbo patungo sa aking direksyon kaya mabilis kong ibinuka ang aking mga braso. Mabilis itong lumundag at nagpakarga sa akin. Pinupog ko ng halik ang matambok nitong pisngi at parang sanggol na binuhat ko ito. “So, how’s my little Princess?” Malambing kong tanong sa aking anak. Napangiti ako ng yumakap siya sa akin at naglalambing na isinandig ang ulo nito sa aking dibdib. “I miss you so much, Daddy...” anya ng maliit niyang tinig. Parang may kung anong damdamin ang humamplos sa puso ko kaya kinintalan ko siya ng isang banayad na halik sa ulo. “I miss you too, Princess. Where’s your mommy?” Nagtataka kong tanong n