“Hindi na mabilang kung ilang beses akong umikot sa harap ng salamin. Bawat anggulo ng aking katawan ay sinusuri kong mabuti. Maya-maya ay napangiti ako ng makuntento na sa ‘king itsura. Tulad ng nais ni uncle Smith ay may pagka-conservative ang suot ko ngayon ngunit bakas ang magandang hubog ng aking katawan. Sa suot kong white long sleeve at light brown na slack na pinarisan ko ng hazel pointed toe heels ay siguradong mukha pa rin akong kaaya-aya sa paningin ng lahat. Kasing ganda ng panahon ang pakiramdam ko na para bang nakalutang sa lapaap ang aking mga paa. Excited na sumakay sa aking kotse at kumakanta pa ako habang nagdadrive. Kanina pa hindi nawawala ang ang magandang ngiti sa aking mga labi na tila umaasa ako ng isang magandang pangyayari na magaganap ngayong araw. Kung noon ay