Nahinto sa kanilang mga ginagawa ang lahat dahil sa pagpasok ng isang magandang babae mula sa pintuan ng conference room. Agaw pansin ang magandang hubog ng katawan nito na halos ikaawang ng mga bibig ng lahat ng kalalakihan na kasalukuyang mga nakaupo palibot sa mahabang lamesa. Suot ng dalaga ang maikling itim na palda na halos umabot lang sa kalahating hita nito. Habang ang malusog niyang dibdib na wari mo ay tulad sa puwet ng bata ay halos lumuwa sa hapit niyang itim na blazer. Nagmukha tuloy siya na isang modelo kahit na isang simpleng pang-office attire lang naman ang kanyang suot. Umikot ang mga mata ni Miguri sa kabuuan ng silid hanggang sa huminto ito sa i-isang tao lamang na nais makita ng kanyang mga mata. Sakto naman na nag-angat ng kanyang mga mata si Smith at napako ang tin