Shirlie’s Point of view “Oh, my god! Ikaw ba ‘yan Shirlie?” Tuwang-tuwa na sabi ng kaibigan kong si Jessy. Halos isang taon na hindi kami nito nagkita kaya talagang nanibago kami sa itsura ng isa’t-isa. Masaya kaming nag yakap at halos mag-sigawan habang nag-uusap dahil napaka ingay ng buong paligid. Nangingibabaw ang malakas na tugtugin. Ang mga bisita ay pawang mga naka swimsuit at tranks dahil ang event na ito ay isang pool party. Makikita sa mukha ng bawat isa na labis na nag-eenjoy ang mga ito. “I’m sorry if I’m late, nagkaroon pa kasi ng meeting sa school.” Hinging paumanhin ko sa aking kaibigan. Isa kasi akong Teacher sa isang private school kaya masyado akong busy dahil sa dami ng subject na hawak ko. “It’s okay, masaya na ako dahil kahit papaano ay hindi mo ako ininjan!” Natata