“Pasensya na Sir, pero ayaw ni Miguri na lumabas ng kanyang kwarto, pinapasabi rin po niya na huwag na raw po kayong babalik dito.” Malungkot na sabi ng babaeng ka-roommate ng pamangkin ko habang sinasabi ito sa akin ay hindi maalis ang mga mata niya sa mukha ko. Isang matamlay na ngiti ang lumitaw sa bibig ko dahil nakikita ko sa kanya si Miguri kung paano ako nito titigan na puno ng paghanga. Pero ang mga mata ni Miguri ay kakaiba sa lahat dahil sa tuwing tumititig siya sa aking mga mata ay tila hinihigop niya ang lahat ng lakas ko. Labis kong kinabigla ang pag-amin ng totoong saloobin nito ukol sa akin. Sa totoo lang ay magaan ang loob ko kay Miguri at gusto kong makuha ang loob niya ngunit hindi ko inaasahan na mamahalin ako nito ng higit pa sa isang uncle. Frustrated na bumalik ako