“Miguri kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka lang? Napapansin ko na ilang araw ka ng matamlay.” Nag-aalala na tanong sa akin ng kaibigan kong si Rina. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa ilalim ng malaking puno ng akasya. Vacant period namin ngayon kaya dito muna kami tumambay, after fifteen minutes din naman ay uwian na. “Oo naman, okay lang ako, nakakalungkot lang dahil malapit na ang graduation natin.” Pagsisinungaling ko sa kanya, wala itong alam sa totoong damdamin ko para sa aking uncle. Malihim akong tao dahil gusto ko na pribado ang buhay ko. Mahirap ang maraming nakakaalam, katulad na lang ng matinding kahihiyan na inabot ko sa harap ni uncle Smith. Nang dahil doon ay tuluyan na akong nawalan ng tiwala sa sarili ko, na para bang kahit walang alam ang mga taong kaharap ko ay pakira