Chapter 14

1693 Words

“Hi, Miguri.” Mabilis akong nag-angat ng mukha nang marinig ko ang tinig ni Timmy. Bahagya siyang nakasilip sa pintuan habang nakapaskil ang magandang ngiti mula sa bibig nito. “Oh, hi Timmy, tuloy ka.” Nakangiti kong paanyaya dito, mabait si Timmy at sa loob ng isang linggo ay nakapalagayan ko ito ng loob. Masasabi ko na disiplinado itong tao at higit sa lahat ay malambing. Matanda lang siya sa akin ng limang taon kaya magkasundong-magkasundo kaming dalawa. Madalas siyang dumaan dito sa aking opisina sa tuwing may kailangan siya kay Uncle, kung minsan naman ay alam ko na ako talaga ang sadya nito. “Naistorbo ba kita?” Anya sa malambing na tinig. Sa totoo lang ay natutuwa rin ako sa binata dahil kaya niyang unawain ang kakaiba kong ugali. Kaya kung tutuusin ay hindi siya mahirap mahalin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD