Apology
Sinilip ko ang pinto bago lumabas. Baka kasi nandito na naman ang sasakyan ni Tanda at ihatid na naman ako. Tulad ng sabi ko kagabi, ayoko ng magkaroon ng koneksyon sa kaniya dahil sa ginawa niya. Sabihin ko mang gusto ko siya bilang kaibigan, wala pa rin akong tiwala sa kaniya dahil hindi ko pa naman siya kilala.
I don't trust my friends.
Dahan-dahan akong naglakad paalis. Nakatingin pa ako sa likod ko dahil baka sinusundan niya ako nang may bumangga naman sa 'kin sa harapan.
"Ano ba naman 'yan!" sigaw ko dahil sa gulat.
Pagtingin ko naman sa harap ko ay nakatingin sa 'kin ang landlady ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi si Tanda ang nakabungguan ko.
"Ano ba 'ng ginagawa mo, Shawnna? May pinagtataguan ka ba?" tanong naman niya habang nakatingin sa likod ko pero wala naman siyang nakita.
"Wala naman po." Tumawa ako nang peke at saka nagkamot ng ulo. "Pakiramdam ko kasi ay may sumusunod sa 'kin kaya medyo natatakot ako," pagsisinungaling ko sa kaniya. Ayoko namang sabihin na iniiwasan ko si Tanda dahil baka kung ano pa ang isipin niya.
"Ganoon ba. Sige, mag-ingat ka lang. Huwag ka na lang gagabihin sa pag-uwi saka huwag ka pupunta sa walang taong lugar."
Nagpaalam na ako matapos niya sabihin iyon at nagpasalamat. Kahit naman pala ganito ang mundo ng mga tao ay hindi pa rin talaga mawawalan ng mga taong may malasakit sa kahit hindi nila kamag-anak. Minsan talaga init lang ng ulo ang dahilan kung bakit sila nagagalit.
Sino ba naman kasi ang hindi magagalit kung hindi ka pa nagbabayad ng upa mo?
Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa gate ng school namin. Akala ko ligtas na ako dahil malapit na ako sa school pero mukhang wala talaga siyang balak na tigilan ako.
"Iniiwasan mo ba ako, Bata?" seryosong tanong niya. Nakatayo siya ngayon sa harap ko at suot pa rin niya ang unipormeng nagpapaalala sa 'king hindi ako ang priority niya kundi ang trabaho niya.
"I am not," tugon ko sa kaniya at tinapatan ang mga titig niya. Hindi ako magpapaapekto sa mga tingin niya ngayon dahil galit ako sa kaniya.
"Yes, you are. Nakita kita kanina," aniya.
"E 'di nakita mo. I don't care." Nilagpasan ko naman siya at saka akmang papasok sa school namin.
Hinawakan niya naman ang kamay ko para pigilan ako. Tiningnan ko naman ang kamay niya at saka niya ito binitiwan.
"You're not on your usual self today, Bata." Hindi ko siya pinansin at tiningnan ko lang siya nang seryoso. Hindi ba niya mahalatang galit ako sa ginawa niya kagabi? Nakaka-stress ang lalaking ito, a?
"I am on my usual self, SPO2 Vicente Santos. Ikaw yata ang wala sa sarili mo."
Nagtitigan pa kami nang ilang sandali hanggang sa mapabuntong-hininga siya. Tinalikuran ko na siya pero bigla na naman niya akong hinawakan upang pigilan.
Handa na sana akong sigawan siya pero pinutol niya ako. "I'm sorry."
Medyo napatigil ako dahil sa ginawa niya. Hindi ko inaasahang iyan ang sasabihin niya. "Sorry for what?" tanong ko kahit alam ko naman kung tungkol saan.
"Tungkol sa nangyari kagabi. For not telling you. Alam kong nagalit ka sa 'kin," aniya.
"It's fine. At least walang nangyaring masama kay Ms. Pangil." Seryoso pa rin ang mga tingin ko.
Mula sa pagiging seryoso ng mukha niya ay bigla iyong lumambot na para bang nag-aalala. "Ayos ka na ba? It's not an ordinary gun, maaari kang ma-paralyze sa ginamit nilang baril kagabi."
"You don't have to worry. Hindi naman ako tao kaya hindi mo kailangang mag-alala. It's just a human weapon, after all."
"You're still angry. Hindi pa ayos."
"Ano naman sa 'yo kung magalit ako?" tanong ko, natawa pa nang pagak dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa pagpapaawa niya ngayon.
"Ako ang may kasalanan at sa akin ka galit."
"So?"
"So – "
Hindi na niya natapos ang sinasabi nang marinig namin pareho ang tunog ng bell sa school hudyat na magsisimula na ang klase.
"I need to go," sabi ko.
Wala na naman siyang nagawa kung hindi ang hayaan na ako dahil kailangan kong mag-aral pero may pahabol pa siya. "I'll give you an offer! You help me capture that vampire, then I'll let her drink your blood."
"No."
"Why not?"
"I can handle her myself."
Hinayaan na niya talaga ako this time. Hindi ko na siya nilingon dahil kailangan ko talagang mag-aral. Marami kasi akong natututunan dito tungkol sa mga tao lalo na sa math. Medyo komplikado ang bagay na iyon pero na-eenjoy ko naman.
Sa buong araw ko sa school ay wala ako sa sarili ko. Nagtataka kasi ako sa ikinikilos ko ngayon. Bakit parang ang big deal sa akin ng ginawa ni Tanda kahit na ligtas naman si Ms. Pangil? Dati naman ay hinahayaan ko na lang at pinapatawad agad ang mga nagkakaroon ng kasalanan sa 'kin.
Kaya ito ako ngayon, tinatanong ang sarili ko kung ano na naman 'tong problema ko. Kailangan ko na sigurong kalimutan ang nangyari kagabi.
"Okay ka lang ba, Shawnna? Kanina ka pa kasi tulala," tanong ni Brixther.
Napatingin ako sa paligid. Nandito na kami sa cafeteria at nakatingin na silang tatlo sa 'kin na parang nagtatanong. Kanina pa kasi ako tahimik dahil na rin sa mga iniisip ko.
"Ayos lang ako. Hindi lang kasi maayos ang pakiramdam ko simula kagabi," sabi ko na lang.
"Dapat hindi ka na pumasok para makapagpahinga ka," ani Rachel.
"Ayos lang naman ako, kaya ko pa. Medyo napagod lang siguro ako ngayong araw."
"Tara na? Hatid ka namin sa apartment mo. Doon din kasi kami dadaan papuntang mall," ani Brixther na may malapad na ngiti.
"Sige, tara?" yaya ko sa kanila at saka kinuha ang bag ko.
Nagsimula na kaming maglakad. At talagang malaki ang pasasalamat ko dahil sumama ako sa mga ito pauwi sa apartment ko dahil nandito pa rin si Tanda. Wala man ang sasakyan niya ay naka-uniporme pa rin siya. Marami ang nakatingin sa kaniyang estudyante dahil gwapo nga kasi siya.
Iniwas ko na lang ang tingin ko at medyo dumikit kay Brixther na tahimik lang. Mukhang excited nga ang kambal dahil matagal na raw noong huling nakapunta sila sa mall at nakapag-shopping. Dati raw kasi ay pumupunta lang sila para magtingin-tingin.
"Okay ka lang ba talaga?" tanong ulit ni Brixther.
"Medyo nahilo lang ako," pagsisinungaling ko na naman.
Inakbayan na lang niya ako para alalayan kahit na hindi naman talaga ako nahihilo. Sinabihan niya rin ang kambal na bilisan dahil kailangan ko nang magpahinga. Hindi ko maiwasang mamangha kay Brix dahil napaka-gentleman niya. Kung ganito lang sana ang mga lalaki sa mundo, e 'di ayos!
Nang makarating sa apartment ay pinapasok ko muna sila saglit para painumin ng tubig.
"Malaki naman pala itong apartment mo para sa 'yo lang," ani Rochelle habang naglilibot sa loob.
"Wala ka bang ibang kasama rito?" tanong naman ni Brix.
"Wala na akong pamilya," sabi ko. Totoo naman kasi ito. Wala na ang aking ama at ina, wala rin naman akong kapatid kaya mag-isa na lang ako. Si Luke naman iyong parang butler at kaibigan ko kaya hindi ko siya kamag-anak. Malapit lang ako sa kaniya.
"Sorry, natanong ko pa."
"Ayos lang. Matagal na rin naman iyon," sabi ko.
"Sige. Mauna na kami, Shawnna. Baka kasi gabihin kami. Baka kung mapaano itong kambal."
"Okay. Ingat kayo, guys!" Kinawayan ko sila.
Inihatid ko sila palabas ng apartment at saka nagpaalam sa kanila. Agree naman ako dahil baka nga gabihin sila.
Isasara ko na sana ang pinto nang may biglang kamay na humarang doon. "Aray!" daing niya pero hindi ko pa rin tinanggal ang pinto.
"Ano na naman ba ang kailangan mo? Sinabi ko na naman, 'di ba? Hindi ako pumapayag sa offer mo dahil kaya ko si Ms. Pangil nang mag-isa."
"Pero mas magiging madali iyon kapag kasama mo ako."
"No way! Baka nga maging sagabal ka pa sa pag-uusap namin."
"Pwede mo bang buksan muna ang pinto para makapag-usap tayo nang maayos?" tanong niya.
Napairap na lang ako dahil ayoko talaga. Baka kasi mapapayag pa niya ako nang wala sa oras.
"Ayoko. Umuwi ka na kasi nag-aaksaya ka lang ng oras mo rito. Gawin mo na lang ang trabaho mo."
"But, I am doing my job."
"Wala ka nang mapapala sa 'kin kaya umalis ka na. Please!"
Nakita kong unti-unti niyang tinanggal ang kamay niya mula sa pagkakaipit. Nang tuluyan na niyang matanggal ay nagawa ko nang isara ang pinto nang tuluyan. Ganoon na lang iyon? Ang bilis naman niyang sumuko. Hindi man lang nag-effort!
Napabuntong-hininga na lang ako. Ito na naman ako! Para na tuloy akong tao kung umasta.
"Aalis ako ngayon..." Nagitla ako nang marinig ko siyang magsalita sa likod ng pinto. Akala ko kasi ay tuluyan na siyang umalis. "Pero hindi ako titigil hangga't hindi kita napapapayag."
Matapos iyon ay hindi ko na talaga siya narinig pa. Binuksan ko ang pinto nang bahagya at hindi ko na siya nakita roon. Napabuntong-hininga na naman ako at isinara iyon.
Bakit ba kasi ako pa ang kinukulit niya? Kung tigilan na niya ako ay magagawa naman niya ang trabaho niya nang maayos. Nagagawa na nga niya noon, ngayon pa kaya?
Hindi ko naman kasi kayang gawin ang sinasabi niyang offer. Ayoko ngang ibigay si Ms. Pangil sa mga pulis dahil gusto ko siyang tulungan. Kung tatanggapin ko ang offer ng pulis na ito ay para ko na ring ipinagbenta si Ms. Pangil sa kanila. Who knows what they want to do with her!
Hindi ko na masyadong pinansin pa ang mga nangyayari dahil ako lang ang mai-stress. Bahala na siya sa kung ano ang gagawin niya basta hindi ako dapat pumayag.
Matapos kong magbihis ay dumeretso na ako sa shop para sa trabaho ko. Nakita ko si Ken na nasa cashier at malapad ang pagkakangiti sa akin.
"Good afternoon, Shawnna!" masiglang bati niya.
"Good afternoon, Ken. Si boss?" tanong ko.
"Nandoon siya sa loob," aniya.
"Ah sige. Salamat."
Agad akong nagtungo sa loob upang makausap siya. Nakaupo naman siya sa silya niya at may tina-type sa isang laptop.
Napatingin siya sa 'kin nang mapansing may pumasok sa office niya. "Lady Shawnna," pagbati niya sa 'kin.
"Magandang tanghali rin," tugon kong medyo sarkastiko. Hindi naman siya sumagot at tiningnan lang ako na parang humihingi ng tawad. "Gusto ko lang sanang humingi ng tulong sa 'yo, Joseph."
"Sure, ano ba iyon?" tanong niya. Hindi na siya tulad kanina na tinuturing na naman akong reyna. Yes, just like that.
"Gusto kong tulungan mo akong i-track ang bampira na iyon."
"You mean, aalamin ko kung saan siya nagtatago?" Tango lang ang sinagot ko sa kaniya. "Matagal ko na itong ginagawa, Shawnna. At sa tinagal kong ginagawa ay isa lang ang masasabi ko. Palipat-lipat siya ng lokasyon para na rin maiwasan ang mga mga pulis na humuhuli sa kaniya."
"Ah... so, nasaan na siya ngayon?" tanong ko naman sa kaniya.
May kinalikot siya sa laptop niya at ilang sandali pa ay may binabasa na. "Sa ngayon, nasa isa siyang kalye sa Santan st. Kung aalamin ko ang lugar na tinatahak niya ay papunta ito sa... gubat?" medyo patanong pang sabi niya.
Sinilip ko naman ang tinitingnan niya at hindi iyon ordinaryong mapa lamang dahil may gumagalaw na maliliit na mga bilog doon – parang tracker. Puro iyon kulay pula ngunit may isa roon ay kulay asul. Kung tama ako ay ito si Ms. Pangil.
"Ano naman ang ginagawa niya sa gubat?" tanong ko.
"Pwedeng ang lugar na iyon ang kasalukuyan niyang hide out," aniya.
"Ang weird naman. Bakit naman sa gubat niya napili?"
"Para siguro maiwasan ang mga pulis."
"Pwede rin. Pero hindi ba niya naisip na masyadong matatalino ang mga tao? Pwedeng unahin nila ang mga lugar na imposible niyang pagtaguan."
"Wala rin akong ideya."
Saglit pa kaming natahimik at pinanood kung saan papunta ang kulay asul na bilog. Hindi nga kami nagkamali at sa gubat ito nagtungo. Nang makaapak siya sa gubat ay biglang nawala ang bilog. May kung anong pinindot si Joseph at biglang lumipat ang screen. Muli kong nakita si Ms. Pangil.
"Where's that?" tanong ko.
"In the middle of the forest."
"Posible kayang may tumutulong sa kaniya?"
"Posible iyon pero hindi tayo sigurado," tugon niya. "Pupuntahan mo ba siya?"
Napatingin ako sa kaniya nang dahil sa tanong niya. "Malamang Joseph. Kaya ko nga pinahanap sa 'yo."
"Pagkatapos niyon? Ano 'ng mangyayari?" tanong ulit niya.
Hindi ko maiwasan ang hindi mapabuntong-hininga dahil sa mga tanungan niya. "Magiging ayos na ang lahat, pagkatapos nito. Ano pa 'ng gusto mong itanong?"
"Wala na," aniya habang umiiling.
"Sige, magtatrabaho na ako. Baka sabihin mo binabayaran mo ako pero hindi ko naman ginagawa ang trabaho ko."
"Hindi ko sasabihin iyon."
"I know."
Pagkalabas ko sa office niya ay nakita ko si Ken na abala na sa mga customers. Nang matapos ang isang customer ay isa na naman ang lumapit.
"Ano po ang sa inyo?" tanong ko habang nakangiti.
"Ahm... blueberry chessecake and a latte," aniya habang nakatingin sa mga binebenta namin. Napatingin naman ako kay Ken na biglang natigilan sa tabi ko. "Uyy! Blueberry cheesecake raw saka latte!" medyo pasigaw na sabi ko sa kaniya.
Medyo napapitlag siya dahil sa pagsigaw ko. "A-Ah! Ito na nga. Right away, Ma'am!" bigla niyang bulalas. Ang weird naman ng lalaking iyon.
Tinuon ko ang pansin sa babaeng customer nang magsalita siya. "Mukhang na-mesmerize yata sa ngiti mo, Ate," aniya.
"Huh?" tanong ko, bahagyang nakakunot ang mga noo.
"Nakatingin siya kasi sa 'yo habang nagsasalita ka. Baka nagandahan sa 'yo!" aniya sabay tawa pa.
"Hindi rin! Nakakatakot kaya akong ngumiti," sabi ko.
"Hindi 'no! Akala mo lang iyon. Mas maganda kasi kapag tunay ang ngiti mo, mas attractive."
Medyo napatigil ako sa sinabi niya. May naalala kasi akong tao na nagsabi sa akin nito. Umiling na lang ako at kinalimutan iyon. Paano kaya ako nakakangiti nang ganito? Hindi naman siya ang dahilan.