8
The Queen is back
Shawnna Gaile Arcinue
"Inosente?" tanong niya. Ramdam ko ang poot sa tono ng kaniyang boses kaya tumahimik ako upang makinig. "Kahit kailan, hindi sila naging inosente sa paningin ko."
Napatango ako dahil sa sinabi niya. Mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ko.
"Sinisisi mo sila. Ganoon ba?" tanong ko at ibinalik na ang mga mata sa dati.
Itinayo ko ang timba sa harap ko at saka doon umupo. Mukhang mahaba-habang usapan ang mangyayari sa aming dalawa nito. Inutusan ko si tanda na maupo rin na ginawa naman niya. Tumabi siya sa 'kin habang nakataas pa rin ang baril. Talk about braveness.
Bravo, Tanda! Bravo!
"Wala namang dapat na sisihing iba kung hindi sila lang. Sila ang umubos sa mga tulad ko!" nakasigaw pa ring tugon niya. Nanlisik lalo ang mga mata niya nang mapansin si Vicente sa tabi ko pero wala naman siyang ibang ginawang hindi maganda.
"Nasisiguro mo bang mga tao nga ang gumawa nito sa 'yo? Sa mga kauri mo?" tanong ko. Hindi naman kasi ako makapaniwala. Normal na tao lang sila samantalang ang lalakas ng mga bampira. Imposibleng ang tao ang uubos sa kanilang lahi.
"Sinasabi mo bang nagkakamali ako? Sigurado ako! Naging bihag din nila ako kaya alam ko. Ang amoy ng mga dugo nila, kilalang-kilala ko. Amoy na amoy ko! Ang dugo na nananalaytay sa kanila, sa mga katulad niyang kasama mo!" aniya sabay duro kay Vicente.
Mukhang hindi na nasindak pa si Tanda dahil kalmado na rin siya. Nakikinig lang sa kung ano ang sasabihin ni Ms. Pangil. Ito lang naman sa tingin ko ang kailangan niya – ang mapaglalabasan ng sama ng loob.
"Vampire hunters," bulong ni Vicente sa tabi ko. Narinig din iyon ni Ms. Pangil kaya naman sinugod niya si Tanda.
Bago pa man niya mahawakan si Tanda ay agad umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril. Hindi lang iyon, kasunod niyon ay ang sunod-sunod na tunog ng sirena ng pulis – katulad ng tunog ng sasakyan ni Tanda.
Tiningnan ko si Tanda at kasalukuyan na siyang may hawak ng iCom – iyong ginagamit ng mga pulis na parang telepono.
"Target here. Simulan ninyo na," sabi niya, seryoso ang tono ng boses habang nakadikit ang iCom sa kaniyang labi. Hindi siya makatingin sa 'kin nang deretso.
"Ano 'ng ibig sabihin nito, Tanda!" sigaw ko sa kaniya, nanlilisik ang mga mata habang nililibot ang tingin sa paligid.
"I'm doing my job, Shawnna."
"Hindi mo 'to sinabi sa 'kin. How dare you!" bulalas ko pero hindi na niya ako sinagot pa.
Ilang minuto pa ang nakalipas at naramdaman ko agad ang presensiya ng mga tao sa itaas ng tunnel, lahat sila ay nakatutok ang mga baril kay Ms. Pangil. Galing sila sa likod namin kung saan kami pumasok ni Tanda. Ngayon ko lang din napansin ang mga hagdan dito sa loob ng buong tunnel.
Ayon naman sa hugis ng kanilang mga hawak na baril ay hindi ito ordinaryo. Sa tingin ko ay iyon ang mga baril na may injections sa loob na pwedeng makapag-paralyze sa mga bampira. Hindi ako maaapektuhan niyon pero alam kong masakit pa rin ito para sa aming mga demonyo.
Tss! Such a pain in the ass.
"Fire!" rinig kong sigaw ng isa sa kanila.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Agad akong nag-teleport kay Ms. Pangil at niyakap siya. Ibinagsak ko siya sa sahig at dinaganan upang ako ang tamaan ng mga bala.
Tunog lamang ng baril ang maririnig namin sa tunnel na iyon. Samantalang ramdam ko naman ang sakit ng bawat pagbaon sa akin ng mga bala sa likod ko.
"Cease fire! Cease fire!" rinig kong sigaw ni Tanda sa kanilang lahat pero nakita ko ang umaagos na dugo sa sahig. Hindi ako gumalaw dahil imposibleng mabuhay pa ang isang tao sa ganitong lagay.
Hanggang huli talaga ay pagiging tao pa rin ang iniisip ko. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko!
"Ialis mo na ako rito. Bilis!" bulong ko kay Ms. Pangil na agad naman niyang sinunod. Gamit ang kaniyang liksi na hindi niya nagamit kanina dahil sa gulat, napunta kami sa isang tago at abandunadong gusali, malayo sa mga sakim na pulis na iyon.
Agad akong tumayo at medyo lumayo sa kaniya. Naramdaman ko na naman ito. Ang kakaibang daloy ng panibago kong dugo. Ito na siguro ang pinakamasarap na pakiramdam sa lahat para sa 'kin. Para akong nasa langit!
"Argh!" Pinigilan ko ang mapasigaw dahil hindi ako sigurado kung may mga tao nga bang nagpupunta rito.
Ilang minuto pa akong nagpigil ng sigaw hanggang sa lumabas na ang mga pakpak ko. Ang mga pakpak na matagal ko nang itinatago. Ang pakpak na lumalabas lamang kapag ginusto ko. Ang mukha ko ay namula rin, lumabas ang sungay ko sa pinakamahaba nitong anyo at ang mga mata ko ay namula rin.
Nang matapos ay umupo ako sa isang gilid at pumikit. Masyado akong nasasabik kaya kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Tumataas din ang tensyon sa loob ko na para bang may gustong kumawala roon. Paulit-ulit akong huminga nang malalim upang pakalmahin ang mabilis na t***k ng puso ko.
Isa pa iyong ginawa ni Tanda kanina. Hindi ako makapaniwala sa kaniya! Gusto ko siyang saktan pero hindi ko naman magawa. Ang akala ko pa naman kasi ay iba siya sa mga taong kasama niya kanina. Hindi ko na talaga alam!
"Hindi ka tao," biglang sabi ni Ms. Pangil sa tabi ko. Nakayuko pa rin siya kaya hindi ko siya makilala pero parang pamilyar ang boses niya ngayong kalmado na ito. "Y-You're Queen Shawnna, right?" tanong niya.
Napakasikat ko naman pala talaga at nakilala pa niya ako.
"What if I tell you I am?" tanong ko sa kaniya habang nakangisi pero hindi pa rin niya ako tinitingnan sa mga mata.
"T-Then, thank you."
"You should come with me." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi na ang pakay ko sa kaniya.
"I can't. I'm sorry." At bigla na lang siyang nawala sa paningin ko. Hindi ko na rin siya maramdaman kaya hindi ko na siya sinundan. Hindi ko naman siya mapipilit lalo na't nangyari ito ngayon. Panira talaga ng plano si Tanda! Bwisit!
Napasalampak na lamang ako sa isang gilid dahil hindi man lang niya ako hinayaang magpaliwanag. Gusto ko lang naman siyang tulungan pero mukhang mahihirapan rin naman ako dahil nakita niya ako kanina. Kasama ko si Tanda. Sa tingin ko ay iyon ang dahilan. Baka akala niya nakikipagtulungan ako sa mga tao para mahuli siya.
That'll never happen.
Alam kong may rason si Tanda kaya niya ginawa iyon pero naiinis pa rin ako sa kaniya. Dapat sinabi niya sa 'kin ang plano niya.
Tapos may plano pa yata silang i-m******e si Ms. Pangil. Kahit na ba pang-paralyze lang iyon ay may mga bumaril din kay Ms. Pangil gamit ang tunay na baril. Kaya ganoon na lang ang nangyari sa 'kin. Gusto ko na lang magpasalamat dahil tinulungan nila ako.
Umuwi na ako. Hinayaan ko na si Ms. Pangil dahil may tamang oras naman para ipaliwanag ko sa kaniya ang gusto kong sabihin. Kailangan ko ring gumawa ng paraan para maiwasan si Tanda dahil ayoko na siyang isama sa kahit anong plano ko.
Kailangan kong tulungan si Ms. Pangil pero dahil kay Tanda ay hindi ko magagawa iyon. Mga tao talaga! Kahit na ano 'ng gawin mo, ganoon pa rin talaga sila. Gagawin ang lahat para sa mga sarili nila. Gusto lang talaga niyang ma-promote o kung ano. Iyon naman kasi ang mga trabaho nila. Pero hindi ko talaga siya masisi nang buo dahil alam kong nag-aalala lang siya sa kapakanan ng mga tao sa paligid niya.
"What the hell happened to you!"
Pagbukas ko pa lang ng pinto ng apartment, si Joseph na agad ang bumungad sa harap ko. Nagulat pa ako dahil hindi ko inaasahang makakapasok siya sa loob. Mukhang nagulat din kasi siya sa lagay ko. Kahit wala na ang mga sugat ko sa katawan, nandito pa rin ang mga dugong hindi ko pa rin natatanggal.
"Ano 'ng ginagawa mo rito?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin at agad akong nilapitan.
"Ano 'ng nangyari sa 'yo, Mahal na Reyna? Nalaman ba nila kung ano ka? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya pero hindi ko rin siya sinagot.
"Sagutin mo muna ang tanong ko, Joseph. Ano 'ng ginagawa mo rito? Anong oras na?" tanong ko sabay tingin sa orasang nakasabit sa pader.
Medyo napatigil pa siya at parang pinagtatagpi-tagpi pa ang dapat sabihin sa utak niya. "May naramdaman kasi akong kakaiba. Na parang may mangyayaring hindi maganda kaya pumunta ako rito para malaman kung ayos ka lang. At mukhang tama ang pakiramdam ko dahil ganiyan ang lagay mo. Ano ba 'ng nangyari?" tanong niya.
"Huwag kang mag-alala, ayos lang naman ako. Hindi naman nila nalaman kung ano ako dahil kasama ko si Ms. Pangil. Malamang, ang sasabihin nila ay kinuha na naman ako ni Ms. Pangil at pinatay. Ganiyan naman ang mga tao!" sigaw ko nang maalala ko na naman ang ginawa ni tanda kanina.
Nakakainis lang kasi! Paborito ko pa naman ang mga tao. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mainis sa mga sakim na gaya nila.
"Nakita mo na si Ms. Pangil?" tanong niya sa 'kin.
Pumunta ako sa banyo upang linisin ang mga dugo sa braso ko. Sumunod naman siya sa 'kin at huminto sa may pinto.
"Oo. Sasabihin ko sanang tutulungan ko siya pero mukhang hindi siya nagtitiwala sa 'kin. Kasama ko kasi ang mortal kanina kaya baka akala niya nakikipagtulungan ako sa kanila."
"Hindi ka niya nakilala?"
"Nakilala niya ako pero bigla na lang siyang umalis. Parang pamilyar nga siya pero hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita," sabi ko naman at medyo tumigil sa pagpunas ng mga dugo sa katawan ko. Medyo nag-isip pa ako kung saan ko siya nakita pero hindi ko talaga maalala.
"Sa St. Marcel din siya nag-aaral gaya mo. Baka doon mo siya nakita," aniya.
Napatingin naman ako sa kaniya dahil mukhang kilala niya talaga si Ms. Pangil.
"Sabihin mo nga, Joseph. Kaano-ano mo ba talaga si Ms. Pangil?" tanong ko pero napaiwas lang siya ng tingin.
"H-Hindi ko talaga masasabi, Mahal na Reyna. Iyon din kasi ang gusto niya. Ayaw niya raw akong mapahamak."
Nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan siya. Baka nga wala ako sa lugar para alamin ang mga ganitong bagay. Buhay naman nila iyan kaya labas na ako. Ang tanging gusto ko lang naman ay tulungan si Ms. Pangil upang tulungan niya rin ako. Isa pa, ayoko ng ginagawa niyang pagpatay. Kumukulo ang dugo ko!
Matapos kong magpunas ng katawan ay dumeretso ako sa drawer ko upang magbihis. Napatigil ako nang may bigla akong maalala. May nakita akong weird na babae noon sa rooftop. Siya kaya iyon o baka naman si Ms. Pangil II lang? Or fan ni Ms. Pangil?
Napailing na lang ako sa naisip ko. Imposible naman kasi. Wala pa raw nabubuhay na nakakita kay Ms. Pangil. Iyong iba ngang pulis na nakakita sa kaniya ay wala na ngayon, iyon pa kayang ordinaryong tao lang?
"Ano nang plano mo ngayon, Mahal na Reyna?" tanong ni Joseph. Pumunta kami sa maliit na sofa ng apartment ko at doon naupo.
"Wala. Hahayaan ko na lang muna ang tadhana," sabi ko na medyo ipinagtaka niya.
"Hindi mo siya hahanapin?" tanong niya.
Napairap na lang ako sa kaniya bago magsalita, "Alam mo, Joseph, hindi si Ms. Pangil ang ipinunta ko sa mundong ito. Nagpunta ako rito para makilala ang mga tao at higit sa lahat ay mapuntahan ko ang buong mundo. Bakit ko siya hahanapin kung ayaw niyang magpahanap?" tanong ko sa kaniya.
"So, hahayaan mo na lang siyang makapatay?"
"Ikaw kaya ang maghanap sa kaniya at pigilan siya! Ikaw nga nakakakilala roon sa bampira na iyon."
"Kung magagawa ko nga lang sana iyon. Pero mas malakas ka sa 'kin at marami kang kayang gawin."
"Pero hindi iyon ang pakay ko. End of topic."
Matapos n'on ay wala nang nagsalita. Nakatulala lang kami pareho at walang ginagawa. Gusto ko na sanang matulog pero mukhang wala siyang balak na umuwi muna. O baka naman may gusto siyang itanong pero nahihiya lang siya?
"May kailangan ka pa ba?" tanong ko.
"Ahm... gusto ko lang sana itanong," panimula niya. "Iyong pulis ba na iyon ang dahilan kung bakit hindi mo nakausap nang maayos si Ms. Pangil?" tanong niya.
Tango lang ang naging tugon ko sa kaniya. Mukhang iniisip na naman niya ang tungkol sa sinabi niya noon na pagpatay sa pulis na iyon. Gusto ko na sanang magbago ng isip pero naalala kong tao pa rin naman siya.
"Ako na ang bahala sa pulis na iyon. Sisiguraduhin kong hindi na siya makakalapit kay Ms. Pangil," sabi ko sa kaniya.
Alam ko naman kasing gusto niya na ring matulungan si Ms. Pangil kaya kailangan ko talagang gawin ang paghahanap sa kaniya kahit na wala naman talaga akong balak. Basta hindi iyon ang priority ko. Period!
"Kailangan ko nang umalis. Magkita na lang tayo ulit sa shop," aniya kaya tumango ako at tumayo na rin para ihatid siya sa labas.
Paalis na sana siya nang pigilan ko siya. "I'll help you. Hahanapin ko si Ms. Pangil kahit na hindi iyon kasama sa dapat kong gawin. I won't let anyone hurt her again."
Napatingin siya sa 'kin nang may ngiti sa labi. Mukhang mahalaga sa kaniya ang bampirang iyon kaya kailangan ko talagang tumulong. Hindi ko naman kayang hayaan na lang ang mga gaya niyang nangangailangan ng tulong.
"Maraming salamat, Mahal na Reyna," sabi niya saka nagpatuloy sa pag-alis. Sinara ko naman ang pinto nang hindi ko na siya makita.
Kahit na hindi niya sabihin sa 'kin kung kaano-ano niya ang bampirang iyon ay parang alam ko na rin ayon sa kinikilos niya. Alam kong hindi lang mahalaga ang bampirang iyon sa kaniya kundi parang mayroon silang nakaraang dalawa. Kung hindi man sila magkasintahan noon ay baka makapatid sila sa ama o sa ina. Malalaman ko rin iyon kahit hindi pa sa ngayon.
Bago ako natulog ay napagpasyahan ko ang isang bagay. Tutulungan ko ang mga nangangailangang tulad ng dalawang ito, kahit na ba hindi naman iyon kasama sa plano ko. Pwede ko rin naman idagdag para medyo exciting. Wala naman kasing masama sa ganoon. I came here not only for vacation, I also came here to know and to save humans.