Chapter 10

2430 Words
10 Student's Life Shawnna Gaile Arcinue Maaga akong pumasok kaya medyo inaantok pa ako. Hindi na kasi ako makatulog nang magising ako kanina kaya nag-ayos na ako. Kahit na inaantok pa, hindi naman ako makatulog. Ewan ko ba kung bakit. Ang dami rin kasing tumatakbo sa isip ko. Humihikab pa ako nang lapitan ako nina Brixther, Rachel at Rochelle. "Mukhang puyat ka, a?" tanong ni Brixther. "Medyo..." "Hindi ka ba nagpahinga? Dapat nagpahinga ka na lang din ngayon," ani Rachel. "Ano ka ba naman, Rachel! Wala naman akong matututunan kung pahinga lang ako nang pahinga," sabi ko, natatawa pa sa sinabi niya. "Oo nga naman. Pero kahit ganoon, dapat may sapat kang tulog," ani Brix. "Gayahin mo 'tong si Rachel," sabi ni Rochelle. "Noong isang araw, pagkauwi namin ay natulog agad – kinabukasan na ang gising. Tapos kahapon naman, pagkauwi galing ng mall ay natulog agad tapos kinabukasan na ulit ang gising." Napatingin ako kay Rachel dahil sa sinabi ng kambal niya. "Takaw-tulog ka naman pala, Rachel. Hindi ko kaya 'yon!" bulalas ko. "Hindi naman!" bulalas din niya sa 'min. "Binawi ko lang ang mga pagpupuyat ko noong mga nakaraang araw. OA lang itong si kambal," aniya. "Nga pala, guys. Nabalita na naman kagabi si Ms.Pangil," ani Brix kaya agad napukaw niyon ang atensyon ko. "Ano na naman ang tungkol sa kaniya?" tanong ko. "Ano pa nga ba? E 'di panibagong pagpatay na naman." "Hay naku! Patagal nang patagal, mas lalong dumadami ang pinapatay niya. Kailangan na talaga siyang mahuli at mapatay," ani Rachel. Ngumiti lang ako kahit na medyo nainis ako sa sinabi niya. "Hatid-sundo na nga kami ng parents namin. Tapos kagabi, ang sabi niya ay magpasundo kami sa kanila kahit na kasama namin itong si Brixther. Sila na rin daw ang maghahatid kay Brixther pauwi." "Wala 'ata silang tiwala sa mga muscles ko!" ani Brixther habang nakataas ang braso na parang nagmamayabang. Bahagya pa siyang nag-flex ng mga muscles daw niya sa harap namin. Napairap ako sa kaniya. "Paanong mawawalan ng tiwala, hindi mo nga alam kung psycho lang nga ba iyon o kakaibang nilalang," sabi ko. "Kahit na! Sa lakas kong ito, kaya kitang protektahan," aniya sabay kindat sa 'kin. Ito na naman po siya. Tinawanan siya ng kambal. "Hindi ka magugustuhan ni Shawnna dahil umiihi ka pa sa higaan!" ani Rachel. "Oo nga! Hindi ka nga marunong maghugas ng pwet mo, e!" ani naman ni Rochelle. Nag-apir pa ang kambal matapos nila iyong sabihin. "Tumigil nga kayo! Baka maniwala si Shawnna sa mga kasinungalingan ninyo!" sabi niya, bahagya pang nakanguso nang humarap sa 'kin. "Hindi totoo iyon, Shawnna. Huwag kang maniniwala sa mga 'to!" Natawa rin ako dahil mukha siyang bata. "Oo na! Oo na! Hindi naman ako naniniwala," sabi ko. "Talaga?" sabi niya, kumurap-kurap pa na tila nagpapa-cute. "Oo. Pero hindi ibig sabihin ay magugustuhan na kita," sabi ko habang tumatawa. Mas lalo namang lumakas ang tawa ng kambal dahil sa sinabi ko. Bumagsak ang dalawang balikat niya at hinawakan ang dibdib. "Hindi pa nga ako nanliligaw, busted agad? Nasaan ang hustisya?" sabi niya. Alam ko namang nagbibiro lang siya kaya pinaghahampas na lang namin siya sa braso. "Good morning, class!" Agad nagsiayos ang mga kaklase ko at bumalik sa kani-kanilang silya nang dumating ang adviser namin, si Sir Jose. Nilabas ko naman agad ang notebook ko para makapag-take down notes. Nang makarating sa harap ay agad nagsalita ang aming guro, "Before I start the lesson, ibibigay ko na sa inyo ang project ninyo. This quarter's project will be easy kumpara sa mga susunod pang quarters dahil by group ito." Agad nagdiwang ang aming klase dahil sa balitang iyon. Sino ba naman kasi ang tutol sa group project? At least lahat kayo gagawa, hindi sariling sikap. Tanggalin na lang ang pangalan ng mga hindi tutulong. "So, as I was saying, isang MTV ang kailangan ninyong gawin for this time. Hindi na kayo gagawa ng sarili ninyong concept at parang parody na lang ang gagawin. Pagandahan kayo. Alam ninyo naman siguro kung ano ang parody dahil mahilig kayong gumamit ng social media." Tumalikod siya sa amin at saka nagsulat sa board. Nilista niya ang bawat sinasabi at mga kailangang ilagay sa MTV na gagawin namin. "In addition to that, gagawa rin kayo ng commercial ninyo na parang parody lang din. Pagsasamahin ang dalawang iyon sa isang CD." "Sir, ilan pong commercial saka MTV?" tanong ng isa kong kaklase na mahilig din mag-edit ng mga ganitong videos. Ang swerte ng mga magiging kagrupo niya. Sana isa ako roon para hindi kami mahirapan. Kapit-kapit din 'pag may time! Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa naisip. Para na akong tao kung mag-isip. Kung ano-ano naman kasi tinuturo sa 'kin ng mga mortal na ito! "Isa lang ang MTV na gagawin ninyo and the commercial naman ay kahit ilan ang gusto. Kung saan kayo masaya, e 'di go!" "Sa kaniya lang ako sasaya, Sir!" bulalas ni Janus na ikinatawa ng lahat. "Sir, pwede po iyong mga kagrupo na lang namin last week iyong grupo ngayon?" tanong ng isa pa. "Hindi pwede. Five members lang kayo last week, 'di ba? Kailangan ko ng 4 groups lang sa isang section kaya kailangan mag-groupings ulit. Ganoon din ang ginawa ko sa iba pang sections para fair." "Aw, sayang," bulong ng iba kong mga kaklase. "Iyon na nga, patapusin ninyo muna kasi ako. Ang dami na agad tanong hindi ko pa naman na-eexplain lahat." Natawa kami sa sinabi niya dahil tama naman siya. "After ninyo mag-shoot ay kailangan niyo pa i-burn iyon. Bibili kayo ng DVD na kasinglaki ng notebook niyo. Kayo rin ang magle-layout ng cover, with groupmates and summary ng laman ng DVD. Kung may naisali man kayo sa MTV ninyo na hindi classmate, indicate ninyo rin sa cover." Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ng mga sinusulat niya sa board. Mukhang maganda itong gagawin namin dahil pwede kaming maglibot sa maraming lugar. Matutupad na rin ang bucketlist ko kahit papaano! Naikuwento rin nila sa 'kin ang pinag-uusapang fieldtrip dahil pupunta rin daw kami sa iba't ibang lugar kapag nagkataon. Hindi na tuloy ako makapaghintay! "Magkakaroon din ng botohan on social media. Ipo-post ninyo siya sa isang account at paramihan kayo ng likes. Ibang section ang kalaban. Pumili kayo ng maganda at iyong madalas i-parody pero bawal ang maulit sa isang section. Halimbawa, kapag Ikaw ang MTV ng isang group, bawal na iyon gawin ng ibang group. Gets?" tanong niya. Nagsigawan naman kami bilang sagot at saka siya nagpatuloy. "Iyon lang naman. Matagal pa naman ang deadline pero inagahan ko na ang pagsasabi para hindi kayo gahulin. And by the way, ito na ang magiging periodical exams ninyo sa 'kin at wala ng written kaya pagandahin ninyo, okay?" Nagdiwang muli ang klase dahil sa naging balita ni sir. Hindi ko rin maiwasan ang hindi matuwa dahil wala nang sasagutan sa subject namin. Nakisigaw rin ako gaya ng mga kaklase ko. Nakipag-apir pa ako sa kambal at kay Brix dahil pati sila ay nagwawala na dahil sa tuwa. "Sana magkakagrupo tayo!" bulalas ni Rachel sa 'min. "Sana!" ani Rochelle. "Ibibigay ko ang groupings mamaya sa president ninyo kapag nagawa ko na," sabi ni sir. Matapos n'on ay early dismissal ang nangyari kaya sa canteen ang bagsak namin. Wala pang masyadong estudyante kaya sa bungad lang kami umupo, malapit sa pintuan. Hindi ko mapigilan pero si Ms. Pangil na naman ang topic ng halos buong tao sa canteen, pati na rin ang mga nagtitinda. Hinayaan ko na lang dahil wala naman silang magagawa. Hanggang salita na lang naman sila. Iyon lang. Para namang may magagawa sila para saktan si Ms. Pangil. Alam ko kung ano ang pinagkaiba ng dalawang lahing 'to. Pisikal na lakas pa lang, alam ko na. Pero mukhang mali ako dahil may ilan pala talaga sa mga tao ang ma-attitude. "Watch where you're going!" Sabay-sabay kaming napatingin sa gawi ng babaeng sumigaw. Sa sobrang lakas ng boses niya ay natahimik ang buong canteen para panoorin sila. Nakita ko naman ang pag-angat ng labi niya na parang gustong-gusto ang atensyon na nakuha niya. "Nakita mong dadaan ako, tapos bigla mong ihaharang 'yang paa mo!" bulalas ni Monica, nakataas ang naka-drawing niyang kilay sa harap ng isang estudyanteng nakatapon sa kaniyang sapatos. "Ayan na naman sila Monica," bulong ni Rachel. "Nagrereyna-reynahan na naman sa school na 'to." Nagpanting ang tainga ko. Reyna? Tama ba ang pagkakarinig ko? I'm the only queen! Wala siyang karapatan para tawagin ang sarili niya na reyna! "Pathetic! Mukhang hindi na rin makatayo ang isang ito dahil lang sa pagkakabunggo sa 'yo," sabi naman ng isa sa mga kasama ni Monica. May highlights na kulay asul ang itim niyang buhok. 'Di ko lang siya makita masyado dahil nakatalikod siya sa gawi namin. Pinagmasdan ko ang babaeng nakaupo pa rin sa silya niya na mukhang walang balak tumayo. Mag-isa lang siya sa lamesa at mukhang wala talaga siyang kilala sa school na 'to. Pero kung mayroon man, mukhang wala sila rito para ipagtanggol siya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi pang-initan ng ulo sa mga bullies na 'to. "Oh, ano? Uupo ka na lang diyan? Clean my expensive shoe na dinumihan mo!" bulalas na naman ni Monica. Napadako ang tingin ko sa paa niya at napansing may dumi nga iyon. Halos tuldok lang ang nakita ko! Akmang lilinisin nga ng uto-u***g babae ang sapatos ni Monica nang bigla na lang siya nitong sinipa sa mukha. Napatayo na ako dahil sa ginawa niya. That's physical, sweety! "Shaw?" tawag sa 'kin ni Brix pero hindi ko siya pinansin. Nilapitan ko na lang sila at saka tinulungan ang kaklase kong mukhang bruha. Siya iyong nakita ko sa rooftop noon na namimilipit sa sakit ang tiyan. Mukhang hindi gutom ang kalaban niya ngayon kundi itong mga babaeng ito! "Are you okay?" tanong ko sa kaniya at akmang aalalayan sa pagtayo. "Huwag mo akong hawakan!" bulalas niya sa 'kin sabay tampal sa kamay ko. Napaatras tuloy ako. Siya na nga ang tinutulungan, siya pa ang may ganang itulak ako. Nakakailan na siya, a? Kung nasa mundo ko ang babaitang ito, nabigwasan ko na siya! "Tinutulungan lang naman kita," sabi ko sa kaniya. "I don't need your help, or anyone's help!" bulalas niya sa 'kin. Nang tingnan niya ako sa mga mata ay agad akong napanganga. Ano ang ginagawa niya rito sa school? Dito rin siya nag-aaral? O baka sa school na 'to siya naghahanap ng susunod na biktima? Tinuon niya naman ang babaitang umaway sa kaniya kanina. "I can just buy you a new pair. Iyong mas mahal at imported. Those shoes are not even worth it. That's on sale, right? I saw you that day. Cheap," bulong niya sa huling salitang sinabi niya. Gusto kong matawa. Akala ko kasi ay siya ang tipo ng taong hindi lumalaban pero nakakatuwa siya! Hindi ako makapaniwalang ganoon ang sasabihin niya sa kanina lang ay sumisigaw sa kaniya. Pero bakit parang hahalikan niya talaga ang sapatos ni Monica kanina? Nakita ko ring nanlaki ang mga mata ni Monica dahil siguro sa hindi niya inaasahang sasagot itong nakabangga niya o baka dahil may alam ito tungkol sa peke niyang sapatos. "You b***h –" Susugurin na dapat niya si Bruh pero pumagitna na ako at hinila ang buhok niya palayo. Sumosobra na siya, a? "Watch it! Why don't you just stop and go to hell?" sabi ko. Hindi naman sa pakialamera ako. Siya lang din naman ang nililigtas ko. Mamaya ay siya na ang sunod na biktima ni Ms. Pangil. Siya rin ang mapapahamak. 'Di ko pa naman alam kung paano tumakbo ang utak nito. "Get off me! Nasasaktan ako. Bitiwan mo ang buhok ko!" bulalas niya. See? Inaalala ko lang talaga siya. Dahil na-bored na akong makipaglaro sa kaniya ay binitiwan ko na siya. Nakita kong inalalayan siya ng tatlong mga kaibigan niya para makatayo. Tiningnan ko si Bruh pero wala na siya sa likod ko. Kumunot ang noo ko. "Nasaan na iyon?" bulong ko. Mukhang tinotoo pa yata ang pagbili ng sapatos ni Monica. Hinayaan ko na lang. Malalaman ko naman mamaya kung saan siya nagsuot. "Sino ka ba? Bakit ba nakikisali ka, hindi naman ikaw ang pakay namin kundi ang mangkukulam na iyon!" bulalas ni Monica na malapit nang maiyak dahil sa sakit. Masyado ko bang nadiinan ang pagkakahawak kanina? "Sa tingin ko bago lang siya rito dahil ngayon ko lang siya nakita," sabi ng kaibigan niyang may apat na piercing sa tainga. Bahagya lang iyong natatakpan ng nakalugay niyang buhok kaya siguro nakatakas sa gwardiya. Gaya ni Monica ay drawing lang din ang mga kilay niya. May katangkaran siya dahil na rin siguro sa heels na suot. Maayos naman ang suot nilang uniporme pero masyado iyong hapit sa kanilang mga katawan. Wala silang suot na ID na labag sa patakaran ng school namin. Paano sila nakatakas? Iyong isa naman ay tahimik lang sa likod na parang walang pakialam sa ginagawa ng mga kaibigan niya. Mukha pa ngang labag sa loob niya ang pagsama sa mga ito. Normal lang din ang uniporme niya at mukhang matinong estudyante dahil nakasuot pa ang ID niya. "So, bago lang pala siya. You should watch it too, b***h. Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo." Palapit nang palapit sa 'kin si Monica habang sinasabi iyon pero hindi naman ako umatras. Ako ba ang tinatakot niya? Dahil medyo nainis ako sa sinabi niya. I smirked at her para naman malaman niyang hindi ako takot sa kaniya. "Bring it on, b***h. Hindi kita aatrasan," sabi ko na lang sa kaniya. Saglit pa akong nakipagtitigan sa kaniya bago siya iniwan sa kinatatayuan niya. Wala akong time para sa kaniya dahil kailangan kong makita si Ms. Pangil. Baka mamayang uwian ay wala na pati si Monica dahil siya na ang sinunod. Dahil schoolmates naman kami ni Ms. Pangil ay baka mabilis ko na siyang mahahanap at makakausap. Ngayong narinig ko na kung paano siya makitungo sa ibang tao ay mukhang mahihirapan nga akong kausap siya nang matino. Hindi talaga kasi gumagana ang pagiging reyna ko sa isang iyon. Mukhang nasaktan kasi talaga siya dahil sa nangyari sa mga kauri niya. Well, I can't blame her. Kung sa akin naman kasi iyon mangyayari – na sana ay huwag – malulungkot at masasaktan din ako. Lalo na kung tao ang papatay. Ang pinakapaboritong nilalang ko pa. Sa ngayon, kailangan ko siyang makausap para tigilan na niya ang mga ginagawa niya. I have to do something about this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD