20 Carter Shawnna Gaile Arcinue Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. "W-What are you doing here?" tanong ko. Hindi ko kasi inaasahang siya ang makikita ko sa labas ng pinto. Maiintindihan ko pa sana kung si Joseph ang makikita ko dahil hindi na iyon bago sa 'kin pero magkasama lang kasi kami kanina ni Tanda. Ngumiti naman siya nang tipid at saka yumuko. Para bang nahihiya pa siya sa biglang pagkatok niya. "I was just wondering kung may pupuntahan ka bukas?" tanong niya. Tiningnan niya ako sa mga mata ko matapos niya iyon sabihin. Kitang-kita ko ang magmamakaawa sa kanyang mga mata at alam kong gusto niyang sabihin kong wala akong lakad, which is true. Hindi ko binasa ang utak niya, binasa ko ang mga mata niya. "Ahm... wala naman akong gala. Wala naman din