21 Date Shawnna Gaile Arcinue Tahimik lang ako habang nagla-lunch kaming dalawa. Katatapos lang naming maggala at bumili sa malls hanggang sa nagutom kami. Sa dinami-rami ng napag-usapan namin kanina ay para bang naubusan na kami ng topic. Puro mga hilig naming gawin ang napag-usapan namin at ni isa ay wala kaming magkatulad. Hindi naman kasi kami parehong tao kaya hindi na rin ako nagulat. 'Di ko na rin sinabi sa kanya lahat ng gusto kong gawin dahil hindi naman niya maiintindihan. Kahit na ganoon ay hindi naman naging awkward ang pag-uusap namin kanina. Ngayon lang talaga ako nailang dahil ang tahimik naming dalawa. Pareho lang kaming kumakain at tumitingin sa ibang mga tao sa mall. Sa Jollibee namin napiling kumain dahil gusto niya raw doon. Simula pagkabata ay dito na siy