19 Reaction Shawnna Gaile Arcinue "By the way, Tanda..." pagtawag ko sa pansin niya habang nagda-drive siya. "Saan mo nga pala dinala iyong ulo?" tanong ko nang maalala ko ang tungkol sa nakita naming lumilipad na ulo. Natahimik naman siya at hindi agad sumagot. "Don't worry about that. Ako na ang bahala roon," aniya. Kumunot ang noo ko. Hindi naman kasi iyon ang gusto kong sabihin niya. Saka gusto ko lang naman malaman kung nasaan. "I said where, Tanda. Hindi ko sinabing ano ang nangyari o kung ayos lang ba. Malamang hindi magiging ayos iyon dahil pugot na nga," sarkastiko kong komento habang umiirap pa. Napabuntong-hininga naman siya habang tutok pa rin sa pagmamaneho. "I hid it." Napaangat agad ang tingin ko sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na itatago lang pala