18 Unexpected Shawnna Gaile Arcinue Ilang araw kaming magkakasama nina Tanda at Chelsea. Nagkaroon kami ng isang linggong sembreak kaya naman halos nasa bahay lang din kami o kaya naman ay sa presinto. Halos gawin ko na ngang tambayan ang presinto dahil sa wala akong magawa ngayon. Wala pa kaming nagiging balita kay Ms. Pangil kaya medyo nahirapan din kami gumawa ng kilos namin para makausap siya. Mukhang pinapahupa muna niya ang balita tungkol sa kaniya. Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng sembreak namin at parang iwas sa 'kin si Chelsea. Madalang niya lang kaming kausapin pero ito talaga ang napansin ko - kinakausap niya si Tanda kapag tungkol sa trabaho pero hindi niya talaga ako kinakausap o nginingitian man lang. Ni hindi niya nga yata ako tinatapunan ng tingin. Hindi ko a