Chapter 5

2193 Words
Vampires Shawnna Gaile Arcinue Napilitan akong sumakay sa sasakyan niya kaya naman ito ako at nakatingin sa labas ng bintana. Katabi ko lang siya na tahimik na nagmamaneho. Ang lapit naman kasi ng bahay ko kaya bakit kailangan pang ihatid? "Iyan lang sa tabi ang apartment ko," sabi ko habang nakaturo sa kaliwang bahagi ng daan. Itinabi niya ang sasakyan niyang pang-pulis at saka huminto. Aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa braso. "Huwag na huwag ka nang pupunta sa tunnel na iyon mag-isa, Bata. Lalo na kung gabing-gabi na dahil mapanganib." Tiningnan ko naman siya sa mata at saka nagsalita. "Kung titigilan mo ang pagtawag sa 'kin ng bata ay gagawin ko iyon. Hindi na ako bata, Tanda." Natawa naman siya dahil sa sinabi ko at binitiwan ang pagkakahawak sa braso ko. "Ano ang magagawa ko kung isa ka lang bata sa paningin ko?" "Ano ang magagawa ko kung gusto ko talagang makita at makausap si Ms. Pangil?" Napatigil siya sa pagtawa at seryosong tumingin sa mga mata ko. Ang ganda pala ng mga mata nitong pulis na ito. Kulay asul kasi iyon pero hindi naman ganoon katingkad. Sabi ko na nga ba at may lahi ang isang ito. "Mapanganib ang binabalak mo, Bata. Seryoso ako. Kung gusto mo siyang makita at makausap, kailangan kasama mo 'ko." "E 'di samahan mo ako. Wala namang kaso iyon sa 'kin. Ang gusto ko lang ay malaman kung ano ang dahilan niya sa pagpatay ng mga inosenteng tao." "Inosenteng tao? Paano mo naman nasabing inosente ang mga pinapaslang niya?" Napatingin ako sa kaniya dahil mukhang may alam siya. Kung sabagay, isa siyang pulis kaya hindi na ako magtatakha pa. "Alam mo kung ano siya?" Tumango siya bago magsalita. "Isa siyang bampira, Bata. Hindi kita tinatakot pero totoo ang mga bampira. Kung hindi mo titigilan ang binabalak mo ay ikaw rin ang mapapahamak. Kaya binabalaan na kita." Sinubukan kong basahin ang isip niya. Ginalugad ito. Hindi tulad ng mga bampira ay kaya kong basahin kahit na ang mga naisip niya noong mga nakaraang araw. Ang mga bampira kasi ay nababasa lamang ang kasulukuyan nilang iniisip ngunit iba ako. Hindi ko mapigilan ang mapatakip sa bibig ko upang pigilan ang pagtawa ko. Ang mga lalaki nga naman! Hindi na ako magtataka dahil wala akong kilalang lalaking hindi nanonood ng porn. Hindi ko mapigilan ang matawa sa naisip ko. Kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko. "Hindi ka naniniwala, Bata?" Napatigil ako sa pagtawa at seryoso siyang tiningnan pabalik sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko pero nakita kong bahagya siyang napaatras dahil sa pagtitig ko. "Hindi mo alam kung ano pa ang mga kakaibang bagay sa mundong ito, SPO2 Vicente Santos." Binagalan ko pa ang pagbigkas sa pangalan niya bago nagpatuloy, "Ang bampirang iyon? Kung hindi buo ang pasya ninyo tungkol sa nilalang na iyon, kayo rin ang mapapahamak. Psychopaths? Kung iyan ang patuloy ninyong paniniwalaan, hinding-hindi ninyo siya mahuhuli." Bago pa siya makasagot ay lumabas na ako ng sasakyan niya. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko. Baka hindi ko mapigilan at maisiwalat ko pang isa akong reyna. Pagtatawanan lang ako ng nilalang na iyon dahil baka isipin niyang isa rin akong baliw. Napahilata na lamang ako sa higaan ko at bumuntong-hininga. Wala naman akong ginawa pero napagod ako. Pero naalala kong ginamit ko na naman nga pala ang kapangyarihan ko kaya ako nagkakaganito. Ilang araw ko na bang hindi nagagamit ang aking dugo? Kung magpapatuloy ito ay ako rin ang mapapahamak. Habang malalim ang pag-iisip ay hindi ko namalayang nakatulog na ako, suot pa rin ang aking uniporme. "OUCH!" DAING KO nang mahulog ako sa kama. Napahawak ako sa balakang ko dahil sa impact na dulot nito. "Bakit ako nasaktan?" Tumayo ako upang mag-ayos na nang mapagtantong alas sais na ng umaga. Pagdaan ko sa full length mirror ko ay napahinto ako. Tinitigan ko ang kulay ko at sobrang putla na nito. Ang lalim din ng mga mata ko na parang ilang linggo akong walang tulog. Bigla akong kinabahan. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kailangan ko na talagang magamit ang dugo ko. Bakit ba kasi kailangan ko pang gawin iyon? Buti pa ang mga tao. Kapag nabawasan sila ng dugo ay maaari nilang ikamatay. Samantalang ako naman ay kailangan kong mag-ubos. Mag-donate kaya ako ng dugo sa hospital? Huwag na lang pala. Hindi safe ang dugo ko kapag tao ang gumamit. Baka kumalat pa ang mga may dugong demonyo sa mundong ito. Lagot ako. Ilang minuto lang ay natapos na ako sa pag-aayos. Kumuha ako ng lipstick sa tabing mesa at saka ako naglagay para mabawasan ang pamumutla ko. Hindi na ako nag-make up dahil hindi naman ako marunong. Baka imbis na maitago ang eyebags ko ay mas lalo lang magmukhang sinapak ang mukha ko. Pagkasara ko ng pinto, handa na sana ako para umalis nang mapansin ko ang isang pamilyar na sasakyang nakaparada sa harap ng apartment ko. Ang apartment kasi rito ay isang hilera lang at walang pangalawag palapag kaya agad kong nalamang ako ang pakay niya. Napairap ako nang makita kong lumabas ang lalaking iyon mula sa kaniyang sasakyan. "Magandang umaga, Bata." "Magandang umaga, Tanda. Pero ano naman ang ginagawa mo rito?" "Pasok na. Ihahatid kita sa eskwelahan mo." "At bakit ko naman iyon gagawin, ha, SPO2 Vicente Santos?" "Dahil sabi ko?" patanong niyang sagot at saka tinuro ang sarili niya. May ngisi rin sa labi niya na para bang nang-aasar. Tinitigan ko siya nang may ngisi rin sa labi ko. "May gusto ka ba sa 'kin, Tanda?" Nanigas siyang bigla dahil sa naging tanong ko pero kalauna'y natawa rin nang malakas. Napapatingin tuloy ang ilang mga nakakakita sa kaniya. "Hoy, Bata! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ilan taon ka pa lang? Twelve? Thirteen? Pero ako, twenty-seven na ako. Kaya paano mo nasasabing may gusto ako sa batang katulad mo?" tanong niya habang natatawa pa rin. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya at medyo nairita. Huminga siya nang malalim. "Look, Bata. Ihahatid ka lang naman. Nagmamalasakit lang ako sa 'yo dahil sa mga kakaiba mong binabalak. Huwag kang mag-isip ng kung ano riyan." "No, thanks. Kaya kong maglakad papasok. Bye!" paalam ko na lang. Bago pa ako makaalis ay naramdaman ko na ang paghawak niya sa braso ko. Tiningnan ko naman siya sa mata at nakita kong seryoso na ang mga tingin niya. Tumingin muna siya sa paligid niya bago magsalita ulit. "Naniniwala ako sa mga bampira dahil nakakita na ako ng mga gaya nila. At alam kong hindi ka rin isang ordinaryong tao." Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Kita ko sa mga mata niyang sigurado siya sa sinasabi niya. Hindi ako nagsalita. "Hindi ko sinasabing isa ka ring bampira pero alam kong may kakaiba kang kapangyarihan. You just read my mind last night." Halos mapalunok ako dahil sa tinuran niya. Paano naman niya nalaman? Don't tell me, hindi siya isang tao? Bakit hindi ko maramdaman? "Kakaibang kapangyarihan? You mean, parang salamangkero?" "Kung iyan ang itatawag mo. Pero alam kong ikaw ang makakatulong sa 'kin para mahuli si Ms. Pangil." Napairap ako at saka tinanggal ang mga kamay niya sa braso ko. Bigla kasi akong nainis dahil sa sinabi niya. "At paano ka nakakasiguradong tutulungan kita? I'll capture her alone at hindi ko siya sasaktan gaya ng ginawa ng mga katulad mong tao sa lahi nila noon. Para sa ano? Souvenirs? Ibinenta ninyo ang mga parte ng katawan nila na sa tingin ninyo ay mapapakinabangan ng marami?" Medyo tumaas ang tono ng boses ko sa kaniya pero hindi ako sumigaw. Baka kasi may makarinig sa usapan naming dalawa. Itinuloy ko ang sinasabi ko, "Hindi na ako bata, Tanda. Hindi mo gugustuhing malaman kung ilang taon na ako. Marami na akong nasaksihan na hindi mo rin gugustuhing malaman. Ililigtas ko si Ms. Pangil mula sa kasakiman ng mundong ito. Kung salungat naman ang nasa isip mo, Tanda, hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka ngayon pa lang," sabi ko sa kaniya. Napatitig siya sa 'kin dahil sa sinabi ko pero hindi nagsalita. Iniwan ko na siya roon, kumukulo pa rin ang dugo ko dahil sa naging pag-uusap namin. Hindi ko alam kung ang mga tao ang may gawa niyon pero hinulaan ko lang naman. Hindi ko alam kung tama ang hula ko dahil sa reaksyon niya pero kailangan ko ring malaman kung totoo nga. Sobrang gusto kong makilala ang mga tao pero ayon sa natitirang lahi ng mga lobo ay mga tao ang gumawa niyon. Dumaan ako sa coffee shop at nakita si Sue. Binati niya ako pero dere-deretso lang ako sa kwarto ni Joseph. Nakita ko siyang nakaupo at may pinagkakaabalahang mga papel sa lamesa niya. Nang makita ako ay tumayo siya at bahagyang yumuko. Hindi ko siya pinansin, nanlilisik na ang mga mata ko ngayon dahil sa galit. Nakatingin lang ako sa kawalan at pilit pinapakalma ang sarili. "Anong problema, Mahal na Reyna?" "Isang pulis. Naiinis ako sa kaniya! Ang kulit niya. Gusto niyang mahuli si Ms. Pangil. Para ano? Patayin at ibenta?" tanong ko gamit ang malalim pero nakamamatay kong boses. "Pulis? Nais niyo bang patayin ko na siya?" biglang tanong niya na mas lalong ikinagalit ko. Agad ko siyang hinawakan sa leeg at idiniin sa pader. Nakalikha iyon nang malakas na kalabog kaya naman narinig namin ang sunod-sunod na mga katok ni Sue sa labas. Nasira din ang pader kung saan tumama ang katawan ni Joseph. "Boss! Ayos lang ba kayo riyan? Ano 'yong narinig ko?" natatarantang tanong ni Sue mula sa labas. Hindi ko tinanggal ang nanlilisik kong tingin kay Joseph dahil kumukulo na talaga miski ang ulo ko. "A-Ayos lang kami rito, Sue. Huwag kang mag-alala!" sigaw niya sa empleyado niya. "S-Sige po..." Muli niya akong tiningnan at kita ko ang takot sa mga mata niya habang nakatingin sa 'kin. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. "Patawarin mo ako, Mahal na Reyna. H-Hindi ko sinasadyang sabihin iyon." "Sabihin mo nga, Joseph. Tinutulungan mo ba si Ms. Pangil sa mga pagpatay?" tanong ko na ikinabigla niya. "Come to think of it, kapag nagiging werewolf ka, nagkakaroon ka rin ng pangil gaya ng mga bampira. Right, Joseph?" tanong ko na mas lalong ikinalaki ng mga mata niya. "No! Hindi, Mahal na Reyna. I would never do that. Kasama sa batas namin ang pagbabawal pumatay sa mga mortal. Hindi ko kayang labagin iyon dahil kamatayan ko lang ang naghihintay sa 'kin kung sakali." "Then!" Napapitlag siya dahil sa pagsigaw ko. "Don't you ever talk about killing. Kahit na hindi pa tao ang tinutukoy mo. Anything about killing, huwag na huwag kong maririnig iyan mula sa 'yo." Tango naman siya nang tango kaya binitiwan ko na siya at iniwan. Medyo kumalma naman na ako kaya lumabas na ako ng coffee shop just to see the familiar car again. Ow please! Kailan ba ako titigilan ng nilalang na ito? Kaunti na lang talaga at ipadadala ko na siya sa mundo namin para ipakatay. "What are you still doing here, Tanda?" tanong ko sa kaniya. Nakasandal siya sa harap ng kotse niya kaya marami ang tao ang napapatingin sa kaniya. Bukod sa ubod siya ng gwapo ay nakapagtatakang may isang pulis na naghihintay sa harap ng shop na ito. "Tulad ng sabi ko, ihahatid kita sa school niyo." Napatingin naman siya sa shop bago nagsalita ulit. "Mahilig ka sa kape? Nasaan na ang binili mo?" Napansin ko ang hawak niyang plastik na sa tingin ko ay may laman ding kape galing sa shop namin. Pumasok pala siya sa loob. "Not really. Dito ako nagtatrabaho," tipid na sagot ko at saka nagtungo sa kabilang bahagi ng sasakyan niya. Mukhang hindi naman ako titigilan ng isang ito kaya sasakay na lang ako. Tutal bigla akong napagod dahil sa naging pag-uusap namin ni Joseph. "Sasakay ka rin naman pala," bulong niya na narinig ko rin naman. "Saying something, Tanda?" "Nothing, Bata." Muli akong napairap. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa harap ng school namin. Ang ilan sa mga schoolmate ko ay nakatingin sa sasakyan namin na nagtataka. Hindi ko na lang pinansin. Masyado bang nakakagulat na makakita ng isang sasakyang pang-pulis? Ihahatid lang naman ako. "Mamayang uwian, susunduin kita." Napatingin na talaga ako sa kaniya na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi at ginagawa niya. "Baliw ka na ba talaga? Isa kang pulis, do your job." "And one of my jobs is to capture Ms. Pangil," aniya. Muli na namang kumulo ang dugo ko pero inunahan niya akong magsalita. "Hindi ko siya papatayin, Bata. Gusto ko lang tigilan na niya kung ano man ang ginagawa niya. Kung hindi siya ikukulong, sa tingin mo ba titigil siya?" tanong niya sa 'kin. "Let me handle it, Tanda. Sinisigurado ko sa 'yong kapag nakausap ko siya ay titigilan na niya kung ano man ang ginagawa niya. I know her kind. Hindi nila gustong pumatay ng mga tao kaya alam kong may dahilan kung bakit siya pumapatay," sabi ko. "I know," aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD