The Police
Shawnna Gaile Arcinue
"Have you heard? May bago na namang biktima si Ms. Pangil. May nakita na naman sa leeg ng bangkay na parang kagat ng bampira!" bulalas Brixther sa amin.
"Again? Nakakailan na iyan, ah? Hindi pa ba nahuhuli?" sabi naman ni Rachel na barkada ni Brixther.
"Malamang! Makakapatay pa ba iyon kung nahuli na?" pambabara naman ni Rochelle na kambal ni Rachel, barkada rin ni Brixther.
Hindi ko alam kung bakit nakasama ako sa kanila pero hindi naman siguro masamang sumabay sa kanila paminsan-minsan tuwing lunch. At isa pa, ayoko namang tanggihan ang alok kanina ni Brixther na sumama sa kanila. Baka ito na ang simula ng pagkilala ko sa mga tao.
"Ikaw Shawnna, ano ang masasabi mo kay Ms. Pangil?" tanong naman ni Brixther sa 'kin, trying to make me join their conversation. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko kung ano ang sa tingin ko, hindi ba?
"Weird name... and interesting," sabi ko habang nakatitig sa iniinom ko.
"Interesting? Hindi ka ba natatakot sa kaniya?" tanong ulit niya. Ow, kung alam mo lang, my dear. There are so many creatures that are scarier than that psychopath!
"Nope," I said, popping the letter P. "Naisip ko lang, kung isa siyang psychopath na pumapatay, why is she still alive?" tanong ko at saka tumingin sa kanilang tatlo. "Hindi ba dapat, mahuli na siya agad? She's just human like us, after all."
"You have a point. Pero sa tingin ko, matalino itong si Ms. Pangil kaya madaling makatakas, e."
"You're right, Brixther. Interesting nga pero nakakatakot pa rin," ani Rachel na hinimas pa ang braso dahil sa kilabot.
"Sana nga mahuli na siya para naman mabawasan na ang mga namamatay," ani Rochelle, nakapangalumbaba na sa lamesa na para bang ang topic namin ay hindi kailanman mapupukaw ang interes niya.
But my opinion's not the same.
"At least nababalanse niya ang pagrami ng populasyon sa mundo. Hindi naman pwedeng buo na lang nang buo ang mga tao," I said aloud, unconsciously.
Agad napatingin sa 'kin ang tatlo. Nakita kong napangisi si Brixther dahil sa salitang ginamit ko habang nanlalaki naman ang mga mata ng kambal.
Nagkibit-balikat ako. "What? Totoo naman, 'di ba?" tanong ko na parang wala akong kakaibang nasabi.
"Damn!" pabulong na bulalas ni Brixther habang malapad na naman ang pagkakangiti at inihihilamos ang kamay sa mukha.
Hindi na naman sila nagsalita at kumain na lang. Mangha namang tumitig sa 'kin si Brixther – walang pakialam kung nakikita ko ang bulgar niyang pagtitig. Hindi ko na lang pinansin at saka inubos ang inumin ko.
Inaayos ko na ang gamit ko para sa uwian. Sasabay raw sina Brixther sa 'kin pero sinabi ko sa kanilang may meeting kami para sa dance club. Hindi nakatakas sa 'kin ang pagkadismaya sa mukha ni Brix pero hinayaan ko na lang.
What have I done to this kid? Kasalanan ko 'to, e.
Pagkalabas ko pa lang ng room ay nakita ko na agad si Ria na hinihintay ako. Nang makita niya ako ay agad siyang napangiti at lumapit sa 'kin. Parang lagi siyang hyper kung titingnan mo. Parang hindi napapagod sa katatalon-talon niya.
"Tara na?" tanong niya sa 'kin.
"Sige, tara!"
Habang naglalakad kami papunta sa dance studio ay naisipan kong itanong kung ilang taon na siya. Naalala ko kasing tinawag niya akong ate kanina kaya pakiramdam ko ay elementary ang isang ito. Ang tanong ay kung ano ang ginagawa niya rito sa Sidon International High School na paaralan?
"Ria, right?"
"Yes, Ate!" Iyan na naman ang high pitched na boses niya.
"Ilan taon ka na?"
"Twelve! Ikaw, Ate?" tanong niya na parang nahihiya pa. 653 na ako, bata.
"Thirteen. Mas matanda pala ako sa iyo ng isang taon kaya hahayaan kitang tawagin akong ate."
"Ay gano'n po ba? Sorry kung ganito ako umasta. Isip-bata kasi talaga ako kahit ano ang gawin ko."
"Okay lang. Sa tingin ko naman ay masasanay din ako sa iyo."
Natawa siya sa sinabi ko pero hindi na rin naman nagkomento pa.
Ilang sandali pa ay narating na namin ang studio at nakitang naroon na ang karamihan sa mga kasali. Hindi ganoon karaming myembro pero hindi rin naman kaunti. Sakto lang para sa isang dosena.
Pinagsulat lang kami ni Carmen sa isang papel, siya raw iyong magiging instructor namin sa buong taon. Isa rin siyang guro pero ayaw niyang magpatawag ng miss o ma'am. Gusto niya raw ay ate pero hindi ko siya tatawaging ganoon kahit na grade ten na siya. Mas matanda pa nga yata ako sa lola ng lola niya.
"Hindi na muna tayo magpa-practice ngayon dahil masyado pang maaga pero starting next week, kailangan na nating magsimula para sa intrams. Isang oras lang naman ang practice natin araw-araw dahil bawal tayong gabihin. Alam ninyo naman siguro ang tungkol kay Ms. Pangil, hindi ba?"
Ito na naman sila kay Ms. Pangil. Lagi na lang siyang nadadamay sa usapan. Kung kumakain lang iyon ngayon, paniguradong nabilaukan na iyon at namatay. Kahit sino ang makasama ko at kahit saan yata ako pumunta ay siya ang topic. Mas lalo tuloy akong na-curious sa kaniya.
Hindi naman nagtagal ay pinauwi na rin kami. Sumasakay pa raw sa jeep si Ria pauwi kaya naman hindi na ako sumabay sa kaniya. Dadaan na lang ako sa coffee shop dahil hindi ko naman nasabihan si Joseph kanina. Baka kung ano na naman ang isipin niya.
Nang makarating ako ay agad kong nakita ang cashier pero hindi ito si Sue. Kumunot ang noo ko.
"Good afternoon, Ma'am. Welcome to Dabb's Coffee Shop!" bati niya rin sa 'kin habang may malawak na mga ngiti sa labi.
Tinanguan ko siya at nagtuloy sa kwarto ni Joseph nang pigilan niya ako. "Ma'am, for authorized staffs lang po ang kwarto na iyan."
Imbis na sagutin siya ay tinawag ko si Joseph gamit ang isip ko. Agad naman siyang lumabas sa kwarto at medyo yumuko sa 'kin nang hindi napapansin nitong lalaking cashier.
"Nandito ka na pala. Ken, siya si Shawnna, isa siyang waitress. Hindi mo siya nakilala kanina dahil umalis siya para pumasok sa eskwela," ani Joseph.
"Ay gano'n ba? Hindi mo naman kasi sinabi agad kaya akala ko kung sino. Ken Holmes nga pala. Hindi ko kamag-anak si Sherlock, ah? Coincidence lang na magkaapelyido kami," nakangiting bati niya at pagpapakilala sa 'kin.
"Shawnna Arcinue. Sorry kung hindi ako nakapagpakilala kanina, akala ko kasi nasabi na ni Joseph sa 'yo ang tungkol sa 'kin," sabi ko sabay baling kay Joseph.
"Sorry, Shawnna."
"Ayos lang, Boss! Ano ka ba!" sabi ko naman sa kaniya.
Hindi ko talaga maiwasan ang bossy kong boses kung minsan. Nasanay na rin kasi ako. Kailangan ko sigurong pagtuonan ng pansin ang pananalita ko.
"Sige, balik na tayo sa trabaho natin dahil mukhang ganitong oras maraming costumers," sabi ko na lang para naman hindi na kami mahalata pa.
Agad kong sinuot ang apron at saka lumapit sa ilang costumers na kalalapit lang. Sa buong pagtatrabaho ko ay nalaman kong madalas na take out lang ang mga kape at cakes. Madalang lang ang nagi-stay para dito kumain.
"Shawnna, Ken, malapit na tayong magsara."
Napatingin ako sa orasan nang sabihin iyan ni Joseph. Alas sais pa lang naman kaya bakit ang agang magsara?
"Salamat, Boss!" agad na sabi ni Ken, 'di man lang umangal.
"Bakit ang aga naman nating magsasara, Boss?" tanong ko.
"Hindi mo ba nababalitaan ang tungkol kay Ms. Pangil? Ayaw mo naman sigurong makasalubong siya sa daan lalo na kung madilim na, hindi ba?" tanong ni Ken.
"Tama si Ken, Shawnna. At isa pa, tiyak na wala nang pupunta nang ganitong oras sa shop dahil ayaw rin nilang makasalubong ang baliw na iyon," sabi ni Joseph pero ayon sa tono nang pananalita niya ay mukhang may alam siya tungkol sa Ms. Pangil na iyon.
Naningkit ang mga mata ko. "Ganoon ba? Bago lang kasi ako sa lugar na ito kaya hindi ko pa alam ang tungkol sa kaniya," palusot ko kahit na dalawang araw ko nang naririnig ang pangalan na iyon.
"Gusto mo bang sumabay sa 'kin pauwi?" tanong sa 'kin ni Ken pero may gusto sana akong itanong kay Joseph.
"Hindi na. Diyan lang naman ako sa malapit nakatira. Naga-apartment lang naman ako," sabi ko sa kaniya.
"Sige. Kung ganoon ay mauna na ako. Bye, Shawnna! Bye, Boss!" masiglang paalam niya sa 'min. Nakangiti pa rin siya hanggang sa makalabas siya. Nakita ko pang sumakay siya sa motor na nakaparada sa harap kaya kumaway ako nang makita ko siyang nakatingin sa loob. Kumaway rin naman siya bago umalis.
"Joseph," tawag ko sa kaniya.
"Mahal na Reyna?"
Napairap na lang ako pero hindi na pinansin pa ang pagbanggit niya. "May alam ka ba tungkol sa Ms. Pangil na iyon?"
Napatingin siya sa 'kin dahil sa naging tanong ko.
"Sa katunayan niyan, Mahal na Reyna, kilalang-kilala ko siya."
Muling nabaling sa kaniya ang atensyon ko dahil sa sinabi niya. "Kung ganoon, alam mo ba kung bakit siya pumapatay?"
Tumango lang siya bilang sagot.
"At bakit hindi mo siya pigilan?" tanong ko, nakakunot ang mga noo.
"Dahil hindi niya ako hinahayaang makausap siya. Paumanhin, Mahal na Reyna."
"Maaari mo ba akong dalhin sa kaniya?"
"Kung ganoon nga lang sana kadali iyon ay gagawin ko pero..." Umiling-iling siya.
"Kung gano'n ay ako na lamang ang hahanap ng paraan para makausap siya dahil marami akong tanong mula sa mga pinaggagagawa niya."
"Ngunit..."
Tiningnan ko siya.
Napatigil siya sa pagsasalita dahil doon. Buo na ang pasya ko kaya wala nang makakapigil sa 'kin. Isa sa mga trabaho ko ay ang panatilihing balanse ang mga mundo namin. Oo nga at mayroong mga kakaibang nilalang na nakatira dito sa Hearth pero hindi ibig sabihin ay pwede na nilang gawin kung ano ang gusto nila. Ang mundong ito ay mundo ng mga tao, wala silang karapatan upang guluhin ito.
Kung may gulo mang mangyari ay dapat mga tao lang din ang nagsimula.
"Anong klase siyang nilalang, Joseph?" Malalim ang boses ko nang magsalita ako. Mukha kasing hindi ko siya makukumbinsing sabihin kung hindi ko siya tatakutin. Pasensiya na lang siya dahil pursigido ako sa isang ito.
"Isa siyang b-bampira, Mahal na Reyna."
"Sabi ko na nga ba at hindi siya isang baliw," sabi ko at saka siya tinalikuran.
"Saan ka pupunta, Mahal na Reyna?" tanong niya nang maglakad ako palabas ng shop niya.
Huminto ako saglit bago siya sagutin. "Pupuntahan ko kung sinuman ang gumagawa nito. Hindi ko hahayaang makapanggulo sila nang dahil lang sa nangyari sa mundo ninyo. Sang-ayon ka ba sa sinasabi ko?"
Tumango siya bilang tugon. "Sang-ayon ako, Mahal na Reyna. Ngunit nais kong hilingin, huwag mo po siyang papatayin," sabi naman niya sa 'kin kaya natawa ako nang malakas. Buti na lang at wala nang mga tao sa loob.
"At bakit mo naman nasabing may balak akong patayin siya?" tanong ko habang nakangisi sa kaniya.
"H-Hindi ko po alam pero..."
"Hindi ko siya papatayin, Joseph. Siya na lamang ang nag-iisang bampira kaya hindi ko siya kayang patayin. Gusto ko lang siyang kumbinsihin na itigil na ang pagpatay. Alam mo namang iyon ang isa sa mga ayaw naming mga demonyo, hindi ba?"
Muli siyang tumango bilang tugon.
"Huwag ka na ngang mag-alala riyan, Joseph. Pangako, hindi ko siya papatayin o sasaktan. Kakausapin ko lang naman siya."
Hindi ko talaga sila maintindihan. Ganito na ba talaga ang tingin nila sa 'ming mga demonyo? Mga walang puso?
Kailan ba nila nabalitaan na may pinaslang kami na mga nilalang na walang ginagawang masama? Kami ang taga-hatol sa kanila kaya kami ang pumapatay pero kaya lang namin ginagawa iyon ay dahil may kasalanan sila! Tss.
Isang deretso lang ang daan papunta sa apartment ko pero lumiko ako sa kaliwa dahil nakakita ako ng isang tunnel. Hinintay kong magdilim doon dahil may napanood ako sa balita na madalas sa mga ganitong liblib na lugar pumupunta ang Ms. Pangil na iyon.
Ilang oras pa akong naghintay hanggang sa halos wala na akong makita dahil sa sobrang dilim. Buti na lang at hindi ako tao.
"Sino 'yan?" Napatingin ako sa nagtanong at nakita ang isang hindi pamilyar na lalaking may hawak na flashlight. Ayon sa suot niyang damit, isa siyang pulis.
"Ahm, isang inosenteng mamamayan na naghihintay kay Ms. Pangil?" tugon ko sa kaniya, hindi sigurado sa dapat kong isagot.
Nang makalapit siya sa 'kin ay saka ko lang nakita ang mukha niya. Mukha pa siyang bata para sa isang pulis. Maputi, matangos ang ilong at singkit ang mga mata. Mapupula rin ang kaniyang mga labi at may kaunting bigote na.
"Ms. Pangil? Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo? Malalagay ka lang sa panganib, bata," sabi naman niya sa 'kin. Makabata naman ang isang ito ay akala mo kung sino.
Huminto siya sa harap ko nang may kunot sa kaniyang noo.
Tumawa ako nang pilit. "Na-curious kasi ako kung sino siya at kung ano ang itsura niya kaya naman nagbaka sakali akong makikita ko siya rito."
"Pero hindi pa rin maganda ang ideya na ginagawa mo. Paano kung makita mo nga siya? Mamamatay ka naman pagkatapos." Medyo tumaas ang boses niya.
Ito namang mamang pulis na ito, napakasungit!
"Hindi ako mamamatay, promise! Hindi ko naman siya nakita, hindi ba?" sabi ko na lang. Gusto ko na kasing umalis para hindi na niya ako matanong pa.
"Tara at sumakay ka na sa sasakyan ko. Iuuwi na kita, bata," sabi niya naman pero hindi ako sumama sa kaniya nang maglakad siya paalis.
"Sabi ng mommy ko, huwag daw ako sasama sa isang estranghero. Hindi kita kilala kaya bakit ako sasama sa 'yo?" Gusto kong batukan ang sarili ko pero wala na akong magagawa. Nasabi ko na!
Muling napatingin sa 'kin ang pulis na medyo natatawa dahil sa sinabi ko. "Ako si SPO2 Vicente Santos, isa akong pulis kaya hindi ako gagawa ng kahit anong makapapahamak sa mga mamamayan dahil iyan ang trabaho ko."