Chapter 3

2105 Words
Joseph Shawnna Gaile Arcinue Panibagong araw na naman ang gugugulin ko sa school kaya maaga akong gumising. Hindi ko kasi alam kung saan sisimulan ang paglalakbay ko kaya naman naisip kong manatili na muna sa school pansamantala. Kung ma-iinvolve din ako kay Ms. Pangil ay mas mabuti dahil magkakaroon ng kabuluhan ang buhay ko. Napanood ko kasi siya sa TV kagabi at nalaman kong ang dami na pala talaga niyang napapatay. Ayoko naman ng ganoon dahil kahit papaano ay tao pa rin ang pinapatay niya. Wala na akong pakialam kung tao nga ba siya o hindi. Mas inaalala ko ay kung baka kalahi ko siya, mananagot talaga siya sa 'kin. "Lagot ka sa 'kin, Ms. Pangil. Mata lang ang walang latay," sabi ko sa harap ng salamin. Plano ko kasing maglakad mamaya pauwi pero hahayaan ko munang dumilim para mas effective. Lumabas na ako ng apartment ko at ni-lock ang pinto. Buti na lang at nakapagbayad na ako sa matandang iyon kung hindi ay baka kinalabog na naman niya ang pinto ko. Kailangan ko rin palang maghanap ng trabaho para magkaroon ng pera. Sa pagkakaalala ko kasi ay sa pera umiikot ang mundong ito. Walang mangyayari sa 'kin kung wala akong pera. Ayoko namang gamitin na naman ang kapangyarihan ko para lang gumawa ng papel na 'yon. "Ano kayang trabaho ang makukuha ko sa edad kong ito?" bulong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa paligid ko, nagbabaka sakaling makakita ako ng naghahanap ng trabahador. Habang nililibot ko ang tingin ko ay nakaamoy ako ng isang mabangong aroma. Hindi ko alam kung ano iyon kaya naman sinundan ko. Para akong aso na amoy nang amoy sa paligid pero hinayaan ko na. Hindi naman ako napapansin ng ibang tao sa ginagawa ko. "Dabb's Coffee shop?" basa ko sa isang tindahan kung saan ko naaamoy ang mabangong aroma na iyon. Hindi ba ang coffee ay isang uri ng inumin? Kung tama ang pagkakaalala ko. Pumasok ako at narinig ang chimes na nagmumula sa pinto. Napatingin sa akin ang isang empleyado at agad na ngumiti. "Good morning, Ma'am! Welcome to Dabb's Coffee Shop," sabi niya. Napatingin ako sa nameplate niya at nabasang siya si Sue. Napatingin ako sa itaas kung nasaan ang listahan ng mga kape na ibinebenta nila. Nakakita rin ako ng ilang mga tinapay na kasama rin sa ipinagbibili. Napakunot ang noo ko dahil sa mahal ng mga iyon. "Pwede ba akong magtanong kung naghahanap kayo ng pwedeng magtrabaho sa shop ninyo?" tanong ko na lang dahil wala naman akong pera na pambili. Para naman siyang natauhan at agad na pumalakpak ng isang beses. "Tamang-tama! Sandali lang at tatawagin ko ang manager namin, a?" tanong niya sa 'kin kaya naman tumango ako sa kaniya. Pumasok siya sa isang pinto na may nakalagay na For Authorized Staffs Only. Sa tingin ko ay nandoon ang manager na tinutukoy niya. Naupo muna ako sa isang silya na nasa harap ng cashier table. Mayroon kasi roon na mataas na upuan. Mabuti na lang at kahit papaano ay biniyayaan ako ng height. Muli akong napatingin sa pinto nang bumukas iyon. "Pwede kang pumasok dito para kausapin si manager," sabi niya sa 'kin nang malawak ang pagkakangiti. Agad akong tumayo para pumasok sa loob. Pagpasok ko ay agad akong napatingin sa taong kaharap ko ngayon – or should I say, nilalang na kaharap ko ngayon. "Queen Shawnna, it's been decades since we've seen each other," ani Joseph sabay yuko sa harapan ko, isang kakaibang nilalang din na gaya ko – a werewolf. "Joseph, hindi ko inaasahang nandito ka," sabi ko at saka siya pinaayos ng tayo. Hindi ako isang reyna ngayon. Ako ay isang ordinaryong tao lang sa mundong 'to. Nalaman ko sa kaniyang ang mundo ng tao ang kanilang tirahan ngayon matapos ang nangyaring pagwasak sa mundo nila noon. Sa mundo nila ay werewolves at vampires ang naninirahan pero hati ang mundo sa dalawa para maiwasan ang gulo. Hindi ko na alam kung ano ang balita sa kanila matapos ang trahedya. "Maupo ka, Mahal kong Reyna," aniya. "Huwag mo na akong tawagin na ganiyan, Joseph. Isa na akong ordinaryong nilalang gaya mo. Wala naman tayo sa kaharian ko kaya kalimutan mo na," sabi ko sa kaniya at saka naupo sa kaharap niyang silya. "Pero nakasanayan ko na rin kasi iyon. Ayoko namang mawalan ng respeto sa iyo," sabi niya sabay yuko na naman sa 'kin. Napailing na lang ako. "Ikaw ang bahala pero pwede mo namang akong tawagin kahit na Shawnna na lang," pagpilit ko sa kaniya. Kung siya ang magiging manager ko ay baka magtaka sila kung bakit magalang siya sa isang empleyadong gaya ko. To think na isa lang akong grade seven student. Yeah, I know right. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito sa coffee shop ko, S-Shawnna? Ang sabi ng empleyado ko ay gusto mong magtrabaho rito?" sabi niya. Mukhang naiilang siya na tawagin ako sa pangalan lang pero kailangan niyang masanay. Ayokong mabuking nang maaga. "Tungkol pala roon, gusto ko sanang magtrabaho dahil ayokong gamitin ang kakayahan ko para magkaroon ng mga bagay na kailangan ko rito." "Gusto ko sanang itanong sa 'yo. Ano naman ang plano mo at gusto mong manirahan sa mundong ito? Nakausap ko si Luke at nais mo raw pong maglakbay. Bakit naman sa mundo pa ng mga tao? Pwede namang sa mundo ng mga duwende o kaya naman ng mga diwata," suhestiyon niya. "Matagal ko nang gustong magpunta sa lugar na ito, Joseph. Bagot na bagot na rin kasi ako sa mundo namin kaya ito ako." "Hindi ba at mapanganib ang ginagawa mo, Shawnna?" "Alam ko namang mapanganib, kaya nga hangga't maaari ay gusto kong maging normal. Hindi ako gagamit ng kahit anong kapangyarihan maliban na lang kung kailangan ko talaga." "Kung ganoon, pwede naman po kitang tulungan. Dito ka na lang magtrabaho para hindi ka na mahirapan." "Talaga? Malaking tulong talaga ito, Joseph. Maraming salamat!" "Walang anuman po, Mahal na Reyna." Tiningnan ko naman siya nang masama dahil iyon na naman ang tawag niya sa 'kin. Humingi agad siya ng tawad at saka kami lumabas para sabihin kung ano ang magiging trabaho ko. Kinausap naman niya si Sue at mukhang gusto pa akong gawin ni Joseph na cashier girl kaysa waitress. "Okay lang naman kahit ako ang maging waitress. Hindi mo siya kailangang tanggalin sa nakagawian niya," singit ko sa kanila. "Pero mahal na – aherm – mahirap ang trabaho ng mga waitress kaysa cashier," sabi naman niya sa 'kin. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa sinabi niya. Sinabi ko na ngang gusto ko maging normal na nilalang pero mukhang hindi naman niya ako naintindihan. "Ayos lang. Pwede ko namang pag-aralan kung paano, hindi ba, Joseph?" Binigyan ko siya nang isang nakamamatay na tingin para hindi na siya makaangal pa. "Ah, tama. Masusunod," aniya. Napailing na lang ako sa loob ko. Hindi ko sana gustong gamitin ang pagiging pinuno ko pero kasi naman, kung hindi siya titigil ay mas lalong manghihinala ang mga tao sa paligid. Ayokong magpaka-VIP, 'no! E 'di hindi na naging normal pa iyon. Inihabilin pa niya ako kay Sue bago siya tuluyang bumalik sa kwarto niya. Nginitian ako ni Sue kaya tumango lang ako sa kaniya. Ayoko namang matakot siya sa ngiti ko, baka mag-resign pa siya nang wala sa oras. "Huwag mo na pansinin iyong boss mo masyado, a? Pareho lang tayong trabahador dito kaya huwag ka mag-alala," sabi ko sa kaniya dahil mukhang magkakaroon ako ng isang VIP treatment. "Nagtataka nga ako kung bakit ganoon ang pakikitungo niya sa 'yo. Magkakilala ba kayo?" tanong niya sa 'kin. "Parang ganoon na nga. Hindi ko akalain na sa kaniya pala itong coffee shop na ito. What a coincidence!" Nagkwentuhan pa kaming dalawa at nalaman kong mas matanda siya sa 'kin ng limang taon. Ibig sabihin ay grade twelve na siya at disi-otso anyos. Gusto ko sanang sabihing ilang daang taon na ako pero huwag na lang. Pagtatawanan niya lang ako panigurado. Isinuot ko na rin ang uniporme nila rito na parang apron lang din naman. May nakalagay roon na Dabb's Coffee Shop at ang simbolo nila. Agad kong nilapitan ang isang costumer na kapapasok lang at hiningi ang kanilang order. Again, hindi ako ngumiti. Baka hindi na sila bumalik kapag ginawa ko iyon. Napatapik ako sa noo ko nang makita ko ang orasan. Bakit nga ba nakalimutan kong nag-aaral nga pala ako? Nasanay kasi ako na ganito sa mundo namin. Kapag may panibagong problema ay doon ko itutuon ang atensyon ko. Nakakalimutan ko tuloy ang mga nauna kong problema. "Sue, kailangan ko na umalis. Pakisabi na lang sa boss mo na kailangan kong pumasok. Bukas ko na lang siya kauusapin. Pasensiya na," sabi ko sa kaniya at saka inilapag ang apron sa isang gilid. Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil nagmamadali na akong lumabas. Late na ako sa una at pangalawa kong subjects. Pagkarating ko ay mukhang break na naman kaya tumambay na muna ako sa canteen. Hindi na ako kumain dahil busog pa naman ako. Tiningnan ko lang ang mga tao sa paligid at saka nagmasid nang may biglang naupo sa harap ko. "Ate, remember me?" tanong niya habang nakangiti nang malapad. If I'm not mistaken, she's Ria. Iyong nag-alok sa akin na sumali sa dance club kahapon. "Ah, yes. Of course. Hindi kita nakalimutan," sabi ko sa kaniya at saka tumango-tango. "So, ano? Sasali ka na ba? Kanina pa kita hinahanap pero mukhang kapapasok mo lang." "Yes, late kasi ako ng gising?" patanong na sabi ko sa kaniya kaya natawa siya. "And yes, gusto kong sumali." Tiningnan ko siya sa mata nang malalim. I expected her to get scared pero mas lalo lang lumapad ang pagkakangiti niya. "That's great! Mamayang uwian ay magkakaroon ng meeting. Sabay-sabay ang uwian ng lahat kaya naman sa tingin ko ay free ka. Saglit lang naman iyon. Parang registration pa lang at kaunting sayaw," sabi niya sabay kindat. Medyo malakas ang boses niya kaya naman napapatingin ang ilang tao sa tabi namin. "Ah okay. I'll take note of that. And please, lower down your voice," sabi ko sa kaniya na ikinatawa niya nang malakas. Mukhang hindi niya naintindihan ang gusto kong mangyari. "You know, Ate, you remind me of someone. Kaibigan ko siya at ganiyan din siya makitungo. Cold... and a little scary," seryosong sabi niya pero agad din namang natawa dahil sa sinabi. "Ahm... okay." Narinig ko na ang bell hudyat na tapos na ang break kaya naman tumayo na ako. "Kailangan ko na umalis para sa susunod kong subject. Kita na lang tayo mamaya," sabi ko at hindi na ulit hinintay ang sasabihin pa sana niya. Tumakbo na ako patungo sa second floor at saka dumeretso sa room namin. Nakita kong medyo nagulat ang mga kaklase ko na makita ako at may ilang feeling close na sumigaw, "Aga natin Shawnna, a? Aga natin para sa pangatlong subject." Isa sa mga maiingay kong kaklase. "Na-late kasi ako ng gising kaya kapapasok ko lang," pagsisinungaling ko. Natawa siya sa 'kin at saka ako nilapitan at inakbayan. Medyo napatingin pa ako sa kamay niya na nakaakbay sa 'kin. "Ayos lang iyan, bro. Wala pa naman tayong ginagawa," sabi niya sabay tawa na naman. "Ako nga pala si Brixther, nice to meet you!" Kinuha ko ang kamay na nakalahad sa harap ko at nakipag-shake hands. "Shawnna. Kahit na alam ko namang kilala mo na ako," sabi ko na ikinatawa na naman niya. Hindi naman siya masiyahin, 'no? "Yes, mabilis kasi akong makaalala ng mga pangalan lalo na kapag interesado ako," sabi niya sabay kindat sa 'kin. Napangisi ako. "I guess you're interested in me, then," sabi ko na medyo ikinagulat pa niya. "Woah! Hindi ko inaasahan na sasabihin mo iyan pero masyado ba akong halata?" natatawa niyang sabi na ikinailing ko. "Not really. Kilala ko lang kasi ang mga tulad mong lalaki," sabi ko. "Aw, girl. I like you already," bulong niya sa 'kin pero umalis na ako. Naalala kong masyado pa siyang bata para sa mga ganito. Ayokong makasira ng future dahil sa kalandian ko. I like older guys. Pagkaupo ko sa silya ay napahinga ako nang malalim. Inaantok na naman kasi ako. Ayoko namang matulog dahil si Mr. Sanchez na naman ang guro namin, iyong nakahuli sa 'king natutulog. Baka mapalabas na ako ng room kapag nagkataon. Napansin kong may nakatingin sa 'kin at nang tingan ko ay iyong kaklase kong tahimik din pala. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit siya nakatingin pero hinayaan ko na lang. I'm not really interested with innocent guys. Hindi na ako bata para sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD