After four years... NAALIMPUNGATAN si Zarina ng maramdamang may humihila sa kumot niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. "Wake up na po," narinig niyang wika ng isang boses. Napatingin si Zarina sa kanyang gilid at nakita niya si Zeus na hinihila ang kumot niya. "Your awake na, Mama." wika ni Zeus nang magtama ang mga mata nila. Lihim siyang napanngiti. Mayamaya ay bumangon siya sa pagkakahiga niya. Pagkatapos niyon ay binuhat niya si Zeus at pinaupo niya ito sa hita niya. "Paanong hindi magigising si Mama? Hinihila mo kumot ko," sabi niya sa apat na taong gulang na anak. Hinaplos din niya ang buhok nito. "Bakit mo ba ginigising si Mama?" Tanong niya rito. "It's sunday, Mama. Hindi po ba pupunta tayo sa church?" Sabi ni Zeus. "Uhm, ano oras na ba?" Tanong niya sa anak. Tumi