NANGUNOT ang noo ni Zarina ng pagkapasok niya sa kusina ng bahay nila ay may naamoy siya. Napatingin siya sa kasambahay nila na abala sa pagluluto. Nagusot ang ilong niya. Hindi niya gusto ang amoy ng niluluto nito kaya mabilis siyang naglakad patungo sa fridge. Binuksan niya iyon at kinuha ang pakay niya kung bakit siya nagpunta sa kusina. Kinuha niya ang chocolate spread na naroon sa loob ng fridge at nang bottled water. Kumuha na rin siya ng kutsara at lumabas siya ng kusina. Ayaw niyang tumambay do'n kasi ayaw niya ang amoy ng niluluto ng kasambahay nila, naduduwal siya. Dumiretso si Zarina sa sala ng bahay nila. Umupo siya sa sofa, ipinatong niya ang hawak na bottled water sa center table. Pagkatapos niyon ay binuksan niya ang takip ng chocolate spread. Gamit ang hawak na kutsara ay