"GOOD morning," bati ni Zarina sa babaeng nakatalikod sa kanya habang abala ito sa pagsipat sa mga naka-arranged na flower na nasa harap nito. Lumingon naman sa kanya ang babae. At hindi niya napigilan ang mapakunot ang noo nang matitigan ang hitsura ng babae. Pamilyar ang mukha nito sa kanya. Hindi lang niya matandaan kung kailan o kung saan niya ito nakita. Ipinilig na lang ni Zarina ang ulo at ipininokos ang atensiyon sa kaharap. "Hi!" Nakangiting bati nito sa kanya ng magtama ang mga mata nila. "Ikaw ba ang may-ari nitong shop?" Mayamaya ay tanong nito. Nakangiting tumango naman si Zarina. "Uhm, yeah. I am the owner," sagot niya rito. Pagkatapos niyon ay inilahad niya ang isang kamay sa harap nito. "By the way, I'm Zarina Samonte," pagpapakilala niya rito. Nakangiting inabot n