Chapter 9

1195 Words
Chapter 9 Nakalipas ang ilang araw ay hindi na bumalik ang mga sumugod na tao sa kina Tandang Sora. Napa kalma ako sa Naisip. Ilang araw na din akong nababahala na baka bumalik sila at tuluyan na akong paalisin sa lugar na ito. Ilang araw na din akong tumutulong sa mga pananim nila at nakasanayan ko na ito. Iba rin pala talaga pag nakakalabas ka nang bahay at nag tatrabaho kesa sa pag lalaro lang araw-araw nang games sa computer. Iba ang dulot ng katawan pag nagigising sa umaga at nag tatrabaho. Madami akong naiisip kung nasa earth ako, at ganito ang gawain ko. “Pakikuha nalang din nga mga gulay sa kabila at magsisi mula na tayong mag ensayo maya-maya,” sabi ng matanda sabay pasok sa bahay bitbit ang isang balde nang gulay na pinitas nya. Sa nakaraang araw din na to ay tinutulongan nya akong mailabas kung ano ang klase nang kapangyarihan ko pero hanggan ngayon eh wala parin kaming alam dahil d pa lumalabas kapangyarihan ko. Ginagawa ko naman ang mga utos nya at instructions, eh ayaw parin gumana. Baka naman kasi wala talaga akong kapangyarihan? Kahapon eh pinag ensayo nya ako sa tinuro nyang martial arts. Naiisip ko tuloy kung ano talaga sya nung kabataan nya dahil magaling itong maki pag laban. Sinabihan nya din ako na kulang lang ako sa enersisyo kaya baka ayaw lumabas ng kapangyarihan ko. Dahil sa matagal na hindi ko makita na may kapangyarihan ako ay nanghihinayang tuloy ako. Naiisip kong para akong walang kwenta at kung bakit pa ako andito at ako ang napili. Bakit binigyan agad ako nang misyon na baguhin at sagipin ang mundong ito kung di rin naman ako isang makapangyarihan na tao. “Magsimula na tayo!” Sigaw ng matanda sa di kalayuan, sabay kumakaway. “Papunta na po!” Sigaw ko at iniwan ang mga natrabaho ko sa isang malaking mesa. “Alam mo ba paano gamitin ito?” Sabi nya nang makalapit ako. “Kahoy?” Sabi ko Isa kasing kahoy ang hinahawakan nya at mataas na may blunt ang magkapilaan. Yung para pang baton. “Siguro?” Sabi ko at binato nya naman agad ang kahoy sa akin at muntukan ko mang d nasalo. “Ha!” Sigaw nya sabay sulong sa akin. Bigla akong umiwas pero hindi ko siya nailagan nang maayos at na tamaan ako sa likod ng kahoy nyang bitbit. “Aray! “ sigaw ko nang malakas kasi totoong masakit ang mga tama nya. Simula nang nag ensayo kami ay tinutoo na nya sng p*******t. May galit ata ito sa akin. “Kung ayaw mo masaktan, umilag ka nang mabuti! Ulit!” Sigaw nya at agad ko naman siyang sinulong at winagayway ang kahoy kung saan saan. Hindi naman ako maalam nang mga ganito dahil sa bahay naman ako palagi. Nakaiwas siya sa akin at biglang nag counter attack at hindi ko na na block kaya natamaan ako sa braso sabay napatumba. “Agh!” Sabi ko sa hangin. Ang hirap kasi nito dahil ang taas nang kahoy. Mas mahirap ata ito dahil parang lance-type ito. Mataas na kahoy at manipis. Mas mabuti sana kung porma itong isang sandata. “Wag kang tumayo lang dyan!” Nagulat ako anng bigla nalang sumulong sa akin si tandang Sora at reaksyon ko naman agad na hinarangan ang kanyang pag atake at napapikit ako at baka matamaan pa. “Magaling!” Rinig kong sabi nya kaya dinilat ko ang mga mata at napatingin sa kanya na may ngisi sa mukha. Napakunot naman ang noo ko. “Ha?” Sabi ko nalang at akmang ibabato nalang sana ang kahoy na hawak nang makita ko bigla na nag iba ang anyo nito. Ang nuon na plain, dull at blunt na mataas na kahoy ay nag ibang anyo at naging sandata pero gawa parin ito sa kahoy. “Ha?!” Napa sigaw ako sabay umawang ang baba. “P—paano… paano ito nangyari?” Mahinang sabi ko “Magaling at naipalabas na natin sa walas ang iyong kapangyarihan! Isa ka palang enhancer!” Nakangiting sabi nya at lumapit sa akin sabay tapik ng likod ko. “Magaling! Isang magandang kapangyarihan kung alam mo lang gamitin ng maayos.” Sabi nya. Nakatulala lamang ako sa kahoy na nag anyong espada sa mga kamay ko. Hindi ako maka paniwala na nangyari ito at totoong may kapangyarihan pala ako. “Totoo ba to?” Banggit ko sa sarili Nagulat ako nang hinampas ako bigla ng matanda sabay tawa at naglakad papalayo “Bago mong assignment ay paibahin ang anyo nyan, saka tayo mag lipat sa iba. Unti unti at nang wala tayong maiwan na pagturo,” sabi nito at nilagay ang hawak na kahoy sa may pinto nang bahay nila at pumasok na. “May kapangyarihan ako!” Sabi ko nang masaya sabay talon. “Yahoo!” Sigaw ko sa hangin sabay taas nang kanan kong kamay at napa suntok sa hangin. Akala ko yalaga wala akong kwenta sa mundong to at nagkamali lang yung no face sa pagdala sa akin dito. Enhancer. Maganda daw itong kapang yarihan. Ngayon, dapat mas mag focus muna ako sa pag iiba nang mga shape na pwede kong magaya. Paano ka ba iyon nagawa kanina? Pinag isipan ko nang mabuti kung paano ko nagawa ang kanina at pinilit ang sarili alahanin yon. “Hmm, paano nga ba!” Medyo nawawala na pasensya kong sabi. Hindi ko na kasi magawa muli yung kanina. Ang na alala ko ay nag isip ako nang isang sandata oero ginagawa ko naman ito kanina pa pero ayaw. Dapat ba gustuhin ko talaga? Pumukit ako muli sabay hawak nang mahugoit sa sandatang kahoy. “Argh!” Sabi ko sna inis. “Paano ba kasi!” Dagdag kong sabi sa sarili Ilang oras na lumipas at nandito parin ako sa labas at nag eensayo kung paano gawin ang nagawa ko kanina. “Hindi ka ba kakain?” Rinig kong sabi nang babae sa likod. Si ayeng “Mamaya. Gusto ko ma comtrol ito sa lalong madilimg panahon. O kahit malaman man lang paano gamitin ang kapangyarihan ko.” Tugon ko sa kanya. Lumapit ito sa akin sabay upo sa inuupoan ko at tinignan ako. “Ang sabi nila, pag humagamit ka nang kapangyarihan mo, dapat naniniwala ka. Naniniwala sa kalayahan mo at naniniwalamg totoo iyon. Ang kapangyarihan kasi ay lumalabas dahil sa emosyon. Maaring galit, masaya at ano pa man ang nadarama. Napa isip naman ako sa kanyang sinabi. Hmmm, may punto nga naman siya. “O sha at mauuna nalang kami ni nanay. Sumunod ka nalang.” Sabi neto sabay alis sa tabi ko at ojmasok na nang bahay. “Ma try nga,” sabi ko sa sarili. Huminga ako nang malalim at pinikit ang mga mata. Nag isip ako nang mabuti sa gusto kong maiba ang shape nito at nanig na totoo at makapangyariha ako. Inisip ko nang mabuti na magkaroom nang isang kutsilyo. Na gusto ko g makita ang gawa ko. At totoo nga, unti unting lumiliit ang kahot sa hawak ko kaya dumilat ako, tama nga. Naging kutsilyo ang hawak hawak kong sandata lamang kanina. Napangisi ako sa nagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD