Chapter 10

1363 Words
Chapter 10 Ilanga raw na akong nag eensayo sa aking kapangyarihan at ngayon ay medyo mabilis ko na itong na ko control. Ang tawag daw s akapangyarihan ko ay Enhancer. Hindi daw eto common at kinokonsidera na isa sa mga type A na klase. Masaya naman ako s anarinig at nagdidiwang ang aking puso at isipan. Masaya na ako ngayon na napd-pad ako dito at s amga araw-araw kong Gawain ay marami na akong natutunan. Madami pala akong na miss out na kasiyahan sa buhay dahil lang sa babad ako palagi sa aking kompyuter. Ngayon na mas nasisislayan ko ang nature at may kapangyarihan ako ay naiisip kong ito ay mas magandang buhay kaysa sa buhay ko sa earth. Parang ayaw ko na nga din bumalik pero dahil may pamilya ako sa aming mundo eh wala akong magagawa kundi bumalik doon kung matatapos ang quest. “Pag ikaw ay aalis ditto ay kailangan mo mag rehistro sa isang adventure guild kung saan kasama moa ng ibat ibang uri ng lahi sa mundong ito.” “Ibat-ibang lahi?” tanong ko kay tandang sora. “Oo, hindi lang mga tao ang nakatira sa mundong ito. Merong kagaya natin, mga demonyo, elves, trolls, goblins, dragons at iba pang hindi nasisilayan ng mga tao dito.” “talaga?” na excite kong sabi. May elves! Hindi na ako makapaghintay na makakita at makasalamuha ang ibang mga lahi ditto. Oo nga naman noh, bakit di ko naisip na posibleng may ibang mga lahi dito dahil meron nga kaming mga kapangyarihan. Pumorma naman ng ngiti ang aking mga labi. “Griffin, pwede mob a akong tulongan sa pag hiwa ng mga gulay?” tanong ni Ayeng sa akin. Tinignan ko sya sabay tumayo at lumapit sa kanya. Magluluto kami ngayon ng mga potahe na sikat sa kanilang baryo. Handang handa na akong tikman ang kanilang luto at kung gaan ito ka iba sa aming bansa. Ang sabi ni Tandang Sora, meron din kasama ang luto na ito na isang medesinang dahon na nakakapag palakas ng katawan at resistensya. Parang vitamins lang sa aming bansa. Medyo nahihiya na nga ako dahil mas nalulong na ako ngayon sap ag eensayo. Hinayaan na din ako ni Tandang Sora na mag ensayo mag-isa kaya umaalis ako sa kanilang bahay at pumupunta sa kalapitang ilog. Ginagawa ko lang ang mga tinuturo nya sa akin at mas ine-enhance iyon at sinasabay ang pag ensayo gamit ang aking kapangyarihan. Ang sabi din ng Matandang Sora ay nasa Rivendell ang mga mas maraming kagaya ko na taga ibang mundo. Ito rin ang isa sa pinakamaliking syudad ng Valeria. Ang sabi nya ay dun makikita ang Power source ng mundo nila. Ito yung sinabi ni no face sa akin na ayaw kong paniwalaan nuon. “Tapos na Ayeng, ano susunod?” tanong ko sa kanya habang siya ay nagsasaing nang pinaglutoan. “Akon a bahala sa iba, salamat. Mas mabuti pa ay mag ensayo ka nalang muna at tatawagin na lang kita maya-maya pag tapos na ako.” Lumapit ito sa kinaroroonan ko sabay kuha nang hiwang gulay. Tumingin ito sa akin sabay ngumiti. Si Ayeng ay isang mabuti at masunuring bata kaya naman ang swerte ko at sa kanila ako napadpad ni Matandang Sora at tinulungan nila ako nang ako ay naqngangailangan. Gusto ko din syempre ma ibalik ang kanilang kabutihan na ginawa sa akin. “Sigurado ka?” tanong ko sa kanya sabay ngiting pabalik. Tumango lang ito habang nakangiti parin ang mga labi. “Oo naman! Kailangan mo magpalakas upang hindi ka na apihin ng kahit sino man.” Sabi nito sabay taas ng kamay sa ere at naka kumkom ang kamay. “sige na, ako na bahala ditto,” sabi nito muli kaya tumango nalang ako at sabay kinuha ang aking espada. Ito ay gawa sa isang pinaka mahinang bakal pero sapat na ito para sa pag eensayo. Di ko naman ito magagamit ditto. Ito lang din kasi ang bakal na nakita ko sa kanila. Hindi naman kasi mayaman sina tandang Sora. ANg mundong ito, gaya nan gamin ay gumagamit din nang pera upang maka bili nang kung ano ano. Naglakad na ako paalis nang ilig bitbit ang aking espada. Nang makarating ako ditto ay agad akong nag ensayo dahil pa lubog na ang araw. Hindi naman gaano ka layo ang lugar na ito sa kanila, mga bente minute siguro at makakarating ka na ditto. Habang nag eensayo ako ay nakarinig ako nang kaluskos kaya napatigil ako bigla. Napatingin ako sa aking kanan kung saan ito nang gagaling. Ang dahon sa di kalayuan ay gumagalaw kaya dahan dahan akong lumapit upang tignan kung ano ito. Hawak hawak ko ang aking espada at dahan dahan na hinawi ang damuhan at bumungad sa akin ang isang babae na walang damit. Agad nitong tinakpan ang katawan. pero hindi ito ang naka gugulat. Nakita kong meron itong pula na sungay na tila parang isang demonyo. Teka! Diba sabi ni Tandang Sora ay meron ding demonyo sa mundong ito? Bigla akong natakot sa ala-ala kaya agad akong napa atras sabay angat nang aking sandata. “S-Sino ka at ano ang kailangan mo?” takot kong sabi. Tinignan lang ako nito sabay salita nang isang lengwahe na hindi ko maintindihan. Ano baa ng kanyang sinasabi? Patuloy ito sa pagsasalita ng biglang— “Bigyan mo ako nang matatabon sa h***d kong katawan,” rinig kong sabi nya. Napatimngan ako sa kanya nang gulat. “Mabuti naman at naiintindihan mon a ako,” sabi nito na walang ka ekspresyon sa mukha. Itinaas nito ang kanyang kamay na tila may hinihingi habang nakatabon ang isang kamay sa h***d nyang katawan. “Ah! Pasensya na,” sabi ko at agad hinibad ang t-shirt na suot. Tinapon koi to malapit sa kanya at agad naman nitong kiinuha. Tumalikod ako para makabihis sya. “Paano mo nabibigkas ang lengwahe namin? Kanina lang ay hindi kita naiintindihan.” Sabi ko. “Alam ko ang ibang lengua nang mga tao pero hindi ako magaling pa,” sabi nito. “Tapos na ako,” sabi nito kaya tinignan ko sya muli. Nakabihi na nga ito. Eksakto lang sa kanya na matabunan ang mga parte nang katawan nya. Ang t-shirt ko ay nagging isang one piece sa kanya dahil mas matangkad at mas Malaki ako sa kanya. Ngayon na nakikita ko sya nang mabuti ay Maganda pala ito per mukhang mas bata pa sa akin. Pula din ang kanyang mga buhok at matulis ang kanyang kuko sa kamay at paa. “Mas matanda pa ako sayo,” biglang sabi nito. “Ha?” gulat na sabi ko. “Mas matanda pa ako sayo. Ako ay 200 hundred years old.” Sabi nito. “Teka—nababasa mo ba ang iniisip ko?” gulat kong tanong. Tumango ito nang dahan dahan. “AKo si Misaki Furukawa nang demon clan,” pag papakilala nya sa akin. Inabot naman nito ang kanyang kamay kaya kinuha koi to para maki pag kamay din sa kanya. Nagulat ako nang bigla na naming gumalaw ang dahoon at may sumigaw sabay takbo paalis. Nagulat ako doon at susundan ko n asana nang biglang nagsalita sai Misaki. “Natakot ang tao sa akin,” sabi nito bigla. Nag usap muna kami nang masinsinan bago kami bumalik kina Tandang Sora, nang maisip kong mabuting nilalang ito ay sinama ko na ito dahil wala daw siyang kakilala ditto at kaya nagging anyong tao siya ngayon ay dahil nagamit nya lahat nang kanyang kapangyarihan sap ag punta ditto. Gusto nya kasi daw pumunta sa Rivendell kung saan lahat ng lahi ay trinatratong iisa. “Tandang Sora, Ayeng! Tawag ko sa kanila nang madatnan ko ang bahay na walang tao. “Teka lang,” sabi ko ditto. “Walang tao sa malapit, andun lahat,” sabi nya bigla sabay turo sa isang direksyon. Ito ay patungo sa sentro. Umalis ba sila? Tanong ko sa sarili. Nang makapasok ako s abahay ay nakita kong puro natumbang gamit at mga gulay at ang niluto ay kung saan saaan na natapon. Meron ding baks nang dugo. Agad akong kinabahan sa nakita. Ano ang nangyayari? May nanakit bas a kanila? Kialangan ko silang hanapin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD